You are on page 1of 12

Ika-apat na Markahan

Ika-apat na Linggo

Manunulat:

Gleanette G. Gado
Teacher II
Camili Elementary School

Quality Assurance/ Review Team Members:


ELEONOR G. CANDIDO MARICAR C. GACULA
Master Teacher II, Calagonsao ES Head Teacher-III, Camili ES
RIGA G. PANOGAN
Principal 1, Calagonsao ES

JOSE O. GARCIA
Public Schools District Supervisor
Mga Produkto at Kalakal ng Kinabibilangang Rehiyon

Alamin
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
 Natatalakay ang pinanggalingan ng produkto ng
kinabibilangang lalawigan.
 Nakapag-iisa-isa ng mga produkto at kalakal na
matatagpuan sa kinabibilangang lalawigan at
rehiyon;
 Nakapaglalarawan ng kahalagahan ng wastong paggamit
ng likas na yaman sa pagpapatuloy ng kabuhayan ng mga
tao sa kinabibilangang lalawigan at rehiyon.

Suriin

Karamihan sa mga rehiyon ng bansa ay mga rehiyong


agrikultural. Ang pagiging agrikultural nito ang pinagkukunan ng
mga hilaw na sangkap para makagawa ng mga produkto upang
ikalakal na pinagkukunan ng pangangailangan at hanapbuhay
ng mga lalawigang sakop ng rehiyon. Ang bawat lalawigan nito
ay may natatanging produkto at kalakal mula sa likas na yaman
nito.
Paano ang pakikipagkalakalan ng mga lalawigan sa bawat
rehiyon? Ano-ano ang produktong kinakalakal ng bawat
lalawigan ng rehiyon? Alamin natin sa mga talata sa ibaba kung
ano ang ikinakalakal ng bawat lalawigan. Magkapareho ba ang

2
produkto ng mga lalawigang nabanggit sa inyong lalawigan at
rehiyon?
PRODUKTO AT KALAKAL SA REHIYONG MIMAROPA
Ang Marinduque ay mayaman sa produktong halamang-ugat
(root crops) tulad ng arrowroot na ginagawang biskwit at pastillas.

Gayundin ang mga prutas tulad ng manga at saging na


ginagawang kendi.
Sagana rin sa yamang dagat ang lalawigan ng Marinduque
na ikinakalakal sa karatig-lalawigan maging sa lungsod ng Lucena.
Katulad ng mga isdang tambakol, galunggong, tulingan, samaral,
matang-baka, lagidlid, tamban, lapu-lapu, haba, at alumahan.
Ang lokal na pamahalaan ay nagmungkahi na magkaroon Marine
Sanctuary upang masiguro na patuloy na mapagkukunan ng isda
na siyang ikinabubuhay ng mga tao sa lugar. Ibig sabihin nito, may
mga lokasyon na hindi dapat labis na pangisdaan. Limitado ang

pagkuha ng mga yamang dagat sa mga lugar na ideneklarang


marine sanctuary.

3
Ang lalawigan ng Palawan ay may malawak na karagatang
nakapalibot dito. Nagbibigay ito ng maraming uri ng isda, perlas,
hipon, at iba pang kauri nito. Mula sa mga yamang dagat na ito,
nakapagluluwas ng daing na isda at pusit sa mga karatig-
lalawigan. Unti-unti na ring nakikilala ang Palawan sa paggawa ng
kendi at pastillas na mula sa buto ng kasoy. Isa rin sa malaking
industriya ang produksiyon ng palay, niyog, at mais.

Ang Malampaya Natural Gas ang pinakamalaking industriya


na nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao sa lugar. Nagbibigay ito
ng dagdag na malinis at napapalitang enerhiya para sa buong
bansa. Tinatayang nababawasan ang pag–aangkat ng ating
bayan ng langis mula sa ibang bansa sapagkat halos 40% ng
pangangailangan ng Luzon sa enerhiya ay napupunan ng langis
mula sa Malampaya. Kahit pa man marami ang nakareserba na
langis sa Palawan, naiisip ng lokal na pamunuan ang maayos na
pagmimina ng langis sa baybayin ng isla.

4
Kasama ng pagmimina ng langis ang edukasyon at
pagbibigay ng kabuhayan sa mga pamilya na nasasakop ng
Malampaya. Layunin ng kaakibat na programa ang tamang
paraan upang hindi agad maubos ang likas na yaman ng lugar.
Ang Oriental Mindoro ang tinaguriang Food Basket ng buong
rehiyon dahil dito nanggagaling ang bigas at prutas tulad ng
lansones, rambutan, kalamansi, at saging. May bawang at isda
mula sa Bulalacao at kopra mula sa iba pang bahagi ng lalawigan.
Kilala rin ang banana chips ng Pinamalayan. Nagsisimula na rin sa
industriya ng paggawa ng juice concentrate, kendi, pastillas, jelly,
at marmalade buhat sa kalamansi, rambutan, manga, at lansones.

Sa natatanging lokasyon sa bansa, madaling maihatid ang


mga produktong mula sa lalawigan patungo sa ibang lalawigan.
Ang Oriental Mindoro ay 45 minuto mula sa pandaigdigang
daungan ng batangas kayat ito ang dinadaanan ng Roll-On-Roll-
Off (RORO) na barko upang madala ang mga produkto mula sa
isang lalawigan patungo sa ibang lalawigan. Dahil sa magandang
lokasyon ng lugar, nagkaroon ng maraming oportunidad ang
lalawigan upang makilala ang mga sariling produkto na iniluluwas
sa ibang lalawigan.
Napag-isipan ng lokal na pamunuan na bigyang–diin ang
agri-turismo ng lalawigan. Sa pamamagitan nito marami pang

5
darayo sa lalawigan upang bumili ng mga kalakal ng lalawigan na
nakadaragdag sa kikitain ng magsasaka.
Bagama’t sagana sa mga produktong agraryo ng
Occidental Mindoro, hindi pahuhuli ang mga yamang dagat na
makukuha sa lalawigan at isa na rito ang isdang tuna at marlin.
Pangalawa sa General Santos ang lalawigan ng Mindoro sa
pinagkukunan ng mga isdang ito. Ang asin ay isa rin sa
pangunahing produkto ng lalawigan.

Ang Mindoro ay sagana sa mga hayop at pananim na hindi


nakikita sa ibang lalawigan at isla kagaya ng tamaraw at mga
corals na makikita sa Apo Reef National Park. Ang malawak na
baybayin ng lalawigan ang dahilan ng napakaraming turista na
dumarayo sa lugar. Gayunpaman, may palay, mais, at niyog ding
inaani kagaya sa ibang lalawigan. Ang Occidental Mindoro ay
tanyag bilang Rice Bowl/Granary ng buong Timog Katagalugan.
Kung kaya maraming umusbong mula sa pagsasaka ng palay sa
lalawigang ito kagaya ng industriya ng cooking fuel mula sa rice
hull.

6
Ang Romblon ay kilala sa yamang mineral. Kabilang dito ang
marmol at nikel. Maraming produktong mula sa marmol tulad ng
mesa, upuan, souvenirs, table bar, at iba pang iniluluwas sa iba’t
ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa. Sagana rin sa
palay, niyog, at saging na iniluluwas sa mga karatig lalawigan ng
ating rehiyon. Nagsisimula na ring gumawa ng coconut oil at coco-
engine oil. Sinusubukan na rin ang pagproseso ng tuba upang
gawing bio-fuel.

Ang mga produkto at kalakal ay makatutulong sa paglago


ng ekonomiya ng Rehiyong MiMaRoPa. Ganoon pa man ang likas
na yaman ng ating lalawigan ay nauubos din. Marapat na sa
kabila ng saganang ani, isipin din kung paano mapapanatili ang
kasaganaan ng lalawigan. Dapat nating isipin ang wastong
paggamit nito upang may magamit pang likas na yaman ang
mga susunod na salinlahi.

7
Pagyamanin
Panuto: Iguhit sa tapat ng lalawigan ang pangunahing
produkto o kalakal nito. Gawing gabay ang naunang halimbawa
sa ibaba.

8
Isaisip
Panuto: Punan ang bawat linya ng tamang sagot. Isulat sa
patlang ang inyong sagot.

Ang Rehiyong MiMaRoPa ay binubuo ng mga lalawigan ng


Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at
Palawan. Ang bawat lalawigan ay may kanya-kanyang mga
produkto na maipagmamalaki. Sa lalawigan ng Romblon ay
tanyag ang produktong mineral na _____________. Mayaman
naman sa produkto at kalakal na pastillas at lansones ang
lalawigan ng _________________. Ang mga produkto at kalakal na
mayroon sa Marinduque ay ____________ ,____________, at
______________. Sa ________________ naman, ang mga produkto at
kalakal ay isda, perlas, at hipon. Ang lalawigan ng
_________________ ay mayaman sa bigas at tuna.

9
Isagawa
Panuto: Bilang kabataan sa kasalukuyang panahon, paano mo
mapananatili at mapalalago pa ang likas na yaman ng Rehiyong
MiMaRoPa? Isulat ang sagot sa loob ng hugis puso.

10
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong lalawigan sa Rehiyong MIMAROPA ang tinaguriang


Marble Capital ng Pilipinas?
A. Romblon B. Mindoro C. Palawan

2. Ang Malampaya Natural Gas ang pinakamalaking industriya na


nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao sa lugar. Sa anong
lalawigan ito matatagpuan?
A. Palawan B. Marinduque C. Romblon

3. Ang Oriental Mindoro ay tinaguriang __________ ng buong


rehiyon dahil dito naggaling ang bigas at prutas tulad ng
lansones, rambutan, kalamansi at saging.
A. Food Basket B. Root Basket C. Kendi Basket

4. Ang _________ ay pumapangalawa sa General Santos sa


pinagkukunan ng mga isdang tuna at marlin.
A. Occidental Mindoro B. Palawan C. Romblon

5. Upang hindi maubos ang mga pinagkukunan ng likas na


yaman na nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon,
ano ang nararapat gawin?
A. Gamitin nang wasto at pangalagaan ang mga likas na
yaman.
B. Ubusin at gumamit ng mga dinamita sa pangingisda.
C. Minahin, kalbuhin, at putulin ang mga punong kahoy sa
kagubatan.

11
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin
Isagawa
Iba iba ang sagot ng mga bata.

Tayahin
1. A
2. A
3. A
4. A
5. A

Isaisip
1. Marmol
2. Oriental Mindoro
3. Tambakol, galunggong, at tulingan
4. Palawan
5. Occidental Mindoro

Sanggunian
Marlo G. Roderos, Eligio M. Jacob, Rhodora L. Fabrero, Imelda
C. Chongco, Pedro J. Dandal,Jr., Jordan D. Solatorio, Marites L.
Arenio, Ma. Magdalena D. Lo, Sylvia M. Muñoz, Felamer E. Abac,
Eddie A. Eleazar, Nestor T. Rualo, Lolita M. Lu, Charity A. Capunitan,
Dennis A. Bermoy. Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral
Rehiyong MIMAROPA. Unang Edisyon 2019, pahina 431-441.

12

You might also like