You are on page 1of 8

PAARALAN BAITANG/ANTAS II

GURO ASIGNATURA FILIPINO


PETSA/ORAS MARKAHAN IKAAPAT

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
Pangnilalaman karanasan at damdamin.

B. Pamantayang Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at
Pagganap intonasyon.

C. Mga Kasanayan
sa Pagkatuto Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan at paaralan
Isulat ang code ng at pamayanan.
bawat kasanayan F2WG-IIg-h-5

II. NILALAMAN
PAKSA: Pandiwa
III. Laptop, Smart TV
KAGAMITANG
PANTURO
A. SANGGUNIAN
1.Mga pahina sa MELC G2 Q4
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina Sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina Sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan Mula Sa
Portal Ng Learning
Resource
B. Iba Pang Projector, Powerpoint presentation, mga larawan, activity cards, cartolina o manila paper
Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
nakaraang aralin at/ Magandang umaga mga bata. Kumusta kayong lahat? Magandang umaga rin po
o pagsisimula sa Gng. _______________.
bagong aralin

Bago tayo magsimula, tumayo ang lahat para sa panalangin.

Handa na ba kayong matuto? Opo, handa na kami.


Kung gayon, ihanda na ang inyong mga sarili para sa ating aralin
ngayong araw.

Buuin ang mga sumusunod na puzzle:

- Sa unang larawan ay
1. Ano ang mga nabuo ninyong larawan? naghuhugas ng pinggan at
sa pangalawang larawan
naman ay nagbabasa ng
aklat.
- Sa unang larawan,
ginagawa nila ito sa bahay,
2. Saan nila ginagawa ang mga gawaing ito? sa ikalawang larawan
naman ay sa paaralan.

B. Paghahabi sa A. Paghawan ng Balakid


layunin ng aralin
1. Kasambahay
- isang taong nagpapanatili ng kalinisan sa loob ng bahay.
2. Pinagkainan
- Mga plato, baso, kutsara, tinidor na ginamit sa pagkain.

3. Pelikula
- Gumagalaw na larawan bilang anyo ng sining.

B. Pagganyak na tanong

1. Anong pag-uugali ang taglay ng mag-asawa sa kuwento?


2. Anu-anong mga gawain ang itinuro ni Aleng Minda sa kaniyang
mga anak?

C. Pag-uugnay ng Guro: Ngayon ay magbabasa tayo ng isang maikling kuwento. Pero 1. Bigkasin nang malinaw
mga halimbawa sa bago natin ipagpatuloy, ano-ano ang mga pamantayan sa pagbabasa ang mga salita.
layunin ng bagong ng malakas? 2. Bumasa ng
aralin katamtamang bilis.
3. Huminto ng bahagya
Hayaang basahin ng mga bata ang mga Pamantayan sa Pagbasa ng kung may kuwit.
Malakas 4. Tumigil kung may
tuldok.
5. Unawain ang binabasa.

Pagbasa ng Kuwento:

“Masayang Pamilya”

Masaya ang pamilya Reyes. Hinding hindi hinahayaan ng mag- - Magbabasa ang mga
asawa na sina Mang Rudy at Aleng Minda na magkaroon ng away mag-aaral.
maging ang kanilang mga anak. Pinalaki nilang may pagmamahal,
pagrespeto at pag-unawa ang bawat isa. Kahit na sila ay may katulong
sa bahay, hinding-hindi nila inaasa lahat ng gawain dito. Tinuruan ni
Aleng Minda ang mga anak na magligpit ng mga gamit pagkatapos
mag-aral, maghugas ng mga pinag-kainan, magdilig ng halaman at
magwalis ng sahig.

Kahit na may trabaho pareho ang mag-asawa, binibigyan nila ng


oras ang kanilang mga anak. Sabay-sabay silang nagkakantahan at
nagsasaya. Minsan ay nanonood din sila ng pelikulang pambata.
Namamasyal din sila sa parke at nagsisimba tuwing Linggo.
Kapag may hindi naintindihan ang kanilang anak sa takdang-
aralin nito, agad na pinaliliwanagan at tinuturuan ng mag-asawa ang
kanilang mga anak. Nag-uusap din sila tungkol sa mga ginawa nila sa
paaralan maghapon. Masaya ang mag-asawa tuwing sinasabi ng
kanilang mga anak na sila ay nagbasa, nagsulat at nagbilang ng
maayos sa paaralan. Pinupuri nila palagi ang mga anak sa matataas na
grado nito.
Ganito ang pamilya Reyes. Talagang kahanga-hanga ang
ipinapakita nilang pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya.

Pagsagot sa Pagganyak na tanong at sa iba pang tanong tungkol sa


kuwento:
1. Anong pag-uugali ang taglay ng mag-asawa sa kuwento?
2. Anu-anong mga gawain ang itinuro ni Aleng Minda sa kaniyang
mga anak?
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4. Saan naganap ang kuwento?
5. Anong mga ginagawa ng kanilang mga anak sa paaralan na
kanilang ikinatutuwa?
6. Mayroon ka rin bang ganyang klaseng pamilya? Ilahad sa kung - Sasagutin ng mga mag-
anong klase ng pamilya mayroon ka. aaral ang mga katanungan
batay sa kuwento.
Basahin ang mga pariralang galing sa binasang teksto.

magligpit ng mga gamit


maghugas ng mga pinag-kainan
magdilig ng halaman
magwalis ng sahig
nagbasa
nagsulat
nagbilang

1. Ginagawa niyo ba ang mga nabanggit na salita?


2. Ano-ano ang mga gawain sa tahanan na nabanggit sa itaas?
3. Ano-ano pa ang mga gawain sa inyong tahanan na inyong
ginagawa na hindi nabanggit sa teksto?
4. Ano-ano ang mga gawain sa paaralan na nabanggit sa itaas?
5. Ano-ano pa ang mga gawain sa paaralan na inyong ginagawa na
hindi nabanggit sa teksto?

(ipapagawa ng guro sa unahan ang: nagwawalis, nagbabasa,


nagpupunas at nagliligpit)

Ano ang inyong mga ginawa?


Ano ang tawag sa mga ito?

Ang inyong mga ginawa kagaya ng pagwawalis, paglalampaso,


pagpupunas at pagliligpit ay ang mga gawain sa paaralan. Ito ay
Pandiwa.

D. Pagtalakay ng Pandiwa - Makikinig ang mga mag-


bagong konsepto at - bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos, aksiyon o galaw aaral.
paglalahad ng ng isang tao, bagay o hayop. Ang mga salitang pandiwa ang siyang
bagong kasanayan nagbibigay-buhay sa loob ng isang pangungusap.
#1
Halimbawa:
nagdarasal
nagbabasa
naglalaro
kumakain
sumasayaw

Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang may salungguhit na salita sa
pangungusap ay pandiwa at ekis (x) naman kung hindi.

1. Si Ana ay naghuhugas ng pinggan.

1. ✓
2. Iniligpit ni Susan ang mga aklat sa tamang
lalagyan.
2. x

3. ✓

4. ✓

5. x

- Ang mga mag-aaral na


matatawag ng guro ay
pupunta sa unahan at
3. Nagdilig ng halaman si Lina kaninang pipindutin ang kanilang
umaga. sagot gamit ang mouse.
4. Naglinis ang mga mag-aaral pagkatapos ng
klase.
1. Pandiwa
5. Pinunasan ni Ben ang bintana ng kanilang
silid-aralan.

2. Hindi Pandiwa
Tumawag ng mga bata na sasagot. Hayaan silang i-click ang kanilang
sagot sa laptop para malaman kung tama o mali ang kanilang
kasagutan.
3. Pandiwa
Tukuyin ang mga sumusunod na salita kung ito ay Pandiwa o hindi.

1. nagsasampay
4. Hindi Pandiwa

2. takdang-aralin
5. Pandiwa

3. umaawit

4. higaan

5. nagsusulat

E. Pagtalakay ng Pangkatang Gawain


bagong konsepto at Guro: Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain, ngunit Sa pagsasagawa ng
paglalahad ng bago iyan ano-ano ang mga dapat gawin kapag nagkakaroon ng pangkatang gawain
bagong kasanayan pangkatang Gawain? kailangang sundin ang mga
#2 sumusunod:

* Makipagtulungan sa mga
miyembro.
* Maging
magalang sa opinion ng
iyong miyembro.
* Tapusin ang
nakaatang na gawain sa
tamang oras.
* Huwag maingay
* Huwag makipag-
away sa miyembro ng
iyong grupo.
* Huwag mag-
iiwan ng mga kalat
* Huwag
Ang bawat grupo ay bibigyan ng envelope na kung saan ay nandoon hahayaang isa lang ang
ang mga nakaatang na gawain na kailangan nilang gawin. Mayroon gumawa ng inyong gawain
lamang sampung minute para gawin ang pangkatang gawain. * Huwag
pakikialaman ang ibang
grupo.
(Para sa Mabilis na Pangkat)
Pangkat 1: Pangkat Dilaw

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang salitang kilos na ginagawa ng


mga sumusunod at gamitin ito sa pangungusap.

Salitang Kilos Pangungusap


_________________________ - Ang mga mag-aaral ay
magpapangkat pangkat at
gagawa ng nakaatang na
gawain.
_________________________

_________________________

_________________________

_________________________

(Para sa Katamtamang Pangkat)


Pangkat 2: Pangkat Pula

Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos sa pangungusap.

1. Ang aking ina ay nagluluto ng aming tanghalian.


2. Ang aking kaklase ay naglalampaso ng sahig.
3. Nagkukumpuni ng sirang bakod si kuya Rico.

4. Naghuhugas ng pinggan si Daniela.

5. Si Ana ay nagliligpit ng mga libro.

(Para sa Mabagal na Pangkat)


Pangkat 3: Pangkat Bughaw
Panuto: Magpakita ng dula-dulaan sa harap ng klase tungkol sa
paglilinis ng tahanan at paaralan.

F. Paglinang sa Tukuyin ang mga pandiwa sa pangungusap. Isulat ang sagot sa


Kabihasaan patlang.
(Tungo sa Formative
Test) _______1. Nag-eehersisyo si Danilo tuwing umaga.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Sa tingin mo, mahalaga ba ang pag-eehersisyo araw-araw?
Bakit? - Opo, mahalaga ang
kalinisan sa ating katawan
upang walang mikrobyong
dumapo sa atin at malayo
tayo sa anumang sakit.

_______2. Binigyan ako ng mabait kong ninong ng limang daan


noong kaarawan ko.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Kung ikaw ay may limang daan at binili mo ito ng sapatos
na nagkakahalaga ng dalawang daan, ilan nalang lahat ang - Mayroon nalang akong
natira mong pera? Ano ang ginawa mo upang makuha ang tatlong daan. Ibinawas ko
iyong sagot? ang limang daan sa
dalawang daan upang
makuha ang sagot.

______3. Masipag magturo ang aming guro sa Filipino na si Bb. - guro


Gomez.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Sino ang community helper na tinutukoy sa
pangungusap?

______4. Si Aleng Nita ay pupunta ng palengke upang bumili ng - Glow foods


masarap na prutas at gulay.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Saan kabilang ang gulay at prutas sa tatlong pangkat
ng pagkain?

______5. Masayang naglalaro ng tagu-taguan sa parke ang


magkakaibigan na sina Carlo, Jonas at Mario. May lumapit na isang
malaking bata na naghahanap ng away. Tinulak si Carlo ng lalaki. - Ang sitwasyon ay
Dahil ayaw niya ng away, umiwas na lamang si Carlo at umalis nagpapakita ng pag “bully”
kasama ng kaniyang mga kaibigan. kay Carlo ng malaking
Itanong ito matapos sagutin ng bata: lalaki. Hindi ito
- Ano ang ipinapakita sa sitwasyon? Mabuti ba ang magandang gawain.
ginawa ng malaking bata kay Carlo? Bakit/Bakit hindi?

______6. Sa mga gawaing bahay gaya ng paghuhugas ng pinggan, - Ipinapakita ang pantay na
pagwawalis at pag-iigib ng tubig, ay ang mga gawain ng magkapatid kakayahan ng babae at
na sina Rico at Teresa. lalaki.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
- Ano ang ipinapakita sa sitwasyon?

G. Paglalapat ng Mamingwit Tayo! - Gagawin ng mga mag-


aralin sa pang-araw- aaral ang gawain.
araw na buhay Lagyan ng linya ang fishing rod sa A na nasa kaliwang bahagi, sa
mga salitang kilos tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan at sa B
naman kung ang mga salitang kilos ay tungkol sa iba’t ibang gawain
sa paaralan.

A B

nagliligpit ng libro nagsasaing

naglalaba namamalantsa
nagsusulat

bumibilang nagdidilig

nagbabasa

Ano-ano ang mga gawain sa tahanan ang iyong nakuha?


Anu-ano naman ang mga gawain sa paaralan ang iyong nakuha? - Sasagutin ng mga mag-
aaral ang mga katanungan.

Ano ang inyong naramdaman habang naglalaro?


- Masaya po kami sa
ginawang gawain.
Basahin ang diyalogo:

Araw ng Sabado. Masayang naglilinis ang magkakapatid


na sina Jojo, Leah at Emily. Si Jojo ay abala sa pag-aayos ng kanilang
sirang bakod. Si Leah naman ay nagwawalis ng sahig, habang si
Emily ay nagdidilig ng halaman nang biglang dumating ang kanilang
ina galing sa palengke.
Leah: Inay, nandito na po pala kayo.
Aleng Josie: Huwag muna kayong lalapit sa akin mga anak,
maghuhugas muna ako ng aking maduming kamay at magpapalit ng
damit. Mabuti na ang nag-iingat upang hindi tayo dapuan ng Covid
19.
Jojo: Sige po inay, kukunin ko na po muna ang inyong mga dala.
Emily: Inay, may pasalubong ka po ba sa amin?
Aleng Josie: Aba siyempre naman anak, bumili ako ng masasarap na
mga prutas at gulay para maging malusog ang ating katawan. Binilhan
ko rin kayo ng fask mask, kulay pula kay Jojo, asul kay Leah at dilaw
sa iyo. May binili rin akong malaking hand sanitizer upang hindi agad
maubos.
Emily: Maraming Salamat po inay.
Aleng Josie: Walang anuman anak, o siya ipagpatuloy niyo na muna
ang inyong mga ginagawa at ako ay magluluto muna ng ating
tanghalian.

Sagutin:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Saan naganap ang kuwento?
3. Kailan pumunta ng palengke si Aleng Josie?
- Sasagutin ng mga mag-
4. Bakit kailangang kumain ng mga prutas at gulay?
aaral ang mga katanungan.
5. Ano ang ginawa ni Aleng Josie upang makaiwas sa Covid19?
6. Ano-ano pa ang mga health protocols na inyong naiisip sa panahon
ng pandemya na hindi nabanggit sa diyalogo?

Isulat ang mga Pandiwa na nasa diyalogo.

H. Paglalahat ng Ano-anong mga salitang kilos na ginagawa sa tahanan? Sa paaralan? - Sasagutin ng mga mag-
Aralin Bilang isang batang katulad mo, paano ka makakatulong sa iyong aaral ang mga katanungan
mga magulang? batay sa kanilang
natutunan sa aralin.

I. Pagtataya ng I. (1-5) Tukuyin ang mga gawain na nasa larawan. Isulat sa patlang - Sasagutin ng mga mag-
Aralin kung ang mga ito ay ginagawa sa tahanan o sa paaralan. aaral ang mga katanungan
batay sa kanilang
natutunan sa aralin.

__________1.

__________2.

__________3.
__________4.

__________5.

II. (6-10) Piliin sa loob ng kahon ang iyong mga gawain sa tahanan at
paaralan. Isulat sa tamang hanay ang iyong sagot.

Tahanan Paaralan

6. nagbabasa kasama ang mga kaklase


7. nagpupunas ng mga libro
8. naghuhugas ng pinagkainan
9. nagdidilig sa bakuran
10. nagliligpit ng higaan

J. Karagdagang Magbigay ng pangungusap tungkol sa larawan gamit ang pandiwa. - Ang gawaing ito ay
gawain para sa gagawin ng mga mag-aaral
takdang-aralin at sa kanilang bahay.
remediation

1._____________ 2. _____________

Prepared by:
JAMERA D. GERBULOSAN
Teacher - 1

Checked by:
ARIEL S. ABALL
T-1/TIC

You might also like