You are on page 1of 10

Department of Education

National Capital Region


Schools Division of Parañaque City
Self-Learning Modules
MAPEH 4, QUARTER 2

MUSIC 4 BILANG 6 – IKAPITO AT IKAWALONG LINGGO -IKALAWANG


MARKAHAN
Ang Likhang Melody

Name: ________________________________________ Score_____________


Grade & Sec: __________________________________

Umawit at sumayaw
Ikembot ang iyong beywang
Ang kamay ay ikampay
Umikot, sabay sabay

Ipalakpak ang rhythmic pattern ng tula. I-chant ang bawat linya ng tula habang pinakikinggan
ng mga bata. Ipaulit ito sa mga bata nang ilang beses. Maaring lagyan ng himig ang tula ayon sa sukat
nito.

Tapikin ang rhythmic pattern ng awit. I-chant ang lyrics ng awit ayon sa rhythmic pattern nito.
Ano ang unang ginawa niyo bago awitin ang Leron-Leron Sinta?
(itinapik ang rhythmic pattern)
Ano pa ang paraang ginawa upang madaling malaman ang daloy ng melodic pattern?
(pag-chant ng lyrics ng awit)
Ano ang mahahalagang pamaraan na ginawa bago inaral ang tono ng awit?
(Pagtapik sa mga rhythmic pattern at pag-chant ng titik ng awit)
Ang paglikha ng isang melody ay nakatutulong sa pagiging malikhain upang maipakita ang
kahusayan at pag-unawa sa musika

Suriin Natin
Panuto: Gumawa ng isang tula at lagyan ito ng melody pagkatapos. Isulat ito sa ibaba.
1. Sumulat ng dalawang saknong ng tula.
2. Bigyan ng title ang nagawang tula.
3. Lagyan ng melody.
4. Irecord ang nagawang awit.

Likhain Natin
Goal
Makalikha ng melody o tono gamit ang tulang nakuha sa libro o internet.
Role
Musicia
Audience
Magulang, kapatid, guro
Situation
Sa loob ng tatlong minuto ay iparinig ang nalikhang tono o melody nang may damdamin. Gumamit ng
mga instrumentong pangmusika upang lalo ito maging kasiyasiya. I video ang inyong nalikha.
Product Performance
Makagawa ng isang kasiya siyang tono gamit ang isang tula.

Standard

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 Total:
25
Nakasusunod sa alituntunin kung paano ang paglikha ng melody. pts.

Nakapagbabahagi ng kaalaman sa musika sa pamamagitan ng pag-


awit
Naiaawit nang may wastong tono ng likhang melody.

Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa musika.

Nakagagawa ng maayos na performance.

Tayain Natin
A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
___ 1.) Ano ang mahahalagang pamaraan na ginawa bago aralin ang tono ng awit?
a. Pag-chant ng titik ng awit

b. Pagsigaw sa mga titik ng awit

c. Pagbasa sa mga titik ng awit.

d. Pag head bang habang tinitingnan ang mga titik ng awit.

___ 2.) Bakit mahalaga ang melody o tono sa isang musika?

a. Hindi naman ito nakakaganda sa isang awit.

b. Nagiging masakit sa tenga kapag may tono ang isang awit.

c. Nakakatulong ito upang maging mas maging buhay ang isang awit.

d. Wala sa nabanggit.

(3-10) Awiting mo ang paborito mong kanta. I-record ito. (8 pts.)


SINING 4 (Weeks 7-8)
Yunit 2 : Aralin 4 : Pista ng mga Pamayanang Kultural
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Naikukumpara ang lokasyong pangheograpiya, kasanayan at kapistahan ng ibat-ibang mga


pangkat pangkultura sa bansa. (A4EL-IId)
Natatalakay ang kahalagahan ng pagpipinta, sa pagpapahayag ng damdamin ng isang tao o
maging ang pagiging masayahin ng mga Pilipino, lalo na kung may kapistahan.

Unawain Natin

Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin.


Napagbubuklod-buklod tayo dahil sa mga
selebrasyon at pagdiriwang tulad ng
panahon ng pagtatanim at pistang bayan.
Ang mga tao ay sama-samang nagsasaya,
nagbabatian, at gumagawa
upangmaisakatuparan ang layunin ng
kanilang pagdiriwang. Ang larawan sa
itaas ay likhang-sining na ipininta ng
lumang Carlos ‘Botong’ Francisco na
“Pista sa Angono” na nagpapakita ng
mga taong naghahanda para sa kanilang
kapistahan.
Nagagawa ng pintor na maipakita sa likhang-sining ang damdamin ng isang tao. Alam din
niya kung paano ilalarawan ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya, malungkot o
payapa.
Sa paggamit ng kulay tulad ng dilaw, kahel at pula, naipapahiwatig ng pintor ang tamang
damdamin na nagpapakita ng saya.

Ilapat Natin

Pamagat: Ang Kapistahan Rito sa Amin

Kagamitan: manila paper, acrylic paint o acry-color, brush, lapis, Marker, water
container, basahan, lumang dyaryo at bond paper

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Planuhin ang iguguhit na selebrasyon sa isang bond paper.


2. Ang nabuong disenyo sa bondpaper ay ilipat sa manila paper sa pamamagitan ng lapis.
3. Kulayan ang iginuhit sa lapis ng acrylic paint/ acry-color. Gumamit ng masasayang kulay
tulad ng dilaw, dalandan, pula at iba pa upang maipakita ang masayang damdamin.
4. Patuyuin ang iyong nagawang likhang-sining.
Suriin Natin

Tiyakin ang ginawang pagpipinta sa ginawang obra. Lagyan ng tsek

(✔) ang kahon na tumutugon sa bawat pahayag.

10 - Naisasagawa ang gawain ng mahusay at higit pa sa inaasahan.


8 - Naisasagawa ang gawain ng hindi gaanong mahusay.
Pamantayan 10 8 6

1. Naiguhit at nakulayan ko ba ang myural ng aking pagdiriwang o selebrasyon?

2. Naipakita ko ba sa aking larawan ang damdamin ipinahihiwatig sa


pamamagitan ng kulay?

3. Naipagmalaki ko ba ang aking likhang-sining sa pamamagitan ng water color


painting?

4. Nagawa ang gawain nang hindi humingi ng tulong sa iba.

5. Nakadama ng kasiyahan sa aking sining.


6 - Naisasagawa ang gawain ng may kaunting kasanayan lamang.

Tayain Natin - Panuto: Sa iyong bond paper, gumawa ng isang slogan patungkol sa kung
papaano mo ipagmamalaki ang ginawa mong likhang- sining kaugnay sa pagdiriwang ng inyong
sariling kapistahan. Gumamit ng makulay na pagpipinta sa iyong paggawa.

Nakasunod sa 3 Nakasunod Sa 1-2


Nakasunod sa 4 pamantayan pamantayan
Pamantayan na pamantayan lamang lamang
(5)
(4) (3)
1. Ganap kong naibahagi sa aking slogan
ang natatangi kong karanasan kung
papaano ko ipagmamalaki ang aming
Kapistahan.

2. Natapos ko ang aking gawain na ako


lang, at may paggabay ng aking
magulang.
3. Naipakita ko sa aking ginawang
ikhang-sining ang paggamit ng iba’t
ibang kulay
4.Natuto akong gumawa ng sarili kong
slogan ayon sa aking kakayahan at
damdamin.
5.Naibahagi ko sa iba ang aking sariling
gawang slogan nang may kasiyahan.
EDUKASYON PANGKATAWAN 4 QUARTER 2 IKA-PITO AT IKA-WALO NA
LINGGO
Recognizes the value of participation in Physical Activities

Balikan Natin

Mga Tanong:
a. Nasiyahan ba kayo sa mga ginawa natin noong nakaraan?

b. Ano-anong nga sangkap ng pyhsical fitness ang iyong napaunlad?

c. Dapat bang panatiling malakas ang katawan? Bakit?

Unawain Natin

Sa araling ito matutunan natin ang kahalagahan ng mga gawaing Physical Activities at
paglalaro. Nakakatulong ito para makabuo tayo ng positibong pagkilala sa sarili, matutunan
ang pisikal at natural na mundo,maging masaya, hamunin ang panganib, mag sanay sa
paglutas ng suliranin at matuto sa pagkakamali, at higit sa lahat hanapin ang interest, gusto at
di gusto.

Tanong :
Bilang isang indibidwal sa iyong pang araw-araw na ginagawa o anumang gawaing
pyhsical activities paano mo ba ito pinapahalagahan?

Ilapat Natin
Panuto: Basahain mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Kung ito ay nagpapahalaga sa
gawaing physcail activites at paglalaro isulat ang TAMA, kung ito naman ay hindi nagpapahalaga sa
gawaing physical activities at paglalaro isulatang MALI.

__________ 1. Umiwas sa mga naglalaro na mga kaibigan mo dahil nakakapagod lang ang paglalaro.
__________ 2. Sumali sa liga ng barangay at iba pang isports na alam mo para malinang ang iyong
mga kasanayan tulad ng bilis at liksi ng katawan.
__________ 3. Gawin ang mga gawaing bahay at iba pang inuutos sa iyo ng bukal sa loob at may
galang sa mga nakakatanda sa iyo.
__________ 4. Si Mark Anthony ay isang atleta sa kanilang paaralan, at kabilang siya sa kopunan ng
Soccer Team. Araw -araw silang nag-eensayo para malinang ang pangunahing
kasanayan sa larong soccer tulad ng pag sipa, at dribol ng bola. Para sa ganun ay
makuha nila ang titulo na maging isang kampeon.
__________ 5. Sumama sa mga kaibigan na mamasyal sa parke, mall at iba pang magagandang
pasyalan para makaiwas sa mga gawaing physical activities at paglalaro.
Suriin Natin
Panuto : Basahin ang slogan sa loob ng kahon. Idugtong sa pamamagitan ng linya
ang mga larawang nagpapakita ng supporta sa islogang ito.

Masayang naglalaro sa mga


kaibigan

Pahalagahan ang paglalaro at


Pagtulak sa kalaro mga gawain para sa Maayos at magalang sa
kinabukasan natin mga kalaro

Tayain Natin
Panuto : Magtala ng mga gawaing physical activities at paglalaro mo sa inyong mga kaibigan sa loob
ng isang linggo at kung paano mo ito pinahalagahan. Ilagay ang inyong sagot sa loob ng kahon.
Number 1 ay ginagawa na para sa inyo.

MONDAY
Pagtulong sa gawaing bahayMasipag ako sa gawain
bahay na inuutos sa akin at ginagawa ko ito ng hindi
labag sa loob ko.

TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY FRIDAY

Likhain Natin
Panuto: Isulat sa loob ng organizer ang iyong sagot. Bilang isang mag-aaral paano ka nakakatulong
sa pagpapahalaga ng mga gawaing physical activities at paglalaro sa pang araw-araw na pagharap ng
hamon sa buhay?
HEALTH 4: MODYUL 4
Week 7-8
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

Naisasagawa ang mga personal na kinagawian at kalinisan sa kapaligiran upang


maiwasan at masugpo ang mga karaniwang nakakahawang sakit.

Layunin:

Ating tatalakayin sa araling ito ang mga paraan kung paano natin isasagawa ang mga
personal na kinagawian at ang kalinisan sa kapaligiran upang makaiwas tayo sa mga
nakakahawang sakit.

Balikan Natin:

Iguhit ang kung tama ang sinasaad sa pangungusap at kung mali naman.

________1. Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos gumamit ng


palikuran.
________2. Umiwas sa taong may ubo o sipon.
________3. Kainin ang natirang pagkain ng may sakit.
________4. Gamitin ang suklay ng kaibigan na may kuto.
________5. Ibukod ang mga personal na gamit ng taong may TB lalo na ang mga
ginagamit sa pagkain nito.

Unawain Natin:
Basahin ang kuwento ng Barangay Maligaya. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Ito ang Barangay Maligaya, isang komunidad na malapit sa ilog. Dito nakatira ang mag-anak
ni Aling Goring at Mang Paeng.Mayroon silang dalawang anak sina Mari at Virgie. Isang araw
nagkasakit ng malubha si Mang Paeng naninilaw ang kanyang balat pati na ang mga mata, kung kaya
siya ang komunsulta sa doktor. At sinabi ng doktor na si mang Paeng ay may Hepatitis A. Sinabi nito
na ang sakit na iyon ay nakukuha sa maruming pagkain at tubig. Nagbilin din ang doktor na ibubukod
ang mga gamit niya sa pagkain at hindi rin siya maaaring lumapit sa kanyang mga anak sapagkat ang
sakit na Hepaptitis A ay lubhang nakakahawa. Nalungkot ang pamilya ni Mang Paeng sa balitang
iyon pero hindi na sila nagtaka dahil ang lugar na tinitirahan nila ay ubod ng dumi, maraming
basurang nakakalat sa daan at maging ang ilog na malapit sa kanila ay ginawa ng tapunan ng basura
ng mga tao doon. Kung kaya iminungkahi ni Mari sa kanyang ina na si Aling Goring na kausapin ang
kanilang mga kabarangay na maglinis ng kapaligiran at wag ng magtapon ng basura sa ilog, upang
mapigilan at masugpo ang pagkalat ng sakit sa kanilang barangay dahil kung hindi ito mahihinto
maaaring lahat sila ay magkasakit ng Hepatitis. Sa kanilang pagpupulong sa barangay pumayag ang
kanilang mga kapitbahay na sama-sama silang maglinis ng kanilang paligid. At dahil doon naging
malinis na ang kapaligiran ng barangay Maligaya. Gumaling na rin sa sakit si Mang Paeng at wala ng
nagkakasakit sa mga taong nakatira doon. Salamat at natuto silang maging malinis sakanilang
kapaligiran.

Mga tanong:
1. Sino ang nagkasakit sa pamilya ni Aling Goring?
2. Ano ang naging sakit ni Mang Paeng?
3. Ayon sa doktor, paano niya nakuha ang sakit na Hepatitis A?
4. Ano-ano ang mga sintomas ng hepatitis A ang nakita ng doktor kay mang Paeng?
5. Paano nasugpo ang pagkalat ng nakakahawang sakit na Hepatitis sa Barangay Maligaya?
Gumawa ng isang talaan.
Upang matulungan kayong makaiwas o masugpo ang mga kumakalat na nakakahawang
sakit nasa ibaba ang talaan.Basahin itong mabuti at isaisip lagi at gawing personal na gawi mo
araw-araw.

TALAAN NG PARAAN NG PAGSUGPO NG NAKAKAHAWANG SAKIT:


1. Wastong paghuhugas ng kamay.
2. Wastong Pagbahing o pag-ubo (nakatakip ang ilong at bibig).
3. Pagbibigay alam o pagsasabi sa magulang, guro, o nars ukol sa masamang nararamdaman.
4. Pananatili sa loob ng bahay habang may sakit.
5. Pagkain ng balanse at masusustansiyang mga pagkain tulad ng prutas at gulay.
6. Ugaliing maging malinis sa kapaligiran. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan.
7. Maging malinis sa sarili, maligo araw araw at magbihis ng malinis na damit.
8. Pagkonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng anumang uri ng sakit.

Ilapat Natin:
Pagsugpo ng Nakakahawang Sakit.
Kagamitan: cartolinang dilaw 1/3 lengthwise (nakatupi gaya ng accordion),
bond paper (1/2 crosswise), marker, lapis at Crayola.
Pamamaraan:
1. Basahin ang talaan ng mga paraan ng pagsugpo ng nakakahawang sakit.
2. Pumili ng isang paraan ng pagsugpo ng nakakahawang sakit (mula sa talaan)
Isulat sa bondpaper ang napiling paraan ng pagsugpo sa sakit at ipaliwanag mo kung bakit
kailangang isagawa ang iyong napili.
3. Idrowing amg paraan ng pagsugpo ng sakit.
4. Idikit ang bondpaper sa bawat pohas / pahina ng accordion [yellowcartolina]
Halimbawa: Pagkain ng balanseng pagkain

Suriin Natin:
Masdan ang mga larawang nasa itaas. Ano –ano ang napansin mo sa mga larawan? Sa iyong palagay,
alin sa dalawang grupo ang madaling dapuan ng sakit? Bakit?

Tayain Natin:

Isulat sa patlang ang impormasyong hinihingi.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.


Ang pagkalat ng (1)_____________ sakit sa barangay Maligaya ay

nagbigay pangamba sa mga tao sa barangay. Ang (2)____________ ay isang

nakakahawang sakit sanhi ng (3)_____________. Nakahahawa at kumakalat ang

sakit na ito sa pamamagitan ng (4)____________________ at

(5)________________. Karaniwang sintomas nito ay: (6)_________________,

(7)__________________, (8)_________________ . Ang sumusunod ay mabisang

paraan upang ito ay maiwasan: (9)________________ (10)________________

Nakakahawang Maruming Laging maghugas ng


Nagsusuka
sakit tubig kamay

Tiyaking malinis Hepatitis A Paninilaw ng balat Tao


ang pagkain

Maruming
masaya Paninilaw ng mata virus
pagkain

Likhain Natin:
Gumawa ng isang islogan na may temang: Mga Paraan Upang Makaiwas sa
Nakakahawang Sakit.

You might also like