You are on page 1of 4

MAASIN CHRISTIAN ACADEMY, INC.

MAMBAJAO, MAASIN CITY


SY: 2023-2024

FIRST MID-TERM EXAMINATION IN


Filipino 5

Name: ____________________________Date: ___________________ SCORE: _____________


Teacher: MARY JANE V. CABALES LRN: _________________

TEST 1. BILUGAN ANG LETRA NG TAMANG SAGOT SA MGA KATANUNGAN.

1. Si Ana ay humahangos patungong skwelahan sapagkat siya ay malapit ng mahuli. Ano ang
kahulugan ng salitang humahangos?

A. natutuwa B. kumakanta
C. nagmamadali D. umaasa

2. Marami silang tumugon sa katanungan ng kanilang guro. Ano ang kahulugon ng salitang tumugon?

A. sumagot B. nagmalaki
C. sumayaw D. Nagtanong

3. Malambing na bata si Claire.Ano ang kahulugan ng salitang malambing?

A. mabilis magsalita B. malungkutin


C. madaldal D. mapagmahal sa pakikitungo

4. Ang kapatid ni Claire ay aktibong bata. Ano ang kahulugan ng salitang aktibo?

A. listo B. matalino
C.magalang D. istrikto

5. Pangarap ni Claire na maging isang tanyag na guro. Ano ang kahulugan ng salitang tanyag?

A. sikat B. magaling
C. matalino D. matulungin

6. Inilalahad nito kung saan nangyari o nagmula ang balita.

A. ulo ng balita B. placeline


C. byline D. katawan
7. Ito ay pamagat ng balita na malalaki at mariin ang pagkakalimbag ng mga letra.

A. ulo ng balita B. placeline


C. byline D. katawan

8. Ito ay pangalan ng nagsulat ng balita at minsan ang kanyang katungkulan.

A. ulo ng balita B. placeline


C. byline D. katawan

9. Ito ay karagdagang detalye ng balita.

A. ulo ng balita B. placeline


C. byline D. katawan

10. Ito ay talata ng balita na inilalahad ang pinaka mahalagang impormasyon.


A. sinabi B. katawan
C. pamatnubay D. byline

TEST II-A. TINGNAN ANG SALITANG MAY SALUNGGUHIT SA PANGUNGUSAP. KUNG


ITO AY PANGNGALANG PANTANGI, ISULAT ANG SALITANG PANTANGI SA
PATLANG. KUNG ITO AY PANGNGALANG PAMBALANA, ISULAT ANG SALITANG
PAMBALANA SA PAtlang.
____________1. Si Joy ay mahilig sa prutas.
____________2. Sila ay mayroong malawak na lupain.
____________3. Ang probinsya namin ay nasa timog ng Luzon.
____________4. Si Binibining Maria Gomez ang guro namin sa Sibika at Kultura.
____________5. Ang pansit ni Aling Nena ay masarap.

TEST II-B: TINGNAN ANG SALITANG MAY SALUNGGUHIT SA PANGUNGUSAP. KUNG


ITO AY DI-TIYAK ISULAT ANG DT, PL KUNG PANLALAKI, PB KUNG PAMBABAE, AT
WK KUNG WALANG KASARIAN, ISULAT ANG SAGOT SAGOT SA PATLANG.
__________1. Si Carlos ay humahangos papuntang banyo.
__________2. Ang baso ay nabasag.
__________3. Mahilig sumayaw at kumanta si Anna.
__________4.ang aso ay malakas na tumaho sa akin.
__________5. Ang binata ay tumatakbo papunta sa bus.
TEST III- BASAHIN ANG MAIKLING KWENTO AT SAGUTIN ANG MGA KATANUNGAN.

BAGONG KAIBIGAN
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang
kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at
nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko
sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang
hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng
dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi
ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong
isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko
ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag.
Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong
bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak!
Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking
payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop.
Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay
kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”


“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school bus.“

MGA TANONG:
1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
____________________________________________

2. Saan nangyari ang kwento?


____________________________________________
3. Ano ang pangunahing Ideya ng kwento? (3PTS.)
____________________________________________
TEST IV- ISULAT SA PATLANG ANG TITIK P KUNG ANG KAYARIAN NG
PANGNGALAN AY PAYAK, M KUNG ITO AY MAYLAPI, I KUNG ITO AY INUULIT, O T
KUNG ITO AY TAMBALAN..

__________1. Kabayan _______6. kagandahan


__________2. Bungangkahoy _______7. Halamang-ugat
__________3. bagay-bagay _______8. mandaraya
__________4. Byahe _______9. paliwanag
__________5. Bayan _______10. usap-usapan

You might also like