You are on page 1of 16

Likhang Melody

Modyul sa Musika 4
Ikalawang Markahan/Ikapitong Linggo

BETCHY A. ACLIS
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon. Sangay ng mga Paaralan ng Benguet


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Curriculum Implementation Division–
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2020

Seksiyon 9 Batas Pambansa Bilang 49:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.

Ang materyal na ito ay ginawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum


ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Curriculum Implementation
Division (CID) at Learning Resource Management and Development System
(LRMDS). Alinmang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung para sa pag-
aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular ang Learning Resource Management Section, Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng Benguet para sa implemetasyon ng K-to-12 Kurikulum.
Ito ay dinesenyo at binuo para sa mga mag-aaral ng MAPEH- Musika 4
para sa mas malinaw at masusing pagtuturo ng kompetensi. Ginawa ito upang
matugunan ang pangangailangan sa karagdagang kagamitan ng pampagtuturo
sa Musika at magamit ng mag-aaral sa pamatnubay ng mga magulang o
nakatatandang kapatid.
Ang kagamitang panturo na ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon,
CID, Schools Division of Benguet, Cordillera Administrative Region. Hangarin nito
na mas mapataas pa ang pagganap ng mga mag-aaral sa MAPEH- Musika 4.

Petsa ng Paggawa: Hulyo 2020


Lokasyon ng Materyal: Pansangay na Dibisyon ng Benguet
Distrito ng Tuba
Asignatura: MAPEH –Musika
Baitang: Ikaapat na Baitang (4)

Lenggwahe: Filipino

Markahan/Linggo: Ikalawang Markahan/Ikapitong Linggo

Competency Code: Nakagagawa ng sariling likhang melody (MU4ME-IIg-7)

iii
PASASALAMAT

Nais ipaabot ng sumulat ng modyul na ito ang kanyang taos-pusong


pasasalamat sa lahat ng taong tumulong at naging inspirasyon upang matapos
ang kagamitang pampagtuturo na ito.

Sa mga mababait na tauhan ng Dibisyong LRMDS na sina Melvin L.


Alfredo, Librarian II, Antionette D. Sacyang, Project Development Officer, Sonia
Dupagan, EdD, Education Program Supervisor-Learning Resource.

Sa kanyang mga kapwa guro, mga magulang at mga mag-aaral kung saan
ito ay kanyang inihahandog.

Sa kanyang pamilya, asawa at mga anak na kanyang inspirasyon.

Higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal, sa patuloy niyang gabay,


pagbibigay ng lakas ng katawan at karunungan upang matapos ang modyul na
ito.

BETCHY A. ACLIS
Tagapaglinang

DIVISION LRMDS STAFF:

MELVIN L. ALFREDO ANTIONETTE D. SACYANG


Librarian II Project Development Officer II

CONSULTANTS:

WARDEN BALTAZAR SONIA DUPAGAN, EdD


EPS-MAPEH MAPEH-LRMDS

RIZALYN A. GUZNIAN, EdD


CID Chief

NESTOR L. BOLAYO
Assistant Schools Division Superintendent

BENILDA M. DAYTACA, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at inihanda para sa pagpapatuloy ng


pag-aaral sa kabila ng sinasabing “bagong normal na panahon” dulot ng covid-19
pandemic. Ang mga gawaing naisulat ang lilinang sa iyong kakayahang lumikha
ng sariling simpleng melody na nagbubuhat sa iyong isip at damdamin. Napapa-
loob sa modyul na ito ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto.
Bilang isang responsableng mag-aaral ay pinaaalalahanan ka na gawin ang
mga sumusunod para mapanatiling maayos ang modyul na ito na sasagutin din
ng susunod na mag-aaral at siguraduhing matutuhan mo ang aralin na ito.

a. Bawal sulatan, punitin, at sirain ang modyul dahil ito ay pagmamay-ari ng


paaralan.
b. Ang kasagutan sa lahat ng mga gawain ay isusulat sa sagutang papel.
c. Makinig sa sinumang magtuturo sa iyo tulad ng iyong magulang, kapatid, tito,
lolo o lola maging ang iyong kasambahay kapag tinuturuan ka nila.
d. Basahin, unawain, at intindihin ang panuto sa bawat gawain.

Ang mga sumusunod ay kasanayang pag-aaralan at isasaulo mo para


sa iyong pagkatuto:

1. Nakalilikha ng sariling tono o melody.


2. Nakaaawit nang may wastong tono ng likhang melody.
3. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa musika.
Subukin

Awitin ang mga so-fa syllable sa wastong tono.

Balikan

Pag-aralan ang sumusunod na staff. Tukuyin ang mga interval at isulat ang
sagot sa patlang.

2
Tuklasin

Basahin ang sumusunod na maikling tula. Isagawa ang hinihinging gawain sa


ibaba.
Umawit at sumayaw
Ikembot ang ‘yong beywang
Ang kamay ay ikampay
Umikot, sabay sabay

Ipalakpak ang rhythmic pattern ng tula.


I-chant ang bawat linya ng tula. Gawin ito nang ilang beses.
Maaaring lagyan ng himig ang tula ayon sa sukat nito.

Suriin

Isa sa mga masining na pagpapahayag ng damdamin ang pag-awit. Ang


awit ay binubuo ng mga tono na may kani-kaniyang daloy at agwat ng note na tina-
tawag na melody.

Ang melody ay binubuo ng iba’t ibang tono na may takdang tagal. Isang
paraan ng pagbuo ng isang simpleng melody ay ang paglikha muna ng lyrics sa
anyo ng isang tula at lalapatan ng tunog o melody.

3
Sa tulong ng iyong magulang/tagapagdaloy, pakinggan mo sa kanila
ang tono ng awit na ito.

Pagyamanin

Gawain 1

Pag-aralan ang awit sa itaas. Tapikin ang rhythmic pattern ng awit.


I-chant ang lyrics ng awit ayon sa rhythmic pattern nito.

4
Pagtatasa 1

Lagyan ng tsek (/) ang kolum na katumbas ng naabot mong antas para sa bawat
kasanayan.

Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong


Mahusay
1. Naitatapik nang wasto
ang rhythmic pattern ng
awit.
2. Naichachant ang lyrics ng
awit ayon sa rhythmic pat-
tern nito.
3. Naaawit nang wasto ang
buong awit.

Gawain 2

Lapatan ng tono ang rhythmic pattern. Gamitin ang sumusunod na mga nota: do,
re, mi, fa, so, la, ti, do

5
Pagtatasa 2

Lagyan ng tsek (/) ang tamang kolum.

Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong


Mahusay
1. Nakabubuo ng kompo-
sisyon na may wastong
tono.
2. Naaawit ang nabuong
komposisyon
3. Nakaaawit nang may
damdamin.

Gawain 3

Sa loob ng tatlong minuto, iparinig ang nalikhang tono o melody sa buong


kapamilya nang may damdamin.

Gumamit ng mga instrumentong pangmusika upang lalo itong maging kasiya-siya.

Pagtatasa 3

Sukatin ang sarili ayon sa isinagawang gawain.


Pamantayan Di-gaanong Magaling Napakagaling
Magaling 2 3
1
1. Nakasusunod sa alituntunin
sa paglikha ng melody.

2. Nakapagbabahagi ng kaala-
man sa musika sa pamamagi-
tan ng pag-awit.
3. Nakaaawit nang may
wastong tono ng likhang melo-
dy.
4. Nakapagpapakita ng
pagpapahalaga sa musika.
5. Nakikiisa sa magulang/
tagapagdaloy sa pagsagawa ng
gawain at pagtatanghal.

6
Isaisip

Ang natutunan ko sa modyul na ito ay __________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________.

Isagawa

Sagutin:
1. Ano ang kahalagahan ng paglikha ng isang melody?
2. Ano ang naramdaman mo nang ikaw ay nakalikha ng isang musika?
Bakit?

7
Tayahin

Sukatin ang sarili ayon sa pag-aawit sa ginawang simpleng melody.

Pamantayan Di-gaanong Magaling Napakagaling


Magaling 2 3
1
1. Nakasusunod sa ali-
tuntunin kung paano ang
paglikha ng melody.

2. Nakapagbabahagi ng
kaalaman sa musika sa pa-
mamagitan ng pag-awit.

3. Nakaaawit nang may


wastong tono ng likhang
melody.

4. Nakapagpapakita ng
pagpapahalaga sa musika.

8
Karagdagang Gawain

A. Sumulat ng dalawang saknong ng tula.


B. Lagyan ng melody.
C. Irekord ang nagawang awit.

9
10
SubukIin
Gumuhit ng bituin sa nakalaang kahon.
Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-
gaanong
Mahusay
1. Naaawit ang mga so-fa
syllable sa wastong tono.
2. Nakaaawit nang may
kasiyahan
BalIkan
Fourth Fourth Second Second Sixth
Tuklasin
Lagyan ng tsek (/) ang kahon na katumbas na naabot
mong antas para sa bawat kasanayan.
Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-
gaanong
mahusay
1. Nabibigkas ng maayos ang
tula.
2. Naipapalakpak ang rhyth-
mic pattern ng tula.
3. Naichachant ng maayos
ang bawat linya ng tula.
Pagyamanin
Pagtatasa 1
Lagyan ng tsek (/) ang kahon na katumbas ng naabot
mong antas para sa bawat kasanayan.
Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong
Mahusay
1. Naitatapik nang wasto
ang rhythmic pattern ng
awit.
2. Naichachant ang lyrics ng
awit ayon sa rhythmic pat-
tern nito.
3. Naaawit nang wasto ang
buong awit.
SUSI SA PAGWAWASTO
11
PAGTATASA 2
Lagyan ng tsek (/) ang tamang kahon.
Pamantayan Napakagaling Magaling Di-gaanong
3 2 Magaling
1
1. Nakasusunod sa alituntunin kung
paano ang paglikha ng melody.
2. Nakapagbabahagi ng kaalaman sa
musika sa pamamagitan ng pag-awit.
3. Naiaawit nang may wastong tono
ng likhang melody.
4. Nakapagpapakita ng pagpapahala-
ga sa musika.
PAGTATASA 3
Sukatin ang sarili ayon sa ginawang pangkatang gawain.
Pamantayan Napakagaling Magaling Di-gaanong
3 2 Magaling
1
1. Nakasusunod sa alituntunin kung
paano ang paglikha ng melody.
2. Nakapagbabahagi ng kaalaman sa
musika sa pamamagitan ng pag-awit.
3. Naiaawit nang may wastong tono ng
likhang melody.
4. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa
musika.
5. Nakiki-isa sa pangkatang gawain at
pagtatanghal.
TAYAHIN
Sukatin ang sarili ayon sa ginawang simpleng melody.
Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong
Mahusay
1. Nakabubuo ng komposisyon na
may wastong tono.
2. Naaawit ang nabuong komposisy-
on
3. Nakaaawit nang may damdamin.
Sanggunian

Digo, Enguero et. Al (2015) Musika at Sining 4 Patnubay ng Guro, pp. 76-79

Digo, Enguero et. Al (2015) Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral


pp. 61-63

Free Melody and Music Images


https: pixabay.com>images>search

K to 12 Grade 4 learner’s Material in Music (Quarter 1—Quarter 4)


https://www.slideshare.net>lhoralight

DepEdCARLR#:841-13-21MELCS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd- Schools Division of Benguet


Curriculum Implementation Division
Wangal, La Trinidad, Benguet

Telefax: (074) 422-6570; (074)422-7501

E-mail Address: benguet@deped.gov.ph

12

You might also like