You are on page 1of 4

MUSIC FOURTH QUARTER (WEEK 6-8)

TAMBALANG AWIT
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na matututunan mo ang
konsepto ng tambalang awit o partner song, makaka-awit ng sabay na
magkaiba ang awitin na magtutugma sa iisang tono.
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

Lapis at Pambura

Walis tambo at Pandakot Kutsara at Tinidor

Ano ang nakikita mo sa larawan? Saan mo ito ginagamit?


Ginagamit mo ba ito nang sabay, magkahiwalay o magkasunod?
Maituturing mo ba itong magkapareha? Bakit?

May mga bagay na magkaiba ngunit mas makatutulong kung sabay natin
gagamitin. Nagiging madali at maayos kapag ito ay magkatambal o magkapareha.
Katulad ng mga bagay na nakita natin sa larawan, may mga awit na magkapareho ng
sukat o meter at maaaring awitin nang magkasabay. Ang tawag dito ay partner songs
o tambalang awit.
Sa tulong ng mga nakakatandang kasama sa tahanan, pag- aralan ang awiting
“Leron, Leron Sinta”.
Matapos ang unang awitin, isunod naman pag-aralan ang katutubong awit na “Ako.
Kini si Anggi.”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Matapos pag-aralan ang dalawang awitin,


subukan naman itong pagsabayin. Bumuo ng dalawang pangkat sa pamilya.
Ang unang pangkat ang aawit ng “Leron, Leron Sinta”, at ang pangalawang
pangkat ang aawit ng “Ako. Kini si Anggi”.

Gawin ang sumusunod na mga hakbang.

1. Awitin ang Leron, Leron Sinta ng unang pangkat. kailangang


awitin ito ng dalawang ulit.
2. Hihintayin ng pangalawang pangkat ang pag-ulit ng unang pangkat bilang
hudyat ng pagpasok ng awit na “Aco. Kini si Anggi”.
3. Magsasabay ang dalawang pangkat hanggang sa matapos ang awit.
Upang maging kaaya-aya sa pandinig, maaaring sabayan ito ng palakpak.
Nagustuhan mo ba ang ating gawain? Magkatugma ba ang dalawang awitin?
Ano ang tawag sa ating ginawa?
Magbigay pa ng mga halimbawa ng awitin na may magkatugmang tono.
Kaya ba ninyong awitin ang mga ito ng sabay-sabay?
Ano ang nararamdaman mo habang umaawit ka at naririnig
mo ang ibang himig na sumasabay sa iyo?
ART FOURTH QUARTER (WEEK 6-8)
Puppet Show

Ang puppet show ay isang uri ng libangan na tunay na nakaaaliw gamit


ang mga kamay sa pagpapagalaw at pagpapasalita sa mga tauhang papel.
Ang tawag sa humahawak at nagpapakilos sa mga ito ay puppeteers. Ang
pagsasaayos ng isang tanghalan ay higit na mapapaganda ang isang palabas.
May iba’t ibang paraan ng paghahanda nito katulad ng:

1. Pagtatakip ng mesa gamit ang telang itim

2. Paggamit ng Kahon

3. Pagtatanghal sa bintana

GAWAIN SA PAGKATUTO #1

Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang


talata. Piliin ang sagot sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Ang pagtatanghal ng mga ay isang uri ng


na tunay na nakakaaliw gamit ang mga kamay
sa at
sa mga tauhang puppet. Ang tawag sa humahawak at
nagpapakilos sa mga ito ay tinatawag na .

pagpapasalita puppet puppeteers


libangan pagpapagalaw
MASK MAKING
Ang maskara ay may iba’t ibang uri. May simple lamang na gawa sa
supot at mayroon ding pinipinturahan para maging kaakit- akit.

Gawain sa pagkatuto 1: Bumuo ng maskara. Sundin ang mga


pamamaraan sa ibaba.

Pagbuo ng Maskara
Pamamaraan:
1. Kumuha ng karton o lumang folder na may sapat na laki para
matakpan ang mukha.
2. Gamit ang gunting, gupitin ang karton sa hugis na nais mo.
3. Ilapat sa mukha at lagyan ng tanda kung saan nakatapat ang
iyong mata, ilong at bibig.
4. Lagyan ng butas para sa mata, ilong at bibig.
5. Lagyan ng kilay at pagandahin ang mata, ilong at bibig gamit ang
iyong krayola.
6. Maaari mong patangusin ang ilong sa pamamagitan ng pagputol
ng 2x2 pulgada ng karton o folder. Idikit ito sa tapat ng ilong
ng maskara.
7. Dagdagan pa ng hugis at kulay ang iyong maskara upang higit
itong maging kaakit-akit.
8. Pintahan ng water color ang iyong maskara.
9. Butasan ng maliit sa tigkabilang tabi malapit sa tainga para sa
ikakabit na rubber band.
Isuot ang maskara at ipakita sa iyong guro gamit ang selpon ng
magulang mo.

You might also like