You are on page 1of 2

Aking natutunan na…

Ang Likas Na Yaman (na tinutukoy sa ekonomiks bilang yamang lupa, tubig, gubat, mineral na
mga hilaw na materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong
ginagambala ng tao, sa isang likas na anyo. Kadalasang binibigyan ng katangian ang likas na
yaman batay sa laki ng biological diversity na mayroon sa iba't ibang mga ecosystems. At ito ay ang
Yamang Lupa, Yamang Tubig, Yamang Mineral, Yamang Gubat at Yamang Tao.

Ang mga halimbawa ng mga likas na yaman:

Yamang gubat - ay ang likas na yamang gubat ng Pilipinas tulad ng bagay o hayop na
matatagpuan sa kagubatan. Kabilang dito ang mga natatanging puno, halaman at hayop na sa
Pilipinas lang makikita. Dito pumapasok ang Agronomiya o ang agham at teknolohiya ng paggamit
ng mga halaman para sa pagkain, konstruksyon, panggatong, pakain, at hibla, pati ang
pangangalaga sa hayop-gubat o wildlife.
1. Narra
2. Orchids
3. Tamaraw sa Mindoro
4. Philippine Mouse Deer o Pilandok
5. Philippine Monkey-Eating Eagle

Yamang lupa – Ang yamang lupa ay mga likas na yaman ng Pilipinas na tumutukoy sa mga bagay
o pagkain na karaniwang makikita sa anyong lupa. Sagana sa yamang lupa ang bansa dahil
itinuturing ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa dahil mainam taniman ang mga lupa rito.
1. Palay
2. Mais
3. Prutas
4. Gulay
5. Puno
6. Halamang-ugat
7. Halamang-gamot

Yamang tubig - Ang yamang tubig naman ay tumutukoy sa mga likas yaman ng Pilipinas na
makukuha mula sa mga anyong tubig tulad ng dagat, lawa, talon, ilog, at iba pa. Kung yamang tubig
lang din ang pag-uusapan, mayaman ang Pilipinas sa anyong tubig na pinagkukunan ng makakain
ng mga tao. Mula sa tubig ay makakakuha tayo ng iba’t ibang seafood tulad ng isda, alimango, at
marami pang iba. Mahigit 2,000 klaseng isda ang matatagpuan sa Pilipinas, ilan sa mga ito ay
endemic sa bansa gaya ng sinarapan na sa Camarines Sur lang makikita at ang tawilis na sa Taal
Lake lang mayroon.
1. Isda
2. Corals
3. Perlas
4. Jellyfish

Yamang Mineral - Ito ay ang mga likas na yaman mula sa kalikasan. Ito ay natural na yaman ng
bansa at di gawa ng tao. Makukuha ito sa pamamagitan ng pagmimina dahil i to ay nakukuha sa
kalaliman ng lupa. Subalit, hindi ito pwedeng palitan at dagdagan. Kung kaya, tinatawag itong mga
“scarce resource” sa Ingles.
Cabana_set b_AP7_group2_092022
Tatlong uri ng yamang mineral:
1. Metal
 ginto
 pilak
 bakal
 tanso
 nikel
 copper
 aluminyo
2. Di-Metal
 marmol
 jade
 limestone
 mga kristal
3. Panggatong na kusilba o Fossil Fuels
 petrolyo
 gas

Yamang tao – (Human Resource) Ito ay tumutukoy sa bilang ng ng tao,o pangkat ng tao na
mayroong kakayahan na maghanap buhay upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kanyang
kinabibilangan. Ang yamang tao ay gumagamit ng talino, kakayahan, kasanayan, abilidad at lakas
sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Sa yamang tao din nakasalalay ang maayos na paggamit
ng mga likas na yaman upang makamit ang tunay na kaunlarang hinahangad ng isang bansa.
Halimbawa:
1. Guro
2. Pulis
3. Siyentipiko
4. Mangingisda
5. Magsasaka
6. Mangagawa sa pabrika
7. Minero
8. Overseas Filipino Workers

Bawat Rehiyon sa Asya ay may kanya-kanyang uri ng likas na yamang matatagpuan. Ito ay
nababase sa katangiang pisikal ng bawat rehiyon.

Napakahalaga ng Likas na Yaman sapagkat ditto nakasalalay ang ikinabubuhay at ikauunlad ng


isang bansa.

Ang pinakamahalagang ideya na aking natutunan ay ang tungkol sa mga likas na yaman at ang
mga uri nito. Natutunan ko rin na ang pagkaka iba-iba ng mga likas na yaman ay naka-depende sa
katangian pisikal ng isang rehiyon. Halimbawa, kung ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay
magubat, matatagpuan dito ang iba’t ibang uri ng mga punong kahoy, halaman at hayop.

Cabana_set b_AP7_group2_092022

You might also like