You are on page 1of 5

MAPEH 3 (MUSIC) QUARTER 3 – WEEK 2

Pangalan: ____________________________________________
IBA’T IBANG TIMBRE NG TINIG
Sa araling ito, makalilikha ka ng iba’t ibang uri ng tinig, gamit ang tono ng ulo o head tone, wastong paghinga, at
paggamit ng diaphragm. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang tunog ng tinig ayon sa edad, kasarian, o laki ng
katawan. Ito ang dahilan kung bakit nakikilala natin ang mga tao sa paligid sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa
kanilang tinig. Mayroong boses na makapal, manipis, buo, at paos. Ang tawag sa kalidad ng tinig ng isang tao o
instrumento ay timbre. Mas mataas ang tono ng tinig ng mga bata kaysa sa tinig ng mga matatanda. Tandaan na tulad
ng mga instrumento, mas mataas ang tono ng mas maliit na bagay, at mas mababa naman ang tono ng mas malaking
bagay.

Ang mga babae ay may mas mataas at matinis na boses kung ihahambing sa mga lalaki na may mas mababang boses.
Kaya rin nating baguhin ang timbre ng ating sariling tinig, sa pamamagitan ng pagbabago ng posisyon ng mga bahagi
ng bibig at iba pang panloob na bahagi ng katawan.
Sa pamamagitan ng pagbabago ng posisyon ng dila, ngipin, ngala-
ngala, at labi, ay nakabibigkas tayo ng iba’t-ibang titik at nakalilikha
ng iba’t-ibang uri ng tunog mula sa bibig.

Gawain sa Pagkatuto: Subukan ang iba’t ibang timbre ng boses, sa


pagbigkas o pag-awit ng pantig na “La”. Sundan ang mga hakbang sa
ibaba. (IPASA ANG VIDEO SA BAWAT GROUP CHAT)

A. Paggamit ng head tone – Ito ay ginagamit upang makaawit ng matataas na tono. Kumanta ng pinakamataas na
tonong kaya mo gamit ang pantig na “La”. Itaas ang noo at kilay upang bumuka nang husto ang ngala-ngala at maabot
ang matataas na nota. Damahin ang taginting sa gitna ng iyong ulo.

B. Wastong paghinga – Ito ay ginagamit upang makaawit ng mahahabang tono, at huminga sa tamang panahon.
Huminga nang malalim sa abot ng iyong makakaya. Punuin ng hangin ang baga at awitin ang pantig na “Laaa” sa
pinakamababang paraang kaya mo. Hindi ito kailangang mataas o malakas, ngunit kailangan ay matagal.

C. Paggamit ng diaphragm – Ito ay ginagamit upang makaawit ng mga malalakas na tunog o tinig na may puwersa.
Tumayo nang tuwid at komportable, at hawakan ng tatlong daliri ang sikmura. Humikab at itulak papaloob ang iyong
sikmura kasabay ng biglang pagsigaw ng “Lah!”

MAPEH 3 (ARTS) QUARTER 3 – WEEK 2


Pangalan: ___________________________________________
MGA KAGAMITAN AT DISENYO NG IMPRENTA
Sa araling ito, maipaliliwanag mo ang halaga at pagkakaiba-iba ng mga kagamitan sa imprenta, gayundin ang
kahulugan ng mga disensyo nito.
Mahalaga ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng isang likhang-sining. Tayo ay nakalilikha lamang ng
isang bagay mula rin sa mga bagay na mayroon tayo. Kinakailangang sundin ang wastong hakbang sa paggawa ng
sining upang hindi masayang ang mga kagamitang nakalap.

Maraming disenyo ang maaaring likhain sa sining ng imprenta. Sa pamamagitan ng iba’t ibang linya o hugis
ay makabubuo ka ng samu’t saring disenyong naisin mo. Halimbawa, ang mga marka ng iyong daliri ay maaaring
makabuo ng bakas ng paa ng tuta. Ang tatak ng iyong hinlalaki sa papel ay magmumukhang palad ng tuta, at ang
tatlong tatak ng iyong hinliliit sa ibabaw ng tatak ng hinlalaki ay magmimistulang mga daliri ng tuta. Tingnan ang
sumusunod na proseso nito.

Gawain sa Pagkatuto: Basahin at unawain ang mga mga simbolismo sa ibaba. Gumuhit ng simpleng logo
para sa bawat isa. Gawin ito sa bondpaper.
1. Simbolo ng umaga
2. Simbolo ng gabi
3. Simbolo ng katanungan
4. Simbolo ng deretsong direksiyon
5. Simbolo ng Tubig
6. Simbolo ng Apoy
7. Simbolo ng Koryente
8. Simbolo ng Kapayapaan
MAPEH 3 (P.E) QUARTER 3 – WEEK 2
Pangalan: ___________________________________________
LOKASYON, DIREKSIYON, ANTAS, DAAN, AT ESPASYO
Ang lokasyon, puwesto, o isang lugar ay hindi lang nailalarawan kundi napupuntahan din. Sa pagpunta sa
isang lugar ay ginagamitan natin ng tinatawag na direksiyon. Ang direksiyon ay ang punto ng paggalaw papunta sa
isang eksaktong lugar. Maaari itong ilarawan sa pamamagitan ng pasulong, paatras, pakanan, o pakaliwa.

Pasulong. Ito ay ginagamit upang mailarawan ang pagkilos ng isang tao, bagay, o hayop papunta sa kaniyang
harapan. Halimbawa ay ang pagtakbo ng kabataan papunta sa kung saan sila nakaharap.

Paatras. Ito ay ginagamit upang mailarawan ang isang kilos ng isang tao, hayop, o bagay papunta sa kaniyang
likuran sa pamamagitan ng paghakbang patalikod o pag-atras. Halimbawa ay ang paggawa ng backpedal sa pagtakbo,
o ang pag-atras ng isang kotse.

Pakanan. Ang paglalarawan na ito ay ginagamit sa pagkilos ng isang tao, hayop, o bagay papunta sa kanilang
kanan. Halimbawa ay ang paglalakad pakanan o pagmamartsa ng mga pulis sa kanilang kanan.

Pakaliwa. Ito ay ginagamit sa paglalarawan ng isang kilos ng tao, hayop, o bagay papunta sa kanilang kaliwa.
Halimbawa ay ang pagsasayaw ng Zumba ng matatanda papunta sa kanilang kaliwa.

Sa pagpunta sa isang lugar, maliban sa lokasyon at direksiyon ay may tinatawag tayo na daanan. Ang daanan
ay isa ding punto ng pagkilos o paggalaw papunta sa isang lugar. Maaari
itong pasulong o paatras pero sa ibang paraan. Ito ay nailalarawan sa
pamamagitan ng diretso, pakurba o paliko-liko, o zigzag.

Diretso. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar sa tuwid at


diretsong daanan. Walang paliko o pakurbang daan.

Pakurba. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar na may mga


pakurba o puro kurbadong daan. Paliko-liko o

Zigzag. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar na may mga paliko-


liko o biglang mga liko na daanan.

Ang espasyo o planes ay halos katulad din ng daanan. Maaari itong maikategorya sa pamamagitan ng
pahalang o patag, diyagonal, o patayo na espasyo o plane.

Ang pahalang o patag na espasyo o plane ay may pantay na nibel ng daanan.

Ang diyagonal na espasyo o plane naman ay may unti-unting pagtaas ng daanan. Maaaring nakahilig o
patikwas ang uri ng daanan.

Isa pang halimbawa ay ang patayo na espasyo o plane. Ito ay patindig o tuwid na pataas na daanan.

Ang iba-ibang hati, lebel ng espasyo ay tinatawag na antas. Ito ay nahahati sa tatlong uri. Ang mababang
antas o nibel, midyum o katamtamang antas o nibel, at mataas na antas o nibel.
Ang mataas na antas o nibel ay ang mga pagkilos na naisasagawa nang nakatayo o nakaunat ang ating
katawan sa normal nitong itsura patayo. Ito ay ang mga kilos na isinasagawa kapantay ng espasyo sa itaas na parte ng
ating katawan. Halimbawa ng kilos ay ang pagtayo.

Ang midyum o katamtamang antas o nibel ay ang mga pagkilos na isinasagawa sa espasyo na kanibel ng
nasa gitnang parte ng ating katawan. Halimbawa ng mga kilos na ito ay ang pagluhod o pag-upo.

Ang mababang antas o nibel ang huli. Ito ang mga pagkilos na isinasagawa sa bandang ibaba ng espasyo o
ibabang nibel ng ating katawan. Halimbawa nito ay ang mga kilos na isinasagawa habang nakahiga sa sahig o sa isang
patag na espasyo tulad ng paghiga.

Gawain sa Pagkatuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik T kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng tama o wastong pahayag. Isulat naman ang titik M kung ang pahayag ay mali o hindi
tama.

____ 1. Ang daanan na paunti-unting pataas o nakahilig ay isang halimbawa ng diyagonal na espasyo.

____ 2. Ang midyum o katamtamang antas ay ang mga kilos na isinasagawa sa espasyong nasa parteng ibaba
ng ating katawan tulad ng paghiga.

____ 3. Ang pakurba na daan ay isang tuwid na paggalaw o walang liko na daan.

____ 4. Kung ang tinutukoy ay sa kanan ng isang tao, hayop, bagay, o lugar ay makikita natin ito sa kaliwang
parte ng isa pang tao, hayop, bagay, o lugar.

____ 5. Paatras ang ginagamit sa paglalarawan ng kilos na papunta sa kaniyang likuran sa pamamagitan ng
paghakbang o pag-andar patalikod.

MAPEH 3 (HEALTH) QUARTER 3 – WEEK 2


Pangalan: ___________________________________________
ANG MAMIMILI
Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Pamimili

1. Presyo. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang produkto o serbisyo. Sinisigurado ng mga mamimili na ang
produkto ay pasok sa kanilang bulsa.

2. Anunsyo. Ang paggamit ng kilalang artista o makatawag pansin na anunsyo ay humihikayat sa mga
mamimili na bilhin ang produkto.

3. Kalidad ng Produkto. Ito ay pagtingin sa tibay o ganda ng klase ng produkto o serbisyong binebenta.
4. Panggagaya o “Uso”. Ito ay ang paggaya sa ginagamit ng mga kilalang tao , mga kaibigan, kapamilya o
kapitbahay.

5. Panahon. Ang pagbabago ng panahon ay maaring makaapekto sa produktong kinokonsumo. Halimbawa ,


tuwing tag-init, mas pinipili nating bumili ng malamig na pagkain tulad ng halo-halo at ice cream samantalang, mas
bumibili tayo ng mainit na pagkain tulad ng sopas tuwing tag-ulan.

6. Kita. Ang kita ay tumutukoy sa halagang natatanggap ng isang tao kapalit ng serbisyo na kanyang
ginagawa. Naaayon sa laki ng kita ng pamilya ang produkto o serbisyong kanyang binibili.

You might also like