You are on page 1of 4

Tiwi Agro-Industrial School

Bagumbayan, Tiwi, Albay

Learning Activity Sheets


Araling Panlipunan 7
Pangalan:_________________________________________________________ Seksyon:_______________ Petsa:__________________ Iskor:_____________

Module 3; Lesson 2: Mga Yamang-Likas ng Hilagang Asya, Silangang Asya at


Kanlurang
Learning Competencies: Nailalarawan ang mga yamang likas ng AsyaAsya
Layunin:
1. Natutukoy ang mga yamang-likas sa Hilagang Asya, Silangang Asya, at Kanlurang Asya.
2. Nailalarawan ang pinagkukunan ng yamang-likas ng Hilagang Asya, Silangang Asya, at Kanlurang Asya.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng yamang-likas sa pag-unlad ng Hilagang Asya, Silangang Asya, at Kanlurang Asya.
Talahulugan:
✓ HILAGANG ASYA - binubuo ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan,
Georgia, Armenia, Mongolia, at Siberia.
✓ KANLURANG ASYA – binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Kuwait, Yemen, Oman, United
Arab Emirates, Qatar, at Bahrain.
✓ OASIS – lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig at kung saan maaaring mabuhay ang mga halaman at
hayop
✓ SILANGANG ASYA – binubuo ng mga bansang China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.
✓ YAMANG GUBAT – mga bagay o hayop na matatagpuan natin sa kagubatan
✓ YAMANG LIKAS - ay mga bagay na natural na matatagpuan sa kapaligiran, mga bagay na nilikha ng Diyos na
kapakipakinabang na mapagkukunan ng mga hilaw na materyal na panustos sa mga pangangailangan ng mga tao.
✓ YAMANG LUPA – mga bagay na makukuha sa mga anyong lupa tulad ng mga pananim, punong kanoy, prutas, at iba pa.
✓ YAMANG MINERAL – mga bagay na namimina o nakukuha mula sa kabundukan o sa ilalim ng lupa
✓ YAMANG TUBIG – mga bagay na nakukuha natin sa mga anyong tubig (dagat, lawa, talon, at iba pa.)

Tandaan: (Balik-Aral)
✓ Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya. Palay ang mahalagang
produkto rito bagama’t may mga patanim din ng trigo, jute, tubo, tabako at mga gulay
✓ Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos nito ng iba’t ibang yamang dagat.
✓ Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na nakakabit sa kapuluan ng Asya ay mga bansang pansakahan.
✓ Ang malaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya namang
pinagkukunan ng kuryente.
✓ Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia at ang mahigit sa walumpung porsiyento
(80%) ng langis sa Timog-Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa tatlumpu’t limang
porsiyento (35%) ng liquefied gas sa buong daigdig.

Basahin at Unawaiin. . ..
Hilagang Asya
May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagama’t dahil sa tindi ng
lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa
yamang pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito.
Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang
mineral: ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral tulad ng
phosphate. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksiyon nito, at langis
samantalang isa sa mga nagunguna sa produksiyon ng ginto sa buong mundo ang Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa
mabababang burol ng mga bundok may produksiyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, at barley,
gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Sa pagaalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng
baka at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne, at gatas.

Silangang Asya
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na
lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang pitong porsiyento (7%) ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito’y pagtatamnan
ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo.
Ang pinakamalaking potensyal sa produksyon sa pagsasaka sa daigdig ay matatagpuan sa mga kapatagan at lambak-ilog ng China.
Gayunpaman, magtatagal pa bago ito makamtan ng mga Tsino sapagkat sinauna pa ang paraan ng pagsasaka at di gaanong
gumagamit ng bagong teknolohiya ang mga magsasaka tulad sa Europa.
Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang mga bansa
ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din
para sa kapakinabangan ng mga nakatira rito. Sa Japan, kaunting lupa lamang ang sinasaka at dito inaani ang palay, trigo, barley,
millet, prutas at gulay. Nagtatanim ng punong mulberry na pagkain ng mga uod o silkworm ang mga Hapones kaya nangunguna
sila sa industriya ng telang sutla.
Ang Ilog Yangtze at Ilog Hwang Ho ay dalawa sa pinakamalaking ilog sa buong mundo. Ang mga ito ay mahalaga sa
irigasyon at bilang lagusan patungo sa mga liblib na pook ng China. Ang Ilog Yangtze ay malaki ang posibilidad na magamit para
sa lakas haydro-elektrika. Sa kasalukuyan, maraming prinsa ang ginagawa upang mapakinabangan ang potensyal na ito ng Ilog
Yangtze.
Hilaga at Timog Korea
Higit na malaki ang Hilagang Korea kaysa Timog Korea ngunit higit kaunti ang populasyon nito sa Timog Korea. Ang
Timog Korea ang pangunahing rehiyong pang-industriya sa tangway at patuloy ang pag-unlad nito. Nagbibigay ng lakas Hydro-
electric ang mga ilog. May graphite at magnesium na namimina sa bansang ito. Palay ang pinakamahalagang produktong
agrikultura.
Taiwan
Ang Republika ng Tsina ay itinatag ng mga Nasyonalistang Tsino sa pulo ng Taiwan. Bulubundukin at pawang kagubatan
ang pulong ito. Kakaunti lamang ang mga yamang mineral. Ang tulong na nagmula sa mga ibang bansa tulad ng Estados Unidos
ang nakatulong upang mabago ang Taiwan mula sa isang pulo ng mahihirap na magsasaka tungo sa isang bansang makabago at
industriyalisado. Iniluluwas ang maraming produkto mula sa kagubatan tulad ng kawayan, plywood, tabla troso at papel.
Iniluluwas din ang mga produktong semento, pataba, plastic, kemikal, tela at mga pagkaing de-lata.

Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo. Pinakamalaking tagapag-luwas ng
petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab
Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate at iba pa. Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley sa mga oasis. Sa Iran,
ikaanim na bahagi lamang ng lupain ang natatamnan. Ang mga nangungunang produkto ay trigo at barley. Itinatanim din ang
palay, bulak, mais, sugar beet, tabako, poppies at mga prutas. Nagunguna naman ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan
ang Israel. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran,
Iraq, Syria, Saudi Arabia, at Turkey. Ang Talampas Anatolian ang pangunahing rehiyong pansakahan sa Turkey. Ang mga pananim
ay trigo at pagkaing butil. Ang igos, oliba at ibang prutas ay itinatanim sa gawing timog-kanluran samantalang ang tabako ay
matatagpuan sa kapatagang malapit sa baybayin.
✓ Mga Lupaing Arabyano sa Kanlurang Asya
Lubhang nabago ang tanawin at pamumuhay ng Tangway ng Arabia nitong huling 30 taon. Hindi pa rin gaanong matao
ang tangway bagaman marami nang mga lungsod na naitatag sa disyerto. Malaki ang naging pagbabago ng kapaligiran bunga ng
patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagbibigay ng maraming salapi sa mga bansang may minahan ng langis.
✓ Jordan
Isang mahirap na bansa ang Jordan na may kaunting likas na yaman. Mayroong kaunting yamang-mineral ngunit walang
anumang langis. Ang nililinang na mineral ay ang phosphate, potash at marmol. Mayroong deposito ng manganese, bakal, sulphur
at tanso. Tatlong bahagi ng mga tao ang nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang trigo, barley, kahol, olive at gulay.
Pangunahing industriya ang pagrerepina ng langis, pagkukulti ng balat, paggawa ng mga produktong elektrikal, semento at sabon.
✓ Syria
Nakasasapat sa pangangailangan ng Syria ang produksiyon nito sa pagkain. Mahigit sa kalahati ng mga Syrian ang nabubuhay
sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang trigo, barley, bulak, tabako at prutas. Nag-aalaga rin ng baka at tupa ang mga tao.
Pangunahing industriya ang pag-iimbak ng pagkain, paghahabi ng tela at paggawa ng semento
✓ Iraq
Ang Iraq (Mesopotamia), ang lupain sa pagitan ng dalawang ilog, ay pinagkukunan ng petrolyo, ang pangunahing
pinagkakakitaan ng salapi. Ibang yamang-mineral sulphur, phosphate, asin at gypsum. Mahigit sa kalahati ng populasyon ang
nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang dates, trigo, barley, palay, tabako at bulak. Nagbibigay ng lana at balat ang
mga alagang tupa at baka. Pangunahing industriya ang pagpoproseso ng pagkain at paggawa ng semento, sabon at tela.
✓ Turkey
Matatagpuan ang Turkey sa talampas ng Anatolia. Maraming depositing mineral sa bansang ito ngunit karamihan ay hindi pa
nalilinang. Mahigit sa kalahati ng populasyon ang nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang mga trigo, tabako, bulak at
prutas. Pangunahing industriya ang produksyon ng bakal, pagrerepina ng asukal at paghahabi ng tela.
✓ Iran
Kilala sa tawag na Persia ang Iran noong unang panahon. Naging opisyal na pangalan ang Iran noong 1935. Isa sa
pinakamalaking bansa ang Iran sa Timog-Kanlurang Asya. Disyerto ang malaking bahagi ng Iran kaya ang lupang sakahan dito
ay maliit lamang. Pangunahing pananim ng mga tao ang trigo, barley, palay, prutas at bulak. Hindi sapat ang pagkaing inaani
upang mapakain ang lahat ng tao sa bansa.
✓ Israel
Isang maliit na bansa ang Israel na ang kalakihang bahagi ay disyerto. Sa tulong ng irigasyon, nabago ng mga Israelite ang
disyerto at naging mga lupang sakahan ito. Inaani ng Israel ang ikatlo hanggang ika-apat na bahagi ng pagkain nito at
nagluluwas ng mga prutas tulad ng kahel. Walang anumang malaking deposito ng mineral ang Israel ngunit napagyaman nito
ang anumang mayroon sa lupa. Nagtataglay ang Dead Sea ng maraming mineral.
✓ Lebanon
Pinakamaliit na bansa ang Lebanon sa Timog-Kanlurang Asya. Ang mga pangunahing mineral ng bansa ay bitumen, bakal,
apog at asin. Pangunahing industriya ang pagproproseso ng pagkain, pagrerepina ng asukal,
at paghahabi ng tela at paggawa ng semento. Ang ikaapat na bahagi ng lupa ay natatamnan ng prutas, gulay at tabako.
Karamihan sa kita ng bansa ay nagmumula sa komersyo, pagbabangko at pananalapi.

Good Job! You are doing great so far

Gawain 1: Tukuyin mo!


Panuto: Basahin at unawaiin ang bawat pahayag. Isulat kung saang rehiyon ang tinutukoy o inilalarawan sa
Hanay B. Isulat ang:
HA - Hilagang Asya KA - Kanlurang Asya SA - Silangang Asya

Hanay A Hanay B

1. Anong rehiyon sa Asya ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa boung


daigdig?
2. Maituturing na mahahalagang ilog ang ang Yangtze at Hwang Ho sapagkat sila ay
nagsislbing irigasyon sa mga sakahan at daanan ng mga sasakyang pandagat patungo sa
liblib na lugar.
3. Caviar ang pangunahing produkto mula sa yamang dagat ng rehiyong ito. Anong
rehiyon ito?

4. Ang yamang lupa sa rehiyong ito ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban
lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia.

5. May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop bagama’t


dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay.

6. Bahagi ng yamang tubig ng rehiyong ito ang Tigris at Euphrates River.

7. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga lugar na


bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia, at Turkey. Saang
rehiyon kabilang ang mga bansang nabangit?
8. Bulubundukin at pawang kagubatan ang pulong ito kaya naman mga kawayan,
plywood, tabla troso at papel ang pangunahing produkto ng bansang ito. Saang rehiyon
kabilang ang ang bansang ito?
9. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Anong
rehiyon ang tinutukoy?

10. Ang Talampas Anatolian ang pangunahing rehiyong pansakahan sa bansang ito.
Saang rehiyon ito nabibilang?
Gawain 2: I-Talahanayan Mo!
Panuto: Gamit ang sumusunod na talahanayan, uriin ang mga nakalap na likas na yaman sa Hilagang Asya, Silangang
Asya at Kanlurang Asya. Ilarawan din ang mga pangunahing pinagkukunan ng yamang-likas ng bawat rehiyon. (Walang
limitasyon sa dami ng iyong sagot. Maarii kang gumamit ng karagdagang papel sa pagsagot.)

Hilagang Asya

Yamang Lupa Yamang Yamang Tubig Yamang Gubat


Mineral
Mga Halimbawa

Paglalarawan

Silangang Asya

Yamang Lupa Yamang Yamang Tubig Yamang Gubat


Mineral
Mga Halimbawa

Paglalarawan

Kanlurang Asya

Yamang Lupa Yamang Yamang Tubig Yamang Gubat


Mineral
Mga Halimbawa

Paglalarawan

Gawain 3: Dugtungan. . ..
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahalagahan ng mga likas na yaman sa mga
rehiyon ito.

“Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga likas na yaman sa Hilagang Asya, Silangang Asya, at Kanlurang Asya
sapagkat
____________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________

Prepared by:
References
San Diego, V. T. (2020). Araling Panlipunan: – Module 3, Lesson 2: Sir Janrey and Ma’am Joan
Mga Yamang-Likas ng Hilagang Asya, Silangang Asya at
Kanlurang Asya. Legazpi City: Department of Education- “Never stop learning, because life never tops teaching”
Region V.

You might also like