You are on page 1of 4

Grade Level Ready- Filipino GRADE 3

Pangalan: _______________ _______________ _________Petsa: ______________


Paaralan: _______________ __________________________Iskor: _____________
Gawain 1: Panuto : Tingnan ang mga larawan at piliin ang ang letra ng tamang sagot.

1. A. baka – hayop na nagbibigay ng gatas.

B. baka – hindi sigurado

2.
A, tuyo – hindi basa
A. paso––isdang
b. tuyo lalagyanan ngna
maalat halaman
masarap iulam
B. paso – sugat mula sa mainit na bagay. . 4.

3. A. puso – bahagi ng katawan ng tao


A. puso
B. gabi –uri ng halaman
– bulaklak ng saging Gawain 2 :
B. gabi – madilim na ang paligid Basahin
ang teksto
at sagutan

ang sumusunod na tanong sa ibaba.


Health Protocol, Nasusunod nga ba?
Isinulat ni Rizalina N. Rabadon

Sa nagdaang dalawang taon ay naranasan nating mabuhay sa takot. Ito ang panahong parang
napakadilim. Ang lahat ay nangangamba na baka sila ay maging isa sa mga carrier ng virus. Takot na
hindi alam kung ano ang gagawin lalo na at buong mundo ang sangkot. Kumalat hindi lamang sa iisang
bansa. Ang lahat ay naapektuhan, Kabuhayan, kalusugan at trabaho. Mabuti na lamang at nalampasan
natin ito b.agama’t hindi pa tuluyang natatapos ang ating laban. Ang mga mamamayan ay nararapat na
patuloy na sumunod sa health protocol upang ang pagkakasakit ay maiwasan. Ang pagsusuot ng
facemask, Paghuhugas ng kamay, paglalagay ng alcohol at social distancing ay ilan lamang sa pinaiiral
na health protocol subalit nasusunod pa nga ba ito? Obserbahan ninyo ang ating kapaligiran. Nagkalat
ang facemask kahit saan, social distancing di na masilayan. Halos mga mamamayan ay nagsisiksikan.
Kumakain kahit nakakamay lang hindi na nag-abalang maghugas ng kamay dahil ang nais lagyan ng
laman kumakalam na tiyan. Kaya virus di tayo iniiwan. hanggang ngayon ay nandiyan. Sa inyong
palagay nasusunod pa ba ang mga health protocol?
Tanong :
1. Ano ang pamagat ng teksto? ______________________________________
2. Ano ang kinatatakutan ng mga mamamayan?____________________________
3. Magbigay ng 3 health protocol na dapat nating sundin?
a. _______________________________________________________
b. _______________________________________________________
c. _______________________________________________________
Grade Level Ready- Filipino GRADE 3

4. Ano ang pangalan ng virus na kinatatakutan natin ? ______________________


5. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa nawawala ang virus?

Gawain 3 : Basahin ang tula at sagutan ang mga tanong sa ibaba.


Si Ina
Isinulat ni Rizalina N. Rabadon

Lakas ko’y nagmumula sa Ina kong mahal


Siya ay laging nandiyan at nakaalalay
Hindi iniiwan kahit saang laban.
Kasama ko siya kahit saanman.

Mahal kong ina, maraming salamat


Sa buhay na taglay na ikaw ang gabay
Sa lungkot at saya lagi kang Karamay
Pangako sa iyo aalagaan ka magpakailanpaman.
Tanong :
1. Ano ang pamagat ng tula? ________________________
2. Sino ang nagsasalita sat ula? _____________________
3. Ano ang ginagawa ng nanay sa kanyang anak? ____________________
4. Ano ang pangako ng anak sa kanyang ina?____________________________
5. Ikaw, ano ang pangako mo sa nanay mo? _____________________________
Isla ng Boracay
Isinulat ni Rizalina N. Rabadon
Maaga pa lang ay umalis na sina Mang Arturo, Aling Belen at Leni. Pupunta sila sa Boracay.
Tatlong araw sila doon. Lumapag ang eroplano sa Caticlan Airport. Excited na si Leni ito ang hiniling
niyang regalo sa kanyang mga magulang para sa kanyang kaarawan. Sumakay sila ng bangka papunta sa
kabilang isla, ang isla ng Boracay. Dumiretso sila sa hotel na kanilang tutuluyan. Pagkatapos
magpahinga ay nagtuloy na ang mag-anak sa tabing dagat. Naligo sila. Nagtakbuhan sa pinong buhangin.
Napakaganda talaga ng gawa ng Panginoon ang nasabi ni Leni sa kanyang sarili. Pinanood nila ang
paglubog ng araw sa tabing dagat. Kinabukasan ay inikot ng mag-anak ang buong isla. Pagdating ng gabi
ay pagod na pagod sila. Sa ikatlo at huling araw nila sa isla ay namili na sila ng mga souvenier para may
ipasalubong sa kanilang mga kaibigan. Inubos pa nila ang natitira nilang oras sa paliligo sa dagat.
Nakaalis na sila sa hotel at pasakay na ng bangka ng mapansin ni Leni na wala ang bag na pinaglagyan
niya ng mga biniling ipapasalubong. Hinabol sila ng empleyado ng hotel at ibinigay sa kanila ang
naiwang bag. Masayang – masaya si Leni bukod sa maganda na ang Boracay ay nakita niyang matapat
Grade Level Ready- Filipino GRADE 3

ang mga taong nakatira dito. Tiyak na marami siyang maikukuwento sa kanyang mga kaibigan tungkol
sa napakagandang isla ng Boracay.
Tanong :
1. Sino – Sino ang mga gumanap sa kuwento?_________________________
2. Saan nangyari ang kuwento?___________________________________
3. Ano ang naging suliranin ni Leni ng makaalis na sila sa hotel?________________
4. Ano ang naging solusyon dito?_______________________________

Gawain 5 : Basahin ang kuwento at ilarawan ang mga elemento nito.


Ang pamilya ni Mang Ramon ay nakatira malapit sa dagat. Pangingisda ang trabaho niya. Palagi siyang
pinagsasabihan ng kanyang asawa na si Aling Beth na huwag gumamit ng dinamita sa pangingisda sa
dahilang bukod sa delikado ito ay mamamatay pa pati na ang mga maliliit na isda. Isang araw dahil sa
mahinang huli ni Mang Ramon ay gumamit siya ng dinamita. Sinindihan niya ito. Hindi pa niya ito
naihahagis ng bigla itong sumabog. Dinala sa ospital si Mang Ramon. Naputulan siya ng isang braso.
Nagsisi si Mang Ramon at ipinangako niya sa kanyang sarili na magbabago na siya.
1. Sino – Sino ang mga tauhan sa kuwento?_______________________________
2. Saan nangyari ang kuwento?_________________________________
3. Ang ang pangyayari sa kuwento?__________________________________________
Ang Aklat
Isinulat ni Rizalina N. Rabadon

Iyong buklatin itong aklat.


Kaydaming impormasyong makakalap.
Matututo ka,malilinang na ganap.
Makakarating sa lugar na pinapangarap.

Makasaysayang pook iyong mararating.


Sa aklat ng Kasaysayan nitong bansa natin.
Sa kabutihang nagawa ng mga bayani ng bansa
Nakalaya tayong mga mamamayan ng bansa natin.
Tanong :
1. Ano ang pamagat ng tula?
A. Ang Dyaryo B. Ang Radyo C. Ang Aklat
2. Ano ang nagagawa ng aklat sa atin?
A. Natututo tayo B. Pinapaawit tayo C. Nalilito tayo.
Grade Level Ready- Filipino GRADE 3

3. Saan ka makakarating kapag nagbabasa ka ng aklat?


A. Maaari kang makarating sa tahanan ninyo.
B. Maaari kang makarating sa mga parke.
C. Para ka na ring nakarating sa mga makasaysayang lugar habang binabasa mo ang aklat.
4. May mababasa ka rin bang tungkol sa bayani sa mga aklat?
A.opo B. wala po C. ewan ko po
5. Mahalaga ba ang aklat?
A. opo B. hindi po C. ewan ko po

You might also like