You are on page 1of 13

UNANG MARKAHAN – MODYUL 5

(IKA-LIMANG LINGGO)
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Modyul 5 – Paksa:

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

Panimula:

Sa modyul na ito ay aalaming kung paano umaayon at umaangkop ang mga likas na yaman sa
pamumuhay ng mga tao. Noon pa man, ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao nakadepende na
sa kaniyang kapaligiran. Tatalakayin sa modyul na ito kung paano patuloy na nililinang at
nakikibagay ang mga Asyano sa kanilang kapaligiran na nagbunsod sa pag-unlad ng kabihasnan.
Mga Saklaw na Aralin:
1. Katangian ng mga Likas na Yaman ng mga Rehiyon sa Asya
2. Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang
pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Subukin Natin

GAWAIN: Pagpuno ng Talahanayan 1


PANUTO: Punan ang tsart ng mga impormasyon tungkol sa katangian ng likas na yaman sa bawat
rehiyon sa Asya at ang uri ng kabuhayan na maaaring gawin ng mga Asyano sa mga
ito. Ang gawaing ito ay susukat sa iyong nalalaman tungkol sa aralin bago ito talakayin.

Rehiyon Katangian ng Likas na Yaman Uri ng Kabuhayan mula sa


mga Likas na Yaman
Hilagang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang Asya

Silangang Asya

Kanlurang Asya
Balikan Natin

PANUTO: Mula sa mga natutunan sa nakaraang aralin, ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na
pahayag.

____________________ 1. Uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng


damuhan o kagubatan dahil sa epekto ng klima nito
____________________ 2. Uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short
grasses
____________________ 3. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima
dahil sa presipetasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan
____________________ 4. Kondisyon ng atmospera ng isang natatanging lugar sa loob ng maikli
o nakatakdang oras
____________________ 5. Kalagayan ng atmospera o karaniwang panahon o average weather
ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon
____________________ 6. Uri ng hanging nagdadala ng malamig na temperatura ng panahon na
tinatawag din na cool breeze na nanggagaling mula sa direksiyon ng Hilagang Silangan
____________________ 7. Rehiyon na may Sentral Kontinental na uri ng klima
____________________ 8. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa
lupaing ito dahil sa malamig na klima
____________________ 9. Bihira at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng
rehiyong ito
____________________ 10. Ang mga lugar dito ay mayroong tropikal na klima na matatagpuan
sa mula 25º hilagang latitude hanggang 25º timog latitude

Tuklasin Natin

PANUTO: Kilalanin ang mga katangian ng likas na yaman ng bawat rehiyon sa Asya. Isulat ang tiitk
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

a. Hilagang Asya b. Timog Asya c. Timog-Silangang Asya


d. Silangang Asya e. Kanlurang Asya

_____1. May malawak na damuhan na mainam pagpastulan.

_____2. Tanyag sa rehiyong ito ang pagtatanim ng opyo kahit ipinagbabawal ng kanilang
pamahalaan.

_____3. Sagana sa yamang mineral tulad ng langis at petrolyo.

_____4. Malawak ang mga kagubatang matatagpuan dito.

_____5. Nakatuon sa pagtatanim at paghahayupan ang ilang mga bahagi nito.


Suriin Natin

Katangian ng mga Likas na Yaman ng mga Rehiyon sa Asya

❖ Malawak na damuhan na mainam pagpastulan.


❖ Walang punong nabubuhay dahil sa tindi ng lamig.
Hilagang Asya ❖ Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa
rehiyong ito.
❖ Mayaman ang Kyrgyzstan sa ginto.
❖ Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang natural gas.

❖ Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa


Timog Asya. Tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo,
Timog Asya bagamat ito ay ipinagbabawal ng pamahalaan.
❖ Paghahayupan sa bahagi ng Afghanistan at Bangladesh.
❖ Batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin ang
ilan sa mga yamang mineral ng Timog Asya.

❖ Nakatuon sa pagtatanim at paghahayupan ang ilang mga


Silangang Asya bahagi ng Silangang Asya.
❖ *Ginagamit sa Tsina at sa iba pang mga bansa ang mga
malalaking hayop bilang katulong sa paghahanapbuhay.

❖ Malawak ang kagubatan sa mga bansang Myanmar at Brunei.


Tinatayang 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing
Timog-Silangang panirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon at reptile.
Asya ❖ Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa
produksyon ng langis ng niyog at kopra.
❖ Kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang
karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon.
❖ Malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia.
❖ Liquefied gas ang pangunahing mineral ng Malaysia.

❖ Sagana sa yamang mineral tulad ng langis at petrolyo.


❖ Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig
Kanlurang Asya ang Saudi Arabia, at malaki ang produksyon ng langis ng mga
bansang Iran, Iraq, United Arad Emirates(UAE), Kuwait, at
Oman.

Gabay na Tanong
Tukuyin ang uri ng mga likas na yaman na matatagpuan sa bawat rehiyon ng Asya.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Implikasyon ng mga Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

AGRIKULTURA

➢ Ang pagkain ng tao sa mga isang bansa maging ang mga produktong
panluwas nito ay nagmumula sa pagsasaka, pangingisda, at pag-
aalaga ng hayop. Kung malawak at mataba ang lupain, mas
matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas
ng mas maraming produkto.

➢ Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilan ay gumagamit ng mga


makabagong makinarya. May ilang mga mamamayan ding may maliit
na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay lamang.

EKONOMIYA

➢ Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa


kasaganaan nito sa likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukunan
ng mga materyales na panustos sa kanilang mga pagawaan. Maging
ang mga mauunlad na bansa ay dito kumukuha ng hilaw na
materyales kung kaya’t halos nauubos ang mga likas na yaman ng
ilang mga bansang Asyano at hindi sila nakikinabang dito.

➢ Sa kabilang banda, likas na yaman din ang kanilang iniluluwas,


kasabay nang paggamit ng mga tradisyonal at makabagong
teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita nang
sa gayon ay mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.

PANAHANAN

➢ Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pangangailangan sa


ikabubuhay at panahanan nito. Ang dami ng populasyon sa isang lugar
ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito. Isang katotohanan
na habang ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi na
lumalawak pa, kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion
na nagdudulot naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng
lupa at ng kanilang kapaligiran.
Pagyamanin Natin

GAWAIN: Pagpupuno ng Talahanayan 2


PANUTO: Magbigay ng mga implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao at epekto
ng mga gawain ng mga tao sa likas na yaman. Punan ang tsart sa ibaba ng kasagutan.

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Epekto ng mga Gawain ng mga Tao sa


Pamumuhay ng Tao Likas na Yaman

Isaisip Natin

PANUTO: Mula sa naging mga gawain at talakayan, sagutin ang mga katanungan.
1. Ano anong likas na yaman ang sagana sa Asya? Paano ito nakatulong sa pag-unlad ng
pamumuhay ng tao sa mga rehiyon nito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang likas na yaman? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang pagkakaiba ng mga Hapon sa Pilipino na bagamat salat sila
sa ilang likas na yaman ay nagawa pa rin nilang mapaunlad ang sariling bansa?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isabuhay Natin

GAWAIN: Poster Making


PANUTO: Gamit ang iba’t ibang mga kagamitang pangkulay, gumawa ng isang poster na
nagpapakita ng tamang pangangalaga at kahalagahan ng likas na yaman. Iguhit ito sa
susunod na pahina. Ang gawain ay bibigyan ng puntos gamit ang rubrik sa ibaba.

RUBRIC SA PAGGAWA NG POSTER


Pamantayan Indikador Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Nagpakita ng maayos na ugnayan ng mga 10
larawang iginuhit.

Kaangkupan ng Maayos na nailarawan ang mga konsepto 10


Konsepto at mensahe.

Partisipasyon Pagpapakita ng mga mag-aaral ng 5


kanilang kaalaman upang maipahayag
ang konsepto at mensahe tungkol sa
paksang tinatalakay.

Kabuuang Nagpakita ng maayos at malinis na 5


Presentasyon kabuuang presentasyon.

Kabuuan 30
Poster
Tayahin Natin

PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
____ 1. Rehiyon na may malawak na damuhan na mainam pagpastulan
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya C. Kanlurang Asya D. Timog Asya

____ 2. Mayaman sa torso ang bahaging ito ng Hilagang Asya


A. Kyrgyztan B. Turkmenistan C. Afghanistan D. Siberia

____ 3. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang ______________.


A. Troso B. Ginto C. Natural Gas D. Bakal

____ 4. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Timog Asya?


A. Pagtotroso B. Pagsasaka C. Pangingisda D. Pagmimina

____ 5. Ang Afghanistan ay tanyag sa anong halamang gamot?


A. Apog B. Karbon C. Opyo D. Pampalasa

____ 6. Ang Timog Asya ay sagana sa mga yamang-mineral tulad ng __________.


A. Bakal B. Karbon C. Tanso D. Lahat Ng Nabanggit

____ 7. Tinatayang ___ ng kagubatan ng Brunei ang nagsisilbing panirahan ng mga hayop.
A. 84% B. 85% C. 86% D. 87%

____ 8. Ang ______ ay isa sa mga bansang nangunguna sa produksyon ng niyog at kopra.
A. Indonesia B. Malaysia C. Pilipinas D. Thailand

____ 9. Bansa sa Timog-Silangang Asya na malaki ang deposito ng langis at natural gas
A. Indonesia B. Malaysia C. Pilipinas D. Thailand

____ 10. Pangunahing mineral ng Malaysia


A. Natural Gas B. Liquefied Gas C. Bakal D. Tanso

____ 11. Sakop ng ___________ ang 7% ng lupa sa mundo na maaring bungkalin.


A. China B. India C. Indonesia D. Saudi Arabia

____ 12. Ang China ang nangunguna sa mundo sa produksyon ng _____________.


A. Seda/Silk B. Karbon C. Palay D. Asin

____ 13. Rehiyon na mayaman sa langis at petrolyo


A. Silangang Asya B. Kanlurang Asya C. Timog Asya D. Hilagang Asya

____ 14. Pinakalamaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig


A. Indonesia B. Brunei C. Kuwait D. Saudi Arabia

____ 15. Pangunahing produktong agrikultural sa Hilagang Asya


A. Barley At Trigo B. Troso C. Niyog D. Palay
Karagdagang Gawain

PANUTO: Panuorin ang video gamit ang link na nasa ibaba tungkol sa mga likas na yaman ng
Asya. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

https://youtube.be/cAuZnSBools

1. Ano ang iyong napatunayan hinggil sa likas na yaman ng Asya?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit hindi pare-pareho ang likas na yaman na taglay ng bawat rehiyon?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Sanggunian

Batayang Aklat

Blando, Rosemarie, et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Magaaral),


ph.42-45.
Development Team of the Module
Writers:
MERLECITA EVANGELISTA
MARGARITA S. OÑES

Editors
Content Evaluator:
MARIETTA F. VALIDA – Head Teacher III
ROWEL GALURA – Head Teacher I

Illustrator
Layout Artist:
ROBERT M. VALERA

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like