You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Occidental Mindoro

CABACAO ELEMENTARY SCHOOL


\Abra de Ilog

Detailed Lesson Plan in Media and Information Literacy


Grade Level: 3
Teaching Date: December 14,2022 QUARTER: Ikalawang Markahan

I. OBJECTIVES
A. Content Standard
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma (F3KP-IIb-d-8).

B. Performance Standard
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin/batayang talasalitaang
pampaningin (F3PY-IIIb-2.2/2.3).

C. Learning Competencies
Pagtukoy sa mga Salitang Magkakatugma/Batayang Talasalitaang Pampaningin

II. CONTENT
PAGTUKOY SA SALITANG MAGKAKATUGMA

III. LEARNING RESOURCES


A. References
1. Gabay ng Guro – pahina 226
2. Kagamitang pangmag-aaral –ikalawang markahan- modyul 1

B. Materials
Mentimeter, Wheels of name, google form, kahoot, power point

IV. PROCEDURES

A. Reviewing of the previous lesson/presenting the new lesson


Bago tayo mag simula sa ating aralin. Nais ko munang tayo ay magbalik-aral. Sasabihin lang natin check
kung ang pangungusap ay nagpapakita ng magagalang na salita at ekis kung hindi.

Ngayon mga bata meron akong Wheels of Name at kung sinong matatapatan ng arrow ay sa ang
masagot. Naiintindihan ba mga bata?

Wheel of Names | Random name picker

1.hoy! Umalis ka!


2. salamat po nanay.
3. hindi po
4.ayokong makipagkaibigan sa iyo
5. magandang umaga po Bb. Cruz
B. Establishing a purpose for the lesson
Ngayon ay mayroon akong inihandang tula na ating babasahin at susuriin.
Maliwanag ba?

Si Linong Pilipino

Ako si lino
Na isang Pilipino
Pagiging kayumanggi
Hindi ko itinatangi

Laging bilin
Ng aking magulang
Lahat ay igalang
Lahat ay mahalin

Saan man mapunta


Sino man ang kasama
Pagiging Pilipino
Laging isapuso

Wheel of Names | Random name picker

Sino ang pangunahing tauhan sa tula?

Tungkol saan ang ating tulang binasa?

Ano ang inyong masasabi sa ating tulang binasa?

Magaling sila ay magkakatunog. Ang mga magkakatunog na salitang itoy tinatawag nating salitang
magkakatugma.

C. Presenting examples/instances of the lesson

Ang salitang magkakatugma ay tumutukoy sa mga salitang magkapareho ang tunog sa huling pantig ng
mga salita. Ang tula ay kadalasang may magkakatugmang salita. Ang magkakatugmang salita ay may
magkakapareho at magkakaibang kahulugan.

Mga Halimbawa:
Daga- nilaga
Aso- baso
Titik- itik
Gulay- suklay
Itlog- bilog

Sa pagbabaybay nang wasto sa batayang talasalitaan mahalagang malaman at maunawaan natin ang
tamang pagbigkas at pagsulat ng Alpabetong Filipino. Ang batayang talasalitaang pampaningin ay mga
salitang makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pagsulat.
D. Discussing new concept and practicing new skills #1
Subukan nating suriin ang mga salitang ginamit sa tulang “ang aking pamilya”, tukuyin ang mga salitang
magkakatugma at ilagay sa word cloud ang makikitang salita na magkakatugma sa tulang binasa.
Naintindihan ba?

“Ang Aking Pamilya”


Ni: Linor B. Majestad

Tunay ngang masaya


Ang aming pamilya
Lahat nagmamahalan
At nagtutulungan.

Puso ni Nanay
Talagang dalisay
Kaagapay si Tatay
Sa gabay at patnubay.

https://www.menti.com/alt4yy7p5jw1

code: 6506 8055

Upang lubos nating maunawaan ang ating tulang binasa halina’t sagutin natin sa google form ang mga
gabay na tanong.

Gabay na tanong
1. Ano ang pinag-uusapan sa tula?
a. Ang Aking Alaga
b. Ang Aking Pamilya
c. Ang Aking Kaibigan
2. Sino ang binanggit sa nabasa mong tula?
a. pamilya
b. kaibigan
c. kapitbahay
3. Kaninong puso ang dalisay?
a. ate
b. kuya
c. nanay
4. Batay sa tula, paano nagiging masaya ang kanilang pamilya?
a. Kung may trabaho si tatay.
b. Kung may bunso sa pamilya.
c. Kung nagmamahalan at nagtutulungan.

https://forms.gle/vMdJbvzGDnFzyTrX6

Mahusay! Talagang inyong naunawaan ang ating tulang binasa

E. Discussing new concept and practicing new skills #2


Ngayon ay hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat, ang bawat pangkat ay bigbigyan ko ng gawain
upang mas mapalawak pa ang inyong kaalaman sa salitang magktatugma at batayang talasalitaang
pampaningin. Maliwanag ba?

(Unang pangkat) Panuto: Gamit ang kahoot suriian at punan sa word cloud ang magkakatugma na salita

1. prutas

2. mahina

3. malusog

4. katawan

5. pandemiya

https://kahoot.it/challenge/08113398?challenge-id=d7dceea9-1fca-4042-819f-d89c228e4504_1671000784620

Game PIN: 08113398


(Ikalawang Pangkat)
Panuto: Ilagay sa word cloud ang sa magkakatugmang salita

1. bahay – buhay
2. manatili – mahirap
3. ngayon – sitwasyon
4. panahon – tahanan
5. lagpasan – maiiwasan

https://www.menti.com/al3cxedhgh9c
code: 8317 8921

Magaling!!!

F. Developing mastery
Ngayon ay babalik naman tayo sa individual na Gawain. Upang mas lalong mahasa ang ating
sarili sa paghanap ng salitang magkatugma

Para sa gawaing ito buksan ang inyong mga telepono at sa isesend kong link e sagutan ang
tamang sagot.

1.alak
2.katha
3.akda
4.laman
5.baga

https://forms.gle/H5WKUbgKSs3Upgmi9

Magagaling! Talagang inyo nang nauunawaan ang ating aralin.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living


Ngayon naman klas ay mayroon akong katanungan sa inyo. Ano ang kahalagahan ng ating
aralin para sa inyo bilang mag-aaral?

Maari nyo bang ilagay sa open ended ang natutunan nyo sa araw na to at paano nyo ito
magagamit sa tunay na buhay

https://www.menti.com/alrs2h3z6s6z
code 2503 9747

Mahusay!

H. Making generalizations and abstractions about the lesson


Tandaan na ang salitang magkakatugma ay magkakatulad ang huling tunog nito.At karaniwang
ginagawang batayan sa pagtutugma ang mga tunog ng huling pantig ng salita. Kalimitang
ginagamit ito sa mga tula awit o mga sulatin upang mas kaaya-ayang pakinggan.

Maliwanag ba?

I. Evaluating learning
Pagtataya ng Aralin
Panuto: Piliin ang tama kung tama ang katugma salita at piliin ang mali kung hindi naman
1. bahay - buhay
2. relo - loko
3. bolo-lobo
4. pino- puno
5.batya-taya

https://kahoot.it/challenge/0911857?challenge-id=d7dceea9-1fca-4042-819f-
d89c228e4504_1671009228963
Game PIN: 0911857
J. Additional activities for application or remediation

(Takdang Aralin)

Bumuo ng dalawang saknong na tula na may mga tugmang salita

V. REMARKS

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

VI. REFLECTION

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangaila ngan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ang aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:
DE JESUS, ASHVENIEL D.
BEED II-B

Checked and noted by:

MA’AM, TERE CAPIRAL

You might also like