You are on page 1of 4

Detailed Lesson Plan in Filipino III

Date: Feb. 17, 2023


Time: 7:00-8:30 am
I.Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nababasa ang usapan, tula , talata ,kwento nang may tamang bilis , diin at tono,
antala at ekspreyon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma .
Nagagamit ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat sa
pagbibigay kahulugan sa isang salita. F3KP-III-c-9

II. NilalamanPaksa:
Salitang Magkakatugma
Sanggunian: TG ph.172-175, LM ph.94-95
Kagamitan: tsart , (tula)
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kapaligiran
Integrasyon:

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro  Gawain ng Bata.
 
Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang araw mga bata!  Magandang hapon po Bb. Moran
B. Panlinang na Gawain
A. Pagganyak /Pagsisimula ng bagong aralin
Mga bata bago tayo magsimula sa ating
Talakayan ay magbibigay ako ng mga
Panuntunan upang sagayon maging
Tahimik at epektibo ang aking diskusyon.
1. Dapat nakaupo sa wastong upoan.
2. Dapat makinig sa Guro .
3. Bawal makipag-usap sa kaklase hanggat
di pa natatapos ang diskusyon.
4. Bawal magsalita kung walang pahintulot
Kung hindi nagtatanong ang guro.
5. Dapat aktibo ang lahat sa paggawa
ng mga aktibidad ng guro.
Naiintindihan po ba? Opo!

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Mga bata may tula akong ipapakita at
Ipapabasa sa inyu. Bago ang lahat anu ano
ang pamantayan sa pagbabasa ? Unawain ang binasa
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Basahin “Si Linong Pilipino “
Ako si Lino,
Na Isang Pilipino,
Pagiging kayumanggi,
Hindi ko itinatanggi,

Laging ibilin,
Ng aking magulang,
Lahat ay igalang,
Lahat ay mahalin,

Saan man mapunta,


Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at pag-lalahad ng kasanayan blg.1


Ano ang pamagat ng tula ? Si Linong Pilipino
Ano ang laging isinapuso ni
Lino? Ang pagiging Pilipino

Tama!
E. Pagtalakay sa bagong konsepto at pag-lalahad ng kasanayan blg.2
Ano ano ang mga salitang
magkatugma? Lino-Pilipino
Kayumanggi-Itinatanggi
Ibilin- mahalin
Magulang-Igalang

Pano nagiging magkatugma


ang mga salita? Ang mga salita ay
magkatugma kung
magkapareho at
at magkasintunog
ang mga huling pantig
ng mga ito.

F. Paglinang sa Kasanayan/Pangkatang Gawain


Mga bata mayroon tayong
Gawain. Pero bago ang 
lahat ano ano ang pamantayan sa
paggawa ng Gawain? Basahin po ng mabuti
ang panuto .
Magaling!

(Indibidwal na Gawain)
Panuto:Hanapin sa mga ito ang
mga salitang magkatugma.

Bata Kulay Bahay


Buhay Prito Bangus
Langis Lata Lito

Tapos na ba kayo mga bata  Opo


Tingnan natin ang inyung ginawa.

 
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw naBuhay?
Sanayin natin: Bilugan ang letra ng
Salitang katugma ng salita sa bawat
Bilang.

1. Lasa
a.basa b. lakad c. laba
2. Kain
a.Inom b.galing c. hain
3.Ugali
a.taglay b.marami c.Noo
4. Likas
a. totoo b.bigkas c.gamit
5.Bato
a.buto b.bata c.daga

H. Paglalahat ng Aralin
Sa pagtalakay sa ating aralin ay
Mayroon tayong natutunan di ba?  Opo
Ano ang salitang magkatugma ? Ang salitang magkatugma
ay ang pagkakapareho
at pagkakatunog ng
hulihang patinig.

Magaling!

I. Pagtataya
Kumuha tayo ng malinis na papel.
At sagutan ang nasa pisara
Panuto: Lagyan ng tsek( /) kung magkatugma
At ekis (x) kung hindi.

1. Silangan-mayaman
2. Puso-diwa
3. Pilipino-ninuno
4. Pagkupas-paglipas
5. Sarili- kabuhayan

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at remediation


Maglista ng mga salitang magkatugma
Inihanda ni:
LESIEL MORAN

You might also like