You are on page 1of 5

ESP 1

LESSON EXEMPLAR
Paaralan: Baitang: Grade 1
Guro: Markahan: 3rd
Petsa/ Oras: Week 5 Theme: Respect

Layunin sa Mga Pamamaraan Pagtataya


Pagkatuto Kagamitan
Nakakasunod Larawan, Panimulang Gawain: Panuto: Gumawa ng checklist katulad ng nasa ibaba sa
sa utos ng JPEG or isang malinis na papel. Alamin kung gaano mo kadalas
magulang at Powerpoint A. Pagsasanay: naipakikita ang pagkamasunurin.
nakatatanda presentation Bago natin simulan ang araling ito, Lagyan ng tsek (⎫) ang kolum ng iyong sagot.
Sabay – sabay nating awitin ang Jack
and Jill (tagalog Version) Ako ay: Palaging Paminsanminsang Hindi
Ano sa inyong palagay ang ginagawa ginagawa ginagawa
kahulugan ng pagiging masunurin? 1. Agad na
tumatalima
Balik-aral: kung ako ay
Ikaw ba ay nakakasunod sa iyong tinatawag ng
magulang kapag ikaw ay inuutusan? aking nanay
2.Sumusunod
agad kung
ako ay
inuutusan sa
bahay.
3. Umuuwi
B. Panlinang na Gawain: sa tamang
oras ayon sa
- Paghahabi ng Layunin bilin ng tatay.

Pagmasdan ang mga larawan at basahin 4. Nag-aaral


ang sumusunod na dayalogo. Piliin ang nang mabuti
dayalogo na nagpapakita ng dahil iyon
pagkamasunurin. ang bilin ng
aking mga
magulang.
5. Naglilinis ng
aking katawan
at hindi na
kailangan
pang
paalalahanan.

- Pag-uugnay ng mga Gawain sa


Bagong Aralin
Narinig mo na ba ang kwento ng
munting gamo-gamo? Basahin at
alamin kung bakit napahamak
ang munting gamo-gamo.

- Pagtalakay sa Bagong Konsepto


At paglalahad ng Bagong
Kasanayan

Basahin ang kwento:


Ang Munting Gamo-gamo
Isang araw, magkasama ang mag-inang
Gamo-gamo sa pamamasyal. Nakakita si
Munting Gamo-gamo ng liwanag na
nagmumula sa ilawan. Ibig ni Munting
Gamo-gamo na lumapit sa ningas ng
ilawan.
“Huwag kang lalapit sa ilaw, Anak,” ang
sabi ng Inang Gamo-gamo. “Masusunog
ang iyong mga pakpak.”
Hindi sumunod si Munting Gamo-gamo.
“Matatakutin si Inang Gamo-gamo.
Hindi ako natatakot sa ilaw,” ang sabi ng
mayabang na si Munting Gamo-gamo.
Noon din ay lumapit si Munting Gamo-
gamo sa ningas ng ilawan. At nasunog
nga ang kanyang mga pakpak.

- Pagtalakay sa Bagong Konsepto


Sagutan ang mga sumusunod na
tanong:
1. Tungkol saan ang napakinggang
kwento?
2. Bakit kailangan sumunod sa
magulang?
3. Ikaw ba ay katulad ng Munting
Gamugamo?
4. Naranasan mo na rin ba ang
nangyari sa Munting Gamugamo?
5. Ang Pagiging masunurin ba ay
dadalhin ka iyong kapahamakan?
- Paglinang sa Kabihasan
1. Ano ang katangian na
ipinakita ng Munting
Gamugamo?
2. Kung ikaw si Gamugamo, ano
ang iyong gagawin?
C. Pangwakas na Gawain

- Paglalahat
Tandaan:
- Mahalaga ang pagsunod sa
utos o bilin ng magulang. Ito
ay para sa ating kabutihan at
kaligtasan.
- Ang pagsunod sa magulang ay
magandang kaasalan. Makinig
na mabuti sa panuto at sundin
ang mga ito.
- Paglalapat
Ano kayang mahalagang aral
ang natutuunan ni Munting
Gamo-gamo?
- Karagdagang Gawain
Ano ang mangyayari kapag
hindi sumunod sa utos ng
panuto ng magulang? Iguhit sa
ang masayang mukha sa bilog
kung ito ay makakabuti at
malungkot na mukha kung
maaring ikapahamak.
Inihanda ni:

RHEA F. SOMBILLO
Teacher II
Talon Elementary School

Iniwasto ni:

ANA-CORITA E. FLORES
Master Teacher II
Talon Elementary School

Binigyang-pansin ni:

DR. AILEEN O. BALLARAN


Principal IV

Sinuri ni:

DR. JOCELYN C. BALOME


Public Schools District Supervisor, District 4

Pinagtibay ni:

DR. FELICES P. TAGLE


Education Program Supervisor, ESP

You might also like