You are on page 1of 8

1

ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: ___________ ________________ Baitang at Pangkat ______ Guro ___________

Aralin 3: Likas na yaman ng Asya: Hilagang Asya at Kanlurang Asya


MELC/ Kasanayan
 Nasusuri ang yamang likas ng Asya sa rehiyong Hilaga at Kanlurang Asya
(AP7HAS-le-1.5)

Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay magkaroon ng lubos na pag-unawa


sa paksang Likas na Yaman sa Asya. Pagkatapos basahin ang modyul na ito
inaasahang:
1. Nasusuri ang likas na yaman ng Hilaga at Kanlurang Asya at ang mga
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
2. Natutukoy ang mga implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng pangangalaga ng Likas na Yaman ng
Asya na
gamit ang social media.

Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa


Asya, ang kanyang Klima at Vegetation Cover. Bago tayo tumuloy sa susunod na
paksa ay sagutin ang unang pagsusulit.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang rehiyon na may malawak na damuhan kaya mainam na pastulan ng mga


alagang hayop.
a. Timog Asya b. Hilagang Asya c. Kanlurang Asya d.
Silangang Asya

2. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang pangunahing tagapagluwas ng produktong


petrolyo sa buong daigdig?
a. Kuwait b. Israel c. Saudi Arabia d. United Arab Emirates

3. Ang Siberia ng Hilagang Asya ay may nag-iisang yamang gubat na tanging sila
lamang ang nagluluwas. Anong likas na yaman ito?
a. Troso b. Langis c. Mamahaling Batod. Petroleum

4. Anong rehiyon sa Asya ang mayaman sa langis at mga produktong petrolyo?


a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya

5. Bansa sa Hilagang Asya na tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto.


a. Tajikistan b. Georgia c. Kyrgyzstan d. Kazakhstan

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


2
ARALING PANLIPUNAN 7
6. Ito ang sakahan na matatagpuan malapit sa Caspian Sea na kinabibilangan ng
bansang Armenia, Azerbaijan, Georgia, Turkmenistan at Kazakhstan.
a. Fertile Triangle c. Fertile Country
b. Fertile Crescent d. Fertile Landmarks

7. Ito ay tinatawag na mga mayayamang deposito ng metal at di-metal na mineral.


a. yamang lupa c. yamang gubat
b. yamang tubig d. yamang mineral

8. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang may malawak na disyerto. Ano ang tawag
sa lugar na mainam na gamitin sa agrikultura.
a. oasis b. eden c. fertile garden d. greenhouse
9. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang nangunguna sa produksyon ng dalandan.
a. Iran b. Jorda c. Israel d. Saudi Arabia
10. Sa bundok ng Lebanon, ano ang pinakatanyag na puno sa bansa?
a. cedar b. barley c. millet d. pomengrande

Panuto: Halu-Halong Letra: Basahing mabuti ang mga katanungan. Gamit ang halo-
halong letra, tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
kwpaderno.

1. Pinakamataas na bundok sa daigdig na nasa Asya. S T E V E R E

2. Klima ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. K A L P I T R O

3. Pinakamahabang hanay ng kabundukan sa daigdig. L A H I S AY M A

4. Pinakatanyag na bulkan sa bansang Japan. J U F I

5. Pinakamalaking bansang tangway. A N I D I

MGA LIKAS NA YAMAN SA ASYA

Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran?


Ang lahat ng ating nasa paligid – ang mga kabundukan, dagat, hayop, halaman, at
mineral ay mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao upang
matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Noon pa man at magpahanggang
ngayon, ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kaniyang
kapaligiran. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay kung ang tao ay naninirahan sa
kapatagan. Kung sa baybaying dagat naman ay pangingisda ang ikinabubuhay.
Tunay nga na ang ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay kaloob ng kalikasan
upang ang lahat ay mabuhay.

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


3
ARALING PANLIPUNAN 7
Ito ay ang tawag sa mga bagay na natutuklasan ng mga tao sa likas na
kapaligiran tulad ng tubig, lupa, kagubatan, mineral, yamang dagat, hayop at mga
enerhiyang natural na maipantutugon sa mga pangangailangan ng mga tao. Ang
pagkakaiba-iba ng mga bansa sa Asya sa kinaroroonan, klima, at topograpiya ay ang
nagdulot ng pagkakaiba-iba sa taglay na likas na yaman ng Asya.

Yamang Lupa – ito ay ang malalawak at matatabang lupa na angkop sa


pagsasaka. Taglay ng Asya ang malalawak na lupang sakahan, tulad ng
kapatagan at mga lambak ng mga ilog at ganoon din ang mga pastulan ng mga
hayop.

Yamang Tubig – ito ay ang malalawak na baybayin na mapagkukunan ng iba‟t


ibang isda, mga kabibe‟t korales at mga halamang tubig. Ginagamit din ito sa
pagpoprodyus ng hydroelectricity at irigasyon sa mga pananim sa Asya.

Yamang Mineral – ito ay ang mga mayayamang deposito ng metal at „di metal
na mineral.

Yamang Gubat – Ito ay ang pinaikling salita para sa “kayamanan sa


gubat”. Bukod sa mga puno na pangunahing taglay na kayaman sa gubat,
marami rin ditong namumugad na mga iba‟t ibang uri ng hayop na kung
minsan ay tanging sa gubat lang talaga mabubuhay.

a. LIKAS NA YAMAN NG HILAGANG ASYA

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak


na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya
bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga
troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang
pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang
malalaking isdang likas dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng
ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang
mineral; ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng
natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at langis,
samantalang isa sa mga nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo ang
Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may
produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley,
gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas. Sa pag-
aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga tao
ng lana, karne at gatas.

Sa mga lambak-ilog at mga


mababang burol ng mga bundok
nagtatanim ang mga Taga- hilagang Asya
ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar
beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Ang
Uzbekistan ay isa sa pinakamalaking

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


4
ARALING PANLIPUNAN 7

tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksyon ng pagkaing butyl ay


nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, ay barley. Ang mga hayop tulad ng baka at
tupa ay inaalagaan at pinararami. Mayaman sa coal, tanso, at pilak. May
produksyon ng ginto, lead,tin, tungsten, at zinc. May natural gas at langis sa halos
lahat ng bansa. Nangunguna sa produksyon ng trigo, rye, oat, at barley. Cotton at
wheat ang dalawang pangunahing cash crops ng Tajikistan na inieexport nila.

Ang Fertile Triangle – ito ay ang mga sakahan na matatagpuan malapit sa


Caspian Sea na kinabibilangan ng Armenia, Azerbaijan, Georgia, Turkmenistan at
Kazakhstan. Ang Caviar ay ang itlog ng malaking isdang tinatawag na Sturgeon ang
isa sa mga produktong panluwas na rehiyon. Sa hayop, makikita dito ay mga, lobo,
oso, at bulugan. Ang Azerbaijan ang pangunahing mapagkukunan ng langis sa
rehiyon, Matatagpuan din dito ang mga puno ng fir at pine.

b. LIKAS NA YAMAN NG KANLURANG


ASYA
Sagana sa yamang mineral partikular na
sa langis at petrolyo.ang kanlurang
Asya. Pinakamalaking tagapagluwas ng
petrolyo at natural gas sa buong daigdig
ang Saudi Arabia. Umaabot ito sa 20%
ng kabuuang reserba ng langis sa buong
daigdig. Ang Iran ay pangatlong
pinakamalaking natural gas production
sa buong daigdig. Malaki rin ang
produksyon ng langis ng mga bansang
Iraq, United Arab Emirates (UAE),
Kuwait, at Oman. Karamihan sa mga
bansa ng rehiyong ito ay may natural
gas, tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate, at iba pa.
Mayaman ang rehiyon sa iba pang
mineral tulad ng iron ore, tanso,
manganese, lead, at zinc

Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at


barley sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak,
mais tabako, at mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng dates at
dalandan, ang Israel. Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis, sibuyas,
melon, trigo, barley, tabako, ubas, tsaa, mais, hazel nut, at mga prutas. Sa bundok ng
Lebanon ang pinakatanyag na puno sa bansa, ang cedar. Sa Saudi Arabia, ang
pinakamalaking lupang binubungkal ay sa oasis sa silangan kung saan ang
itinatanim ay dates. Ang ibang lupain ay ginagamit na pastulan ng tupa, baka, at
kambing.Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga taong naninirahan sa mga
lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at
Turkey.
.

. Ang mga malalawak na


bulubunduking pook at disyerto ay
nagsilbing pastulan naman ng mga hayop
katulad ng kambing, tupa, kabayo, kamelyo
at buriko

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


5
ARALING PANLIPUNAN 7

Gawain A
Ano-anong likas na yaman ang sagana sa Hilagang Asya at Kanlurang Asya?
Paano ito nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa mga
rehiyon nito? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapamuhay, saan mo nais
na tumira at bakit? Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sitwasyon
na naging malaking dahilan ng iyong pagpili.Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio.

Gawain B
Maglahad ng paghahambing at pagtutulad sa Likas na Yaman ng Hilagang
Asya at Kanlurang Asya sa pamamagitan ng paggawa ng concept map.
Gawain C
Paano nakaapekto ang Likas na Yaman sa pamumuhay ng tao, pamamahalang
pampolitikal at ugnayang panlabas ng mga Asyano noon at ngayon?

 Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa, maging ang mga produktong
panluwas nito ay nagmumula sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang
lupain, mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at
makapagluluwas ng mas maraming produkto. Sa pagpapalaki ng
produksyon, ang ilan ay gumagamit ng makabagong makinarya. May ilang
mga mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa
pansariling ikabubuhay lamang.

 Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng


mga tao dahil sa idinudulot nitong samot-saring kapakinabangan. Ang
patuloy na interaksyon ng tao at kapaligiran ang siyang nagbunsod sa pag-
unlad ng kabihasnan at patuloy na pinauunlad ng tao sa kasalukuyan.

Gawain 1
TAMA O MALI

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang salitang TAMA kung
nagsasaad ng katotohan ng Katangiang Pisikal ng Rehiyon sa Asya at MALI naman
kung hindi.

1. Ang rehiyon ng Hilagang Asya ay may malaking deposito ng langis. ___________


2. Ang langis at iba pang produktong petrolyo ay mga halimbawa ng yamang mineral.
____________
3. Ang mga malalawak na bulubunduking pook at disyerto sa Kanlurang Asya ay
nagsilbing pastulan naman ng mga hayop katulad ng kambing, tupa, kabayo,
kamelyo. _________

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


6
ARALING PANLIPUNAN 7
4. Ang rehiyon ng Kanlurang Asya ay nagtataglay ng malawak na disyerto at kaunti
ang naninirahan dahil hindi angkop ang pagtatanim dito. _________
5. Ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan ay nakadepende sa Likas na Yaman
na tinataglay ng kanilang bansa. __________

Gawain 2
VENN DIAGRAM

Sa pamamagitan ng Venn Diagram bumuo ng mga konsepto ng mga likas ng yaman


ng Hilagang Asya at Kanlurang Asya. Suriin kung ano ang implikasyon nito sa mga
mamamayan.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang pinakamalaking tagapagluwas ng produktong


petrolyo sa buong daigdig?
a. Kuwait c. Saudi Arabia
b. Israel d. United Arab Emirates

2. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang nangunguna sa produksyon ng dalandan?


a. Iran c. Jordan
b. Israel d. Saudi Arabia

3. Ang Siberia ng Hilagang Asya ay may nag-iisang yamang gubat na tanging sila
lamang ang nagluluwas. Anong Likas Yaman ito?
a. Troso c. Petroleum
b. Langis d. Precious Stone

4. Sa bundok ng Lebanon, ano ang pinakatanyag na puno sa bansa?


a. cedar c. millet
b. barley d. pomengranade

5. Anong rehiyon sa Asya ang mayaman sa langis at mga produktong petrolyo?


a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya

6. Bansa sa Hilagang Asya na tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto.


a. Tajikistan c. Kyrgyzstan
b. Georgia d. Kazakhstan

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


7
ARALING PANLIPUNAN 7
7. Ang Rehiyon na may malawak na damuhan kaya mainam na pastulan ng mga
alagang hayop.
a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya

8. Ano ang tawag sa sakahan na matatagpuan malapit sa Caspian Sea na


kinabibilangan ng bansang Armenia, Azerbaijan, Georgia, Turkmenistan at
Kazakhstan.
a. Fertile Triangle c. Fertile Country
b. Fertile Crescent d. Fertile Landmarks

9. Ito ay tinatawag na mga mayayamang deposito ng metal at „di metal na mineral.


a. yamang lupa c. yamang gubat
b. yamang tubig d. yamang mineral

10. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang may malawak na disyerto. Ano ang
tawag sa lugar na mainam na gamitin sa agrikultura?
a. oasis c. fertile garden
b. eden d. greenhouse

11. Ano ang tinuturing na pinakamahalagang Yamang Mineral sa kasalukuyan sa


buong daigdig?
a. ginto c. langis
b. pilak d. diamante

12. Anong bansa ang isa sa pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong
daigdig?
a. Uzbekistan c. Kyrgyzstan
b. Kazakhsztan d. Tajikistan

13. Pangunahing produkto ng bansang Iran ang trigo, barley, palay maliban sa __
a. mansanas c. mais
b. bulak d. tabako

14. Ang itlog ng malaking isda na tanging sa Hilagang Asya lamang matatagpuan.
a. salmon c. catfish
b. caviar d. arowana

15. Bansa sa kanlurang Asya na pangatlong pinakamalaking natural gas production


sa buong daigdig.
a. Iran c. Kuwait
b. Iraq d. Bahrain

Katangi-tangi ang Asya bilang isang kontinente sapagkat naririto ang


napakaraming uri ng mga bagay na may buhay na patuloy na dumadaan sa isang uri
ng ugnayan at bumubuo ng kapaligiran at kalikasang siyang nililinang ng tao para sa
kanyang pamumuhay. Ngunit sa paghahangad ng tao na mas mapaunlad ang
kanyang gawaing pangkabuhayan ay ginamit nya ang kapakinabangan ng

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu


8
ARALING PANLIPUNAN 7
teknolohiya, mga imbensyon, at mga inobasyon na nagbunsod sa industriyalisasyon.
Bigyang pansin ang kontribusyon ng kalikasan sa pag-unlad ng Asya. ang Asya sa
ngayon ay humaharap sa iba‟t ibang suliraning pangkapaligiran. Madalas nating
naririnig at nababalitaan na isa sa mga seryosong suliraning kinakaharap ng ating
bansa at mga bansa sa Asya ay ang kakulangan ng kalikasan, bilang epekto ng ilang
hindi kanais-nais na pamamaraan ng industriyalisasyon.

Pamprosesong Tanong

1. Bilang isang kabataan, paano mo bibigyang halaga ang likas na yaman ng ating
bansa? Gumawa ng slogan ukol dito.
2. Sa kasalukuyan, ang social media ang may pinakamalaking impluwensiya sa ating
bansa. Paano mo gagamitin ang facebook upang makahikayat ng mga FB Friends
mo na maging mulat sa kasalukuyang kalagayan ng likas na yaman? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging isang Environmentalist sa
bansa, anong partikular na likas na yaman ang iyong itataguyod na
pangangalagaan? Paano mo ito gagawin?

Validators: Helen S. Abac, Linda T. Varca, Evelyn M. Bulalayao

AP7- Q1- Week 3 Mga may akda:

Ricarte S. Ramitez Jr., Maricel T. Marayag , Herbert O. Lalu

You might also like