You are on page 1of 3

St.

Mary’s Educational Institute


Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

PANGALAN: ________________________________________ BAITANG AT


SEKSYON: ___________________

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 3

Modyul 1
Bilang

Petsa Pebrero 10, 2020

Paksa Ang Kapaligiran at ang Uri ng Hanapbuhay at Pamumuhay sa Lalawigan at Rehiyon

 Naiisa-isa ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa kinabibilangang


rehiyon
Layunin  Nailalarawan ang mga pangunahing produkto ng lalawigan sa rehiyon
 Naibabahagi ang pangunahing produkto o likas na yaman na masaganang
makikita sa sariling lalawigan

Ang mga karaniwang hanapbuhay sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon sa bansa at


mga produkto o kalakal na kaugnay ng mga hanapbuhay na ito:

1. Pagsasaka na nagbibigay ng sumusunod na kalakal o produkto:


Ang mga taniman o sakahan sa bansa ay karaniwang matatagpuan sa
mga kapatagan, lambak, at talampas.
 PALAY – isa sa mga pangunahing produkto ng mga magsasaka sa
ating bansa.
 NIYOG – tinatawag ding “Puno ng Buhay” dahil sa napakaraming
kapakinabangang nagmumula sa lahat ng bahagi nito mula sa laman,
dahon, puno, bao, balat, sabaw, ugat, at maging sa ubod nito.
 MAIS – isa pa sa mga nangungunang produktong agrikultural sa bansa.
Mahalaga ang mais dahil isa ito sa mga pangunahing sangkap sa
paggawa ng pagkain ng hayop.
 TUBO – ang pangunahing produktong nagmumula dito ay asukal subalit
ito rin ay nagiging sangkap sa paggawa ng pulot o molasses, bagasse,
Aralin papel, at mga natural na body scrub o mga pampapino ng balat.
 PRUTAS – ang saging ang pinakamalaking eksport na prutas ng
Pilipinas, ang pinya ay pumapangalawa sa mga prutas na inieksport ng
bansa, at ang mangga ay pumapangatlo sa mga eksport nating prutas.
 KAPE – ang pagtatanim ng kape ay muling sumisigla kaya’t maituturing
na uli itong isa sa mga pangunahing produktong agricultural sa bansa.
 GULAY – isa sa paboritong itanim ng mga magsasaka sa iba’t ibang
bahagi ng bansa.
2. Pag-aalaga ng mga hayop
Ang iba pang hayop na inaalagaan at pinagkakakitaan ng mga magsasaka
ay baboy at manok.
3. Pangingisda
Ito ay isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Mayaman
ang ating mga katubigan sa iba’t ibang uri ng isda tulad ng tuna, mackerel,
lapulapu, talakitok, pompano, dilis, tambakol, hasa-hasa, bisugo, galunggong,
at iba pa. Sagana rin ang bansa sa iba pang yamang-dagat tulad ng pusit,

PAASCU Accredited Bureau of Immigration


Accredited
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

alimango, talaba, tahong, suso, kabibe, mga halamang-dagat, at maging ng


magagandang perlas na sinisisid, sa mga katubigan ng Mindanao. Ang mga
isdang tulad ng bangus at tilapia, gayundin ang mga hipon, sugpo, at alimango
ay karaniwang inaalagaan at pinararami sa mga palaisdaan (aquaculture).
4. Pagmimina
Ang mga kabundukan ng ating bansa ay may mayamang deposito ng
mahahalagang metal at mineral tulad ng tanso, ginto, pilak, chromite, tingga,
nikel at iba pa. Ang nikel ay nangungunang produktong mineral ng bansa.
Itinuturing na isa sa mahahalagang industriya ng Pilipinas ang pagmimina.
5. Pagtotroso

Iba pang mga hanapbuhay sa bansa lalo na sa malalaking lungsod:


 Hanapbuhay ng mga propesyonal tulad ng mga doktor, dentista,
abogado, inhenyero, arkitekto, guro, at iba pa.
 Hanapbuhay ng mga manggagawang pisikal tulad ng mga:
 Manggagawang sanay o Skilled Workers – manggagawang
nakapagtapos ng kursong bokasyonal o teknikal at
nakapagsanay nang mahabang panahon upang mahasa at
mapaghusay pang lalo ang kakayahan.
 Manggagawang Di-Sanay o Nonskilled Workers –
manggagawang hindi nakapagsanay o pumasok sa pormal
na paaralan upang matutuhan ang gawain subalit
natututuhan at napagbubuti nila ang kakayahan habang
gumagawa at nagkakaroon ng karanasan sa napiling
larangan.
 Mga Negosyante o Namumuhunan – nakapagbibigay ng trabaho o
hanapbuhay sa ating mga kababayan. Kumikita rin ang pamahalaan sa
buwis na kanilang binabayaran at nakatutulong sila sa mga
mamamayan sa pamamagitan ng mga produktong kanilang nalilikha.

Ano-anong pangunahing produkto o likas na yaman ang masaganang


makikita sa inyong sariling lalawigan? Magdikit ng larawan ng mga ito o iguhit mo sa
kahon.

Sagot:

Gawain

PAASCU Accredited Bureau of Immigration


Accredited
St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa linya ang Tama
kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap o ang Mali kung ito ay mali. Gawing
Pagtataya gabay ang mga salitang nakasulat nang madiin.

Tama 1. Ang palay ay isa sa mga pangunahing produkto ng mga magsasaka


sa ating bansa.
Mali 2. Ang mangga ay tinatawag ding “puno ng buhay” dahil sa
napakaraming kapakinabangang nagmumula sa lahat ng bahagi nito
mula sa laman, dahon, puno, bao, balat, sabaw, ugat at maging sa
ubod nito.
Tama 3. Saging ang pinakamalaking eksport na prutas ng Pilipinas.
Tama 4. Ang gulay ay isa sa paboritong itanim ng mga Pilipino.
Tama 5. Ang ating bansa ay isang kapuluan kaya naman pangingisda ang
isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino.
Tama 6. Mahalagang sektor o bahagi ng ating lipunan ang mga negosyante
o namumuhunan sapagkat nakapagbibigay sila ng trabaho o
hanapbuhay sa ating mga kababayan.
Mali 7. Ilan sa mga trabaho ng mga manggagawang nonskilled ay guro,
abogado, at arkitekto.
Tama 8. Mas maraming negosyo ang matatagpuan sa malalaking lungsod
ng bansa dahil maraming tao ang naninirahan dito.
Tama 9. Mahalaga ang mais dahil isa ito sa mga pangunahing sangkap sa
paggawa ng pagkain ng hayop.
Tama 10. Skilled workers ang tawag sa mga manggagawang nakapagtapos
ng kursong bokasyonal o teknikal at nakapagsanay nang
mahabang panahon

Petsa ng Pebrero 12, 2020 (alas dose ng tanghali)


Pagpapasa

Inihanda Ni:

BB. MARIDION A. ALEMANIA


Guro sa Araling Panlipunan 3

PAASCU Accredited Bureau of Immigration


Accredited

You might also like