You are on page 1of 42

Unang Markahan-

Aralin 2

Mga Likas na Yaman ng


Asya
Layunin
MELC: Nailalarawan ang mga
yamang likas ng Asya

• Nakakapagbigay ng halimbawa ng mga likas na yaman


na matatagpuan sa mga rehiyon ng Asya.
• Napapahalagahan ang paggamit ng mga likas na yaman
ng Asya.
Pagganyak
Magtala ng limang pagkain, limang kagamitan at limang konsyumable o
bagay na nauubos na ginagamit mo araw-araw. Alamin kung anong
pangunahing sangkap ng mga bagay na ito.
Pagganyak
1. Ano ang napag-alaman mo sa mga bagay
na iyong ginagamit o kino-konsumo?
2. Ano ang natutunan mo tungkol sa mga
bagay na iyong kino-konsumo? Bakit
mahalagang gamitin ang mga ito nang
maayos?
Talasalitaan
Likas na
01 Pinagkukunang-
yaman
02 yaman
Mga bagay na Mga pinagkukunang-
ginagamit upang yaman na likas na
makabuo pa ng ibang matatagpuan sa isang
bagay na mako- lugar.
konsumo ng tao.
03 Petrolyo
Uri ng pinagkukunang-
04 Pag-aangkat
Gawain kung saan ang
yaman na magagamit isang produkto o
sa transportasyon at pinagkukunang-yaman
paglikha ng enerhiya. ay ipinapasok sa isang
Talasalitaan
05 Pagluluwas 06 Yamang Lupa 07 Yamang Gubat
Gawain kung saan ang Mga pinagkukunang- Mga
isang produkto o yaman na makukuha sa pinagkukunang-
pinagkukunang-yaman ay lupa tulad ng mga yaman na makukuha
inilalabas mula sa isang pananim. sa mga kagubatan
bansa patungo sa ibang
tulad ng kahoy na
lugar.
softwood, hardwood
08 Yamang Tubig
Mga pinagkukunang-
09 Yamang Mineral at timber.
Mga pinagkukunang-
yaman na matatagpuan yaman na makukuha sa
sa mga mga ilog, lawa at ilalim ng lupa at
dagat. Kasama rito ang kinakailangan ang
mga isda at mga lamang pagmimina.
Pagtatalakay
Mga Likas na Yaman sa
Sa nakaraang Asya
aralin, tinalakay ang
katangiang pisikal ng Asya sa
pamamagitan ng pagtukoy ng mga
anyong lupa at anyong tubig dito.
Tinalakay din nang bahagya ang
ginagampanan ng mga ito sa
Pagtatalakay
Mga Likas na Yaman sa
Asya natin ang mga
Sa araling ito, malalaman
likas na yaman na matatagpuan sa Asya at
paano ito nakakaapekto sa buhay ng mga
Asyano. Tatalakayin ang mga likas na
yaman na ito batay sa uri ng likas na yaman
—yamang lupa, yamang-gubat, yamang
Pagtatalakay
Yamang
Lupa
Sagana sa yamang-lupa ang Asya. Marami sa mga
yamang ito ang hindi pa rin nagagamit o nalilinang
hanggang sa ngayon. Mataba ang kalupaan sa
maraming bahagi ng kontinente na akma para sa
agrikultura. Dahil dito, maraming mga pananim
tulad ng mga prutas, gulay at mga root crop tulad
ng kamote, yam, gabi at patatas na makikita sa
Pagtatalakay
Yamang
Lupaang mga rehiyon ng silangan, timog at timog
Halimbawa,
silangang Asya ay kilala sa pagtatanim ng palay na
nagiging bigas. Bahagi ng kanilang pangunahing pagkain
ang produktong ito. Samantala, ang Kanluran at Gitnang
Asya ay kilala sa produksyon ng mga mani o nuts. Ang
iba’t ibang uri nito gaya ng pistachio, almond, cashew at
iba ay makikita sa mga rehiyong ito.
Pagtatalakay
Yamang
Lupa Asya ay nagtataglay ng mga
Ang Silangang
yamang lupa tulad ng palay, mga gulay,
tsaa, root crop at mais. Ang Timog
Silangang Asya ay sagana sa palay, mais,
tubo o sugar cane, kape at mga pampalasa
tulad ng sili, paminta, mga yerba o herb,
kanela o cinnamon at iba pa.
Pagtatalakay
Yamang
Lupa
Ang Timog Asya naman ay kilala sa mga produkto na
palay, trigo, millet, castor oil, root crops, tubo, kape,
tsaa, bulak o cotton at jute fiber, isang uri ng hibla na
ginagamit sa paggawa ng mga panali at sako. Sa
Gitnang Asya naman, makikita rin ang mga pananim
at produkto tulad ng trigo, bulak, barley, sugar beets,
flax, mais, sunflower, apricot, peras, mansanas, seresa
Pagtatalakay
Yamang
SaLupa
Kanlurang Asya naman
itinatanim ang trigo, mani, dates,
fig at barley. Makikita naman sa
buong kontinente ang iba’t ibang
uri ng hayop na ginagamit bilang
produkto tulad ng baka, baboy,
Pagtatalakay
Yamang
Lupa
Pagtatalakay
Yamang
Lupa
May mga hayop din na makikita lamang sa Asya.
Halimbawa nito ang mga panda na makikita lamang sa
Tsina, Bengal Tiger na makikita sa mga kabundukan at
kagubatan ng Timog Asya, Thai Elephant sa Thailand,
Philippine Eagle, tamaraw, at pilandok o mouse deer sa
Pilipinas, Malayan tapir sa Indonesia at Malaysia,
Komodo Dragon sa Indonesia at iba pa.
Pagtatalakay
Yamang
Lupa
Pagtatalakay
Yamang
Tubig
Tulad ng tinalakay sa Aralin 1, napapaligiran
ng mga dagat at karagatan ang Asya. May
mga anyong tubig din sa loob ng kalupaan
nito. Dahil dito, sagana din ang kontinente sa
mga yamang tubig.
Pagtatalakay
Yamang
Tubig Pangunahing kabuhayan ng mga
malalapit sa karagatan sa Silangan at
Timog Silangang Asya ang pangingisda.
Ang Japan ay kilala sa maunlad na
industriya ng pangingisda. Pangunahing
produkto nila ang salmon, tuna, sea
Pagtatalakay
Yamang
Bahagi
Tubigdin ng pangunahing pagkain ng mga
Hapones ang mga lamang-dagat tulad ng
seaweed o damong dagat, hipon, sugpo at
alimango. Marami din ang nabubuhay sa
pangingisda sa Timog Silangang Asya. Ang
mga taga-Pilipinas, Vietnam, Malaysia,
Pagtatalakay
Yamang
Tubigna produkto ng
Tampok
rehiyon ang tuna, sardinas, sea
urchin, at mga shellfish tulad
ng giant clam. Sa Pilipinas,
marami ang nabubuhay sa
pagsisid para sa perlas at
Pagtatalakay
Yamang
Tubig
May industriya din ng
pangingisda sa Timog Asya.
Ang Look ng Bengal ay
nagiging daungan ng mga
mangingisda. Ang mga ilog
naman ng Timog Asya ang
nagbibigay ng suplay ng tubig
Pagtatalakay
Yamang
Mineral
Ang mga mineral tulad ng metal,
petrolyo at karbon ay kinakailangan sa
maraming industriya. Nitong nakalipas
na 100 taon, mataas ang
pangangailangan ng daigdig sa mga
pinagkukunang-yamang ito. Sa lawak
ng Asya, hindi maipagkakaila na sagana
ito sa mga yamang-mineral. Makukuha
Pagtatalakay
Yamang
Ang Kanlurang Asya ay kilala sa mga
Mineral
produktong petrolyo nito. Karamihan sa mga
bansa rito ay may kakayahang mag-angkat ng
produktong petrolyo tulad ng gasolina, jet fuel,
propane, at krudo. Kilala rin ang rehiyong ito na
magandang pagkunan ng aspalto at ginto, pati na
Pagtatalakay
Yamang
Mineral
Ang Gitnang Asya rin ay kilala sa mga
produktong petrolyo at mga metal tulad ng iron
ore, ngunit mas kilala ang rehiyon sa produksyon
ng uranium na ginagamit bilang pangunahing
pinagkukunan para sa enerhiyang nukleyar. Dahil
dito, nasa ilalim ng Uniong Sobyet ang rehiyon
Pagtatalakay
Yamang
Mineral
Ang Timog Asya ay isa rin sa mga
nangunguna sa produksyon ng mga
mineral sa Asya. Halimbawa, ang
India ay pang-apat sa daigdig sa
produksyon ng karbon. Sapat ang
deposito ng langis ng rehiyon upang
tugunan ang mga pangangailangan
Pagtatalakay
Yamang
Mineral
Mayroon ding mga deposito ng
uranium ang rehiyon na
maaaringg gamitin sa mga
plantang nukleyar. Nangunguna
rin ang India sa pag-aangkat ng
iron ore, kasama rin ang
manganese, gypsum, chromium,
Pagtatalakay
Yamang
Mineral din ang rehiyon sa
Nangunguna
produksyon ng mica, isang kagamitan
sa paggawa ng kagamitang de-kuryente
at matatagpuan sa Nepal, India at Sri
Lanka. Marami ring deposito ng mga
brilyante tulad ng diamante, sapiro o
Pagtatalakay
Yamang
Ang Mineral
Silangang Asya ay sagana din sa mga yamang-
mineral. Ang Tsina ang tanging bansa sa daigdig na
may deposito ng bawat uri ng mineral. Ang Japan
naman ay may mga deposito ng tingga, pilak at
karbon. Ang Korea ay may mga deposito ng tungsten
na ginagamit sa mga bumbilya at iba pang
Pagtatalakay
Yamang
Mineral
Gayunman, tulad ng kanilang yamang-
gubat, pinapangalagaan nila ang mga ito at
bumibili na lamang ng mga mineral mula
sa ibang bansa. Gayunman, nangunguna
ang Silangang Asya sa industriya ng mga
kagamitang elektroniko, transportasyon at
komunikasyon na gumagamit ng
Pagtatalakay
Yamang
AngMineral
Timog Silangang Asya ang pangunahing
tagapag-angkat ng mga yamang mineral sa
silangang dako ng Asya. Sagana ang rehiyon sa
natural gas na hindi pa nagagamit nang husto. May
mga deposito din ng metal, bato at buhangin ang
rehiyon na tinatangkilik ng mga bansa sa Silangang
Asya. Pinagkukunan ng mga metal tulad ng
chrome, nickel, tingga, tanso at ginto ang rehiyon
Pagtatalakay
Yamang
Mineral
Gayunman, ang mga gawaing ito ng
pagkuha ng mga mineral ay lubhang
nakapipinsala sa kapaligiran. Ang
pagmimina ng mga metal mula sa mga
minahan ay nagpapahina sa lupa at
nagiging sanhi ng pagguho ng lupa sa
mga kalapit na lugar ng mga minahan.
Pagtatalakay
Yamang
AngMineral
mga kagubatan ay kinakalbo para sa
kahoy at mga mineral na maaaring makuha
mula sa lupa. Naaapektuhan din ang mga
kabundukan na pinagkukunan ng mga
deposito ng metal at bato para sa
konstruksyon. Bilang resulta, nawawalan ng
natural na pananggalang ang mga lupain sa
Mapa ng mga Pinagkukunang-
Yaman
sa Asya
Tandaan
Tandaan
• Sagana sa mga pinagkukunang-yaman ang Asya
dahil sa iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig
na nasasakupan nito.
• Ang mga likas na yaman ng Asya ay nagagamit
ng mga Asyano upang mabuhay at umunlad.
Tandaan
• Kapalit ng paggamit ng mga likas na yaman ng
kontinente ang unti-unting pagkasira ng
kapaligiran. Kaya naman, dapat na gamitin nang
maayos ang mga pinagkukunang-yaman at iwasan
ang pag-abuso sa kapaligiran.
Paglalapat
Pagtataya
Pagtataya
Unang Markahan-Aralin 2
Mga Likas na Yaman
ng Asya
Maraming Salamat sa
pakikinig
Philippine Copyright 2021 by TechFactors Inc.

All rights reserved. No part of this presentation may be reproduced or copied in any
form, in whole or in part, without written consent of the copyright owner.

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, infographics and
images by Freepik & Canva.

You might also like