You are on page 1of 13

Department of Education

3 National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Music, Art, Physical Education, and Health

MUSIC
Unang Markahan – Modyul 3:
Ostinato

Manunulat: Jennifer C. Millena


Zarah B. Nisay
Balideytor: Jovita Consorcia F. Mani
Illustreytor: Mark P. Aruta

City of Good Character 0


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat para sa inyo. Layunin nito ay matulungan
kayong matutunan ang tungkol sa ostinato. Ang nilalaman o kasanayan
ng aralin ay magagamit natin sa pang-araw –araw nating gawain .
Maaaring sa paglalaro, sa pag-awit, sa parerelaks o sa iba pang
pagtatanghal kasama ang ating mga mahal sa buhay na kasama sa bahay.
Inayos ang araling ito sa simpleng pamamaraan upang madaling ninyong
matutunan.

Modyul 3– Ostinato
Learning Competencies and Objectives
1. Recalls the different notes in music and its value
2. Differentiates between notes with sound and silence
3. Identifies the note head value of notes and rests
4. Plays simple ostinato patterns (continually repeated musical phrase
or rhythm) with classroom instruments and other sound sources;
MU3RH-Id-h-6 (Week 5-6)

Subukin

A. Basahin ang tanong. Piliin at isulat sa patlang ang tamang sagot.


____1. Alin sa sumusunod ang katumbas na nota ng larawang ito?

A. C.

B.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
____2. Ano ang pangkatan ng hulwarang ritmo nito?

A. metrong dalawahan (2’s)


B. metrong tatluhan (3’s)
C. metrong apatan (4’s)

____3. Ano ang bilang ng kumpas ng hating nota ?


A. kalahati B. isa C. dalawa

____4. Alin sa sumusunod na sagisag na may katumbas na halaga


(value) ng isang kapat na nota?
A. buong nota C. hating nota
B. isang pares ng kawalong nota

____5. Alin sa sumusunod ang katumbas na stick notation ng


larawang ito?

A.

B.
C.

Balikan

1. Pagsasanay: Ipalakpak ang mga sumusunod na hulwarang ritmo.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Balik-Aral:
a. Basahin ang tulang “Ang Aking Tuta”
b. Tapikin ang hita sa pagsasagawa ng ritmo ng tula.
c. Basahin ang tula kasabay ang pagtapik sa hita ng ritmo.

Tuklasin

Kumpletuhin ang pattern. Iguhit sa patlang ang tamang hugis na susunod.

Alam mo ba, ang iba’t ibang hugis ay ginagamit na disenyo sa damit? Kapag
isinaayos ito na paulit-ulit na kombinasyon, ito ay magandang tingnan.
Pagmasdan ang halimbawang mga disenyo.

Kaakit-akit hindi ba?


City of Good Character 3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa musika, ang ritmo ay inaayos din sa simpleng pangkatan na dalawahan,
tatluhan at apatan na bilang. Sa pagsasaayos ng mga nota at pahinga ay
makakabuo ng hulwarang ritmo na magandang pakinggan.
Ano kaya ang tawag sa music pattern na ito?
Halina at ating alamin!

Suriin
Pag-aralan ang hulwarang ritmo sa ibaba. Ipalakpak ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga nota at pahinga. Ipakita sa magulang o sa
nakatatandang kasama sa bahay kung tama ang ginagawa.

Napansin mo ba ang paulit-ulit na hulwarang ritmo?

Aralin 1 Ostinato
Ang ostinato ay paulit-ulit na hulwarang ritmo na ginagamit na pansaliw
sa awit. Maari itong tugtugin gamit ang instrumentong panritmo at iba
pang maaring panggalingan ng mga tunog.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukan natin isagawa ang ostinato pattern sa pamamagitan ng
pagpalakpak.

Awitin ang “Bahay Kubo” kasabay ang pagpalakpak ng ostinato pattern.


Gamitin ang piyesa bilang gabay.

Naisagawa mo ba ang ostinato pattern habang kumakanta?


Kung hindi, ulitin sa simula pero gawin sa katamtamang bilis para
maitugma at maisabay nang tama ang pagpalakpak at pagkanta.
Pagkatapos ng gawain, sagutan ang pamantayan ng pagkatuto.
Lagyan ng tsek (√) ang angkop na kahon.
Kasanayan Nangunguna May May sapat na Nagsisimula pa
Kasanayan kasanayan lamang
Naipakikita ang
steady beat sa
pagpalakpak ng
ostinato
Naisagawang
sabay na
pagpalakpak ng

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ostinato pattern at
pagkanta
Naisasagawa ang
rhythmic patterns
bilang ritmong
pansaliw sa awit
Naisagawa ito
nang mag-isa

Ano ang pakiramdam mo habang ipinapalakpak ang ostinato na


pansaliw sa kanta?
Nadama mo ba ang dagdag sigla habang inaawit ito?

Pagyamanin
Gawain A: Isulat ang karampatang nota at pahinga kaugnay sa larawang
rhythmic ostinato .

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain B: Iguhit ang hugis bilog kung ang kombinasyon ng mga nota
at pahinga ay isang hulwarang ritmo. Iguhit ang hugis tatsulok kung
ito ay isang hulwarang ostinato. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Isaisip

Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit na pansaliw


sa awit. Maari itong tugtugin gamit ang instrumentong panritmo at iba
pang maaring panggalingan ng mga tunog.

Isagawa
Isagawa ang mga ostinato patterns sa pamamagitan ng pagpalakpak at
pagpapatunog ng instrumento habang inaawit ang “Mga Alaga Kong
Hayop”.
Maaaring pakinggan ang kanta sa Youtube link:
https://www.youtube.com/watch?v=v7ZpfvtMCpU

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ipakita sa magulang o sa nakatatandang kasama sa bahay kung tama ang
ginagawa.
A. Ipalakpak ang ostinato pattern.

May alaga ka bang hayop sa bahay? Ano ang pangalan nito? Ang
pangalan ng aking alaga ay ______________.
B. Gamit ang isang pares ng kutsara, tugtugin ang ostinato pattern habang
inaawit ang mga sumusunod na berso ng awiting “Mga Alaga Kong
Hayop”
1. Tumakbo, tumakbo ang pusa ,ang pusa ,ang pusa
Tumakbo, tumakbo, ang pusa sa loob ng bahay

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Tumalon, tumalon ang aso, ang aso, ang aso
Tumalon, tumalon ang aso, sa malaking bakod

Tayahin
A. Itugma ang ostinato pattern ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Isulat ang tamang pangkatang bilang ng mga ostinato patterns.

Karagdagang Gawain

Para mapahusay ang pagkanta kasabay ang tugtog ng panritmong


instrumento, subukan awitin ang “Leron Leron Sinta” habang
pinapalakpak ang rhythmic ostinato.
Rhythmic Ostinato:

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi sa Pagwawasto

Tayahi

Pagyamani

Sanggunian
Mga Libro

K-12 MAPEH 3. Learner’s Material. Department of Education. Republic of the Philippines.

Mga Larawan

● https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Vector-image-of-Maracas/3860.html
● https://freesvg.org/vector-image-of-simple-drum
● https://www.google.com/search?hl=en-
US&q=ostinato+worksheet+for+grade+3&sa=X&ved=2ahUKEwjdvOu4w_HpAhXKdd4KHTdxCgUQ1QIo
AnoECAsQAw&biw=1024&bih=527
● Mga guhit na “kamay” sa gabay kilos ni Zarina Carcasan
● http://getdrawings.com/drum-coloring-page

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jennifer C. Millena


Zarah B. Nisay
Tagaguhit: Mark Aruta
Balideytor: Jovita Consorcia F. Mani
Tagalapat: Maria Isabel G. Tutor
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jovita Consorcia F. Mani


Superbisor sa MAPEH

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like