You are on page 1of 19

4

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Mga Pakinabang na Pang-
ekonomiko ng mga Likas na
Yaman

AIRs - LM
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
ARALING PANLIPUNAN 4
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng
mga Likas na Yaman
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Merlinda H. Gayo, Constantino C. Ricarde Jr.


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Alvin John L. Selga, Elsie I. Camat
Language Reviewer: Arlene P. Tam-og, Marcial N. Gaona
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Felix C. Segundo Jr.

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, EdD, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Mga Pakinabang na Pang-
ekonomiko ng mga Likas na
Yaman
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Totoong maraming kayamanan ang ating bansa. Ang likas na


yaman ay isang mahalagang salik na nakaaapekto sa pag-unlad
ng bansa. Ito ang nagbibigay pag-asa sa kabuhayan ng bawat
mamamayang Pilipino dahil sa kapakinabangang pang-ekonomiko
na nagmumula sa mga produkto at kalakal, turismo at kalakalan.
Ang modyul na ito ay nakatuon sa Most Essential Learning
Competency na:
Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang-ekonomiko
ng mga likas na yaman ng bansa
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya
mo nang gawin ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Natutukoy ang mga produkto at kalakal na matatagpuan
sa iba’t ibang lokasyon ng bansa;
2. Nabibigyang-katwiran ang pag-aangkop na ginawa ng mga
tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang
pangangailangan; at
3. Naipaliliwanag ang iba’t-ibang pakinabang pang-
ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa.

1
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Simulan

Gawain: I FEEL YOU!

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang


kung ito ay tama at naman kung mali. Ilagay ito
sa sagutang papel.
1. Ang bukiring bahagi sa lalawigan ng Bukidnon ay mainam
na gawing palaisdaan.
2. Malawak ang karagatan at katubigang bahagi ng bansa na
angkop sa sakahan.
3. Ang mag-anak na Lopez ay nakatira sa kapatagan na may
malalagong damuhan. Sila ay nag-aalaga ng mga baka at
mga kambing.
4.Malamig ang klima sa Lungsod ng Baguio, kaya’t maraming
sariwang gulay, prutas at mga bulaklak ang galing dito.
5. Malago ang industriya ng bagoong at bangus sa lalawigan
ng Pangasinan.
6. Ang lalawigan ng Palawan ay may malalagong kagubatan,
kaya nagtotroso ang mag-anak nina Mang Mario at Mang
Luis.
7. Ang bulubunduking bahagi ng Surigao ay hitik sa mga
mamahaling minerales, kaya pagmimina ang
ikinabubuhay ng karamihan sa mga tao rito.
8. Nasa sentrong bahagi ng Lungsod ng Cagayan De Oro
nakatira ang mag-anak na Flores, ang pagnenegosyo ang
kanilang ikinabubuhay.
9. Ang Lungsod ng Marikina ay tanyag na pagawaan ng mga
sapatos.
10. Ang malawak na karagatan at katubigan ng bansa ay
angkop na taniman ng mga halamang-ugat, gulay at
prutas.

2
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Lakbayin

Ang Pagsasaka at ang mga Produkto Nito


May iba’t ibang uri ng yamang lupa ang matatagpuan sa
Pilipinas. Ang mga produktong ito ay palay, mais, niyog, pinya,
abaka, saging, mangga, kape, tabako, bulak, halamang ugat,
gulay at iba’t ibang uri ng mga bulaklak.
Ang malawak na taniman ng palay ay matatagpuan sa
Gitnang Luzon. Malawak na niyogan naman ang makikita sa
Lalawigan ng Quezon at
taniman ng abaka naman ang
sa Bikol.
Nangunguna sa
pagtatanim ng mais ang Cebu.
Matatamis na mangga ang sa
Guimaras. Ang Tagaytay at
bulubunduking lugar tulad ng
https://tinyurl.com/produkto1 Baguio ay kilala naman sa
taniman ng mga gulay, mga
prutas at mga bulaklak. Malalawak na taniman ng tubo, saging at
kahel ang makikita sa Negros Occidental. Kape naman ang
pangunahing produkto ng Batangas at Mindoro. Ang Bukidnon at
Cotabato ang may pinakamalawak na taniman ng pinya. Kilala
naman ang Davao sa masarap na durian.

Ang Pangingisda at ang mga Produktong Galing Dito


Malawak ang palaisdaan sa bansa. Sariwa at masarap ang
mga isdang nahuhuli sa karagatan, dagat, look at ilog ng Pilipinas.
Ilan sa mga isdang ito ay tuna, bangus, tilapia, alumahan, lapu-
lapu, tambakol, galunggong at karpa. Marami rin ditong pusit,
hipon, sugpo, alimasag at alimango.
May mga produktong dagat din na ginagawa ng maliliit na
industriya tulad ng bagoong, patis, tinapa at daing. Nakikilala ang

3
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
mga industriyang gumagawa nito
dahil sa tamang lasa at timpla ng
mga produkto.

May mga produkto ring


nakukuha sa ilalim ng dagat
tulad ng perlas at mga kabibe na
ginagawang palamuti. Isa pang https://tinyurl.com/mgaisda
produkto na maaring gawin buhat
sa tubig-alat ay asin. Kilala sa mayaman at malaking pangisdaan
sa Pilipinas ang Look ng Saranggani, Dagat Visayas, Dagat Samar,
Dagat Sulu, Golpo ng Davao, Look ng Naujan sa Oriental Mindoro,
Look ng San Miguel sa Camarines Norte, Look ng Coron sa
Palawan, Golpo ng Lingayen, Look ng Butuan sa Agusan at Look
ng Estancia sa Iloilo.

Mga Produkto sa Pagmimina

Mayaman din ang bansa sa mga mineral kaya maraming mga


Pilipino ang nagtatrabaho o naghahanapbuhay sa minahan. Isa
ang Pilipinas sa mga nangunguna sa produksiyon ng tanso, ginto
at chromite. May matatagpuan ding minahan ng pilak, petrolyo,
apog at platinum sa bansa. Ang mga lugar ng Baguio, Camarines
Norte at Davao ay kilala sa mina ng ginto. Ang malalaking
minahan ng tanso naman ay matatagpuan sa bulubunduking
lalawigan ng Surigao, sa Cebu, Pangasinan, Isabela at Zamboanga
Del Sur. Minahan ng pilak naman ang nasa Batangas, chromite
sa Misamis Oriental at karbon sa Quezon at pulo ng Batanes.
Marmol ang sa Romblon at matatagpuan din sa Palawan at Cebu
ang minahan ng petrolyo. May nakukuha ring platinum sa
Bulacan at Rehiyon ng Caraga, apog sa Rizal, Abra at Pulo ng
Guimaras, bakal sa Samar, uling o karbon sa Antique, Surigao Del
Sur, Isabela at asin sa Pangasinan.
Bukod sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda at
pagmimina, ang mga tao ay nabubuhay rin sa pag-aalaga at
pagpapastol ng mga hayop, at pagtitinda ng mga produktong yari
o gawa sa komunidad.

4
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Iba pang mga Pangkabuhayan,
Produkto at Kalakal
Maliban sa nabanggit na mga
produkto mula sa mga yamang lupa,
yamang tubig at yamang mineral,
marami pang ibang produktong
https://tinyurl.com/pag-hahabi
nakatutulong din sa pamumuhay.
Ilan sa mga ito ang hinabing banig ng mga taga-Bisaya at nilalang
sombrerong buntal na gawa sa
Lucban, Quezon.

Kilala rin sa masarap na


biskotso ang Iloilo at matamis na
kalamay ang sa Bohol. Gayundin
ang piyaya ng Bacolod at
pinatuyong mangga at matamis na
https://tinyurl.com/gawasakabibe mani ng Cebu.
Ang taga- Mindanao ay hindi
rin pahuhuli sa mga produktong kilala sa iba’t ibang lugar dito.
Isa na rito ang mga kagamitang yari sa kabibe. Kilala rin sila sa
paggawa ng alahas mula sa perlas at sa paghahabi ng tela.

Bukod dito, mayroon ding maliliit na


negosyo ng mga produkto at kalakal. Ilan sa
mga ito ay ang mga gawang lilok ng
mahuhusay na manlililok ng Paete, Laguna at
Mountain Province at matitibay na bag at
sapatos na kilalang gawa sa Marikina. Alak
tulad ng tuba at lambanog naman ang kilalang
produkto ng Quezon at Laguna.
https://tinyurl.com/pag-lililok

Kung susuriin, ang pagkakahawig at pagkakaiba ng mga


produkto at kalakal sa iba-ibang bahagi ng bansa ay naaayon sa
kapaligiran. Mula sa kaniyang kapaligiran, pinauunlad ng tao ang

5
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
mga hilaw na materyal batay sa kanyang kakayahan at
pangangailangan. Kung kaya, hindi lahat ng tao ay nagsasaka,
nangingisda o nagmimina. Ang iba ay gumagawa ng iba pang mga
produkto gaya ng kape buhat sa pagsasaka at daing buhat sa
pangingisda. Sa gayon, natutugunan ng tao ang kaniyang
pangangailangan.

Mga Pakinabang sa Kalakal at Produkto

Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman, dahilan na ang


mga Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito sa pagtugon ng
kaniyang pangangailangan. Pangunahin nang kapakinabangan sa
ating likas na yaman ang nakukuha rito gaya ng isda, mga lamang
dagat at tubig, mga prutas, gulay, pang-agrikulturang produkto,
mga troso, minerales, ginto,pilak, tanso at marami pang iba na
napagkakakitaan natin ng malaking halaga. Ang mga produktong
ito ay iniluluwas din sa ibang bansa. Nangangahulugan ng
karagdagang kita ito sa ating kabangyaman at ito rin ang
nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa.

Pakinabang sa Turismo

Bukod sa mga kalakal at mga produkto, likas na yaman ding


maituturing ang magagandang lugar at tanawin sa ating bansa.
Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-
lalawigan at maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong
ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan,
kagubatan at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga
turista ang mga makasaysayang lugar, dahilan na nagbunga ng
malaking ambag sa turismo at sa pag-unlad ng ekonomiya.

6
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
https://tinyurl.com/pook-pasyalan

Pakinabang sa Enerhiya

Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa


na malaking tulong sa ating
ekonomiya dahilan sa hindi na
natin kakailanganin ang pag-
angkat ng maraming krudo o
langis. Ilan sa ating mga planta ay
pinatatakbo ng kuryente sa
pamamagitan ng pwersa ng tubig
mula sa talon ng Maria Cristina,
Lawa ng Caliraya at lakas ng
https://tinyurl.com/windmillregion1
hangin ng Bangui sa Ilokos Norte
sa pamamagitan ng windmill.

7
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Galugarin

Gawain A PRODUGTONG
Panuto: Iugnay ang produkto sa hanay A sa lalawigang
matatagpuan nito sa hanay B. Isulat ang letra ng
wastong sagot sa sagutang papel.

A B
1. bag at sapatos A. Baguio
2. isda at bagoong B. Quezon
3. banig at sombrero C. Palawan
4. matitibay na muebles D. Marikina
5. nililok na kagamitan at gulay E. Pangasinan
6. tuna F. Bohol
7. pinya G. Davao
8. durian H. Bukidnon
9. mangga I. Guimaras
10. kalamay J. General Santos
K. Batanes

8
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Palalimin

Gawain A
Panuto: Tukuyin ang mga pakinabang na pang-ekonomiko na
nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A. turismo B. mga mineral na pangkalakal
C. pang-export D. pinagkukunan ng enerhiya
E. pinagkukunan ng pagkain
___1. palay at mais
___2. pinya at saging
___3. ginto, pilak at tanso
___4. talon ng Maria Cristina
___5. Chocolate Hills

Gawain B
Panuto: Tukuyin ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa
mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat sa sagutang papel
ang sagot sa ikalawang hanay ng tsart.

Lokasyon Produkto at Kalakal


1. La Union
2. Pangasinan
3. Ilocos Sur
4. Ilocos Norte
5. Cebu

9
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Sukatin

Gawain A
Panuto: Piliin ang angkop na katwiran na makikita sa kahon na
ginagawa ng tao sa pag-aangkop nito sa kaniyang
kapaligiran sa pagtugon ng kaniyang mga
pangangailangan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A. Nagkakaroon ng pagmimina ang mga taong nakatira rito.
B. Mayroon itong matataba at malalawak na kapatagan.
C. Tanyag sa paggawa ng matitibay na bag at sapatos
D. Sinasamantala ito ng karamihan sa mga tao ang pagtatanim ng
mga prutas, mahahalagang gulay at mamahaling mga bulaklak.
E. Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga nakararami. Bukod sa
pagkakaroon ng palaisdaan, pinoproseso nila ang mga ito upang
mapagkakitaan at maibenta sa mga palengke sa loob at labas ng
bansa.
Mga Tanong:
1. Saang larangan nakilala ang mga taga Lungsod ng Marikina?
2. Ano ang silbi ng malamig na klima ng Baguio at bulubunduking
bahagi ng Bukidnon?
3. Bakit matatagpuan sa Lalawigan ng Bukidnon at Cotabato ang
malalawak na taniman ng pinya?
4. Paano mapapakinabangan ng mga nakatira sa mga
bulubunduking sakop ng bansa na hitik sa mga mahahalagang
minerales?
5. Ano ang mainam gawin sa mga naglalakihang tuna at
mamahaling uri ng mga isda na matatagpuan sa dagat,
karagatan at katubigang sakop ng Pilipinas?

10
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Gawain B
Panuto: Piliin ang angkop na paliwanag sa iba’t-ibang pakinabang
pang-ekonomiko hinggil sa mga likas yaman ng ating
bansa sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

A. Nagkaroon ng pagmimina, pinoproseso at ibinebenta sa mga


kalapit bayan at maging sa labas ng ating bansa.
B. Ginagawa nila itong atraksiyon ng turismo, upang
makapanghikayat ng mga turista ng sa ganon ay
makapagbigay ng maraming trabaho, karagdagang kita at
disenteng pangkabuhayan.
C. Bukod sa angking kalinisan at kapayapaan ng lugar na ito,
nagtataglay rin ito ng makapigil hiningang mga tanawin,
kagaya ng hot spring, talon, sunken cemetery,maputing
dalampasigan na may pinung-pinong buhangin.
D. Ang mga produktong mula sa likas na yaman ay ating
ikinabubuhay, napagkakitaan ng malaking halaga, ang iba
ay iniluluwas ng bansa, nagiging panghatak ng turista na
nangangahulugan ng karagdagang kita na nag-aangat ng
ating ekonomiya.
E. Ang Pilipinas ay sagana sa mga lamang dagat, pang-
agrikulturang produkto, mga troso, marmol, minerales,
ginto, pilak, tanso at mga magagandang anyong lupa at
anyong tubig kung saan ito ay nagiging atraksiyon sa
turismo at ang iba ay pinagkukunan ng enerhiya.

Mga tanong :
1. Bakit dinarayo ang Isla ng Camiguin ng mga turista?
2. Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating bansa?
3. Paano napapakinabangan ang mga mahahalagang minerales
ng bansa?
4. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng
ating kabuhayan?
5. Paano nabubuhay ang mga taga Malay, Aklan at taga Coron sa
Palawan na may malawak na malaparaisong dalampasigan na
may malapulbos na buhangin?

11
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Gawain C
Panuto: Buuin ang palaisipan na nasa ibaba.

Pababa
1. Pangunahing produktong pang-agrikultura sa Gitnang Luzon
3. Produktong magagawa mula sa niyog
4. Ipinagmamalaking produkto ng Davao, may kakaibang amoy
ngunit masarap ang lasa
5. Yamang namimina at karaniwang ginagawang alahas

Pahalang
2. Magandang uri ng bato na namimina sa Romblon
6. Pangunahing produkto ng Quezon na maaaring gawing langis
7. Produktong nahuhuli sa dagat, ilog o lawa
8. Napakahalagang yaman na nakukuha sa mga punongkahoy sa
kagubatan

12
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
13
Simulan Galugarin
1. ☹ 1. D
2. ☹ 2. E
3. B
3. 😊
4. C
4. 😊 5. A
5. 😊 6. J
6. 😊 7. H
7. 😊 8. G
8. 😊 9. I
9. 😊 10. F
10. ☹
Sukatin Palalimin
Gawain A Gawain A
1. C 1. E
2. D 2. C
3. B 3. B
4. A 4. D
5. E 5. A
Gawain B Gawain B
1. C 1. Isda,mais,walis
2. E 2. Daing, bangus, bagoong
3. A 3. Longganisa,bagnet, kalamay
4. D 4. Palay, seweed,noodles,sarrat
5. B 5. Litson,daing,dried magoes
Gawain C (tanggapin ang ibang sagot)
Pababa
1. Palay
3. Langis
4. Durian
5. Ginto
Pahalang
2. Marmol
6. niyog
7. isda
8. troso
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

. Mga Aklat
Adriano, Ma. Corazon V. et. Al. 2015. Araling Panlipunan Kagamitan
ng Mag-aaral, Pasig City: Vibal Group Inc., (DepEd-IMCS 2015) 120 –
130.

B. Iba pang Sanggunian


https://tinyurl.com/produkto1, accessed October 20, 2021
https://tinyurl.com/mgaisda, accessed October 20, 2021
https://tinyurl.com/pag-hahabi, accessed October 20, 2021
https://tinyurl.com/gawasakabibe, accessed October 20, 2021
https://tinyurl.com/pag-lililok, accessed October 20, 2021
https://tinyurl.com/pook-pasyalan, accessed October 20, 2021
https://tinyurl.com/windmillregion1, accessed October 20, 2021

14
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

15
LU_Q2_AralingPanlipunan4_Module1

You might also like