You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Las Piñas City

FILIPINO 5
LESSON EXEMPLAR

Paaralan Baitang Ikalima


Guro Markahan Ikatlo/Week 1
Petsa/Oras Reader Category Non-Reader

Layunin sa Kagamitan Pamamaraan Pagtataya


Pagkatuto/Kompetensi
Napaghahambing ang PPT, manila paper, larawan, A .1 . Dagliang Pagsasanay: (Babasahin ng guro) I . Pagtataya
gamit ng pang-abay at pentel pen Basahin at unawain ang nilalaman ng Panuto: Paghambingin
pang-uri sa pangungusap. Sagutin ang sumusunod na tanong ang gamit ng pang-uri at
pangungusap Q3 DBOW tungkol dito. pang-abay sa salitang
F5WG-III-a-C6 FILIPINO 5, Pangungusap: may salungguhit sa
Definite Budget of Work, Marami tayong makukuhang bitamina at mineral pangungusap. Isulat ang
MELC/DBOW sa pagkain ng malunggay. PU kung ito ay pang-uri at
Data and Probability Teacher’s Guide Tanong: PA naman kung ito ay
(DP) (Alab Filipino5 ) pah. 126- 1 . Ano ang makukuha natin sa pagkain ng pang-abay.
1. double bar graphs 127 malunggay? ____1 . Masayang
and double line ADM,Q3, FILIPINO5, 2 . Ilan ang makukuha nating bitamina at mineral tumutulong ang mga
graphs. TUKLAS pah. 1 sa pagkain ng malunggay? Atenista sa mga mag-
1. collects bivariate PLUMA 5, pah. 251, 3 . Sino sa inyo ang nakakain na ng malunggay? aaral sa pampublikong
data from interview, 331,335 Ano ang lasa nito? paaralan. PA
questionnaire, and Alab ng Wikang Filipino 5, ____2 . Si Icah ang
other appropriate pah. 234 2. Balik-aral (Relay) pinakamatalinong mag-
sources. Ibigay ang pangalan ng sumusunod na larawan. aaral sa klase. PU
2. identify the https://www.youtube.com/ Magbigay ng detalye tungkol dito. ____3 . Ang mga Atenista
appropriate graph (bar watch?app=desktop&v= ay labis na naapektuhan
graph or line graph) to xoZrs9WNyJA sa mga nangyayari sa
represent a given set of https://themillionisland. paligid. PA
data. blogspot.com/2012/09/ ____4 . Mayaman sa
3. construct double ok-tapusin-na-natin- 1. ________ kabutihan ang mga
bar graphs and double yang-pagkain-na-yan.html Atenista. PU
line graphs. ____5 . Nagulo ang
2. _________
tahimik na buhay niya
nang dumating ang
trahedya. PU
3. _______

4. _________

5. __________

B .Pagganyak ( Puzzle )
Hulaan kung anong larawan ang ipinakikita.

mangga
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto; Pagtapatin ang larawan na nasa hanay
A at sa pangalan nito sa hanay B.
Hanay A Hanay B

1. A . mataimtim na
pasasalamat
2. B . mangga

3. C . bumabangon

C .Paglalahad (Babasahin ng guro ang


kuwento) Maaaring ipabasa muli sa mga bata.
Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing
kuwento ng guro.
Pagpapakilala sa tunog ng /Mm/
Pagpapakilala sa mga salitang nagsisimula sa
tunog ng /Mm/
Ang Mangga at Marang ni Mang Mike
Tuwing Martes, maagang bumabangon si
Mang Mike upang mamitas ng mangga at
marang sa kanyang malawak na bakuran.
Ipinamimigay niya ang mga ito sa kanyang
mga kapitbahay na sina Mang Manny ng 20
pirasong mangga at 10 pirasong marang ,
Mang Momay 30 pirasong mangga at 15
marang , Mang Mando 10 pirasong mangga at
25 marang at Mang Milo 5 pirasong mangga
at 35 pirasong marang . Mahalagang
maipamigay ang mga iyon upang hindi
mabulok. Nagustuhan nila ang mangga at
marang ni Mang Mike dahil talagang matamis
kainin kapag hinog na ito . Malaki ang
pasasalamat nila sa mabuting kalooban ni
Mang Mike dahil makakakain silang muli ng
paborito nilang mangga at marang. Labis ang
kaligayahan na umuwi sa kanyang tahanan si
Mang Mike dahil sa mataimtim na
pasasalamat ng kanyang mga kapitbahay.
D . Sagutin ang sumusunod na tanong:(
Speaking Chips)
(Ang bawat chips ay may katumbas na puntos
ayon sa bilang ng tanong na sasagutin nila)
1 . Kailan namimitas ng mangga si Mang Mike?
2 . Ano ang ginagawa ni Mang Mike upang hindi
mabulok ang mga mangga?
3 . Kanino ipinamimigay ni Mang Mike ang
kanyang mga mangga?
4. Sinong mag-anak ang mahilig sa mangga?
5 . Bakit masayang umuwi si Mang Mike sa
kanyang tahanan?
6 . Ilan lahat ang manggang naipamigay ni Mang
Mike sa mga kapitbahay?
7 . Sino ang may pinakamaraming manggang
nakuha?
8. Sino naman ang may pinakakaunting
manggang nakuha?
9. Kung pagsasamahin ang mangga ni Mang
Manny at Mang Milo, Ilan lahat ito?
10. Ilang mangga ang ibinigay kay Mang Milo?
E . Sagutin ang mga tanong:
1 . Ano ang masasabi mo sa mangga?
Sagot: Ang mangga ay matamis kapag hinog na
ito.
pangngalan Pang-uri

Anong salita ang naglalarawan sa mangga?


Matamis
Anong bahagi ng pananalita ang naglalarawan sa
pangngalan? Pang-uri
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan
sa mga pangngalan at panghalip. Ito ay
nagsasabi ng uri, katangian, sukat, anyo, hugis,
bilang at dami ng salitang inilalarawan.
2 . Kailan bumabangon si Mang Mike upang
mamitas ng mangga sa kanyang bakuran?
Sagot: Maagang bumabangon si Mang Mike
upang mamitas ng mangga.
Pang-abay pandiwa

Paano bumabangon si Mang Mike upang


mamitas ng mangga? maaga
Anong salita ang binibigyan-turing ng maaga?
bumabangon
Anong bahagi ng pananalita ang naglalarawan sa
salitang bumabangon bilang pandiwa? Pang-
abay
Ano ang pang-abay?
Ang pang-abay ay tawag sa salita o lipon ng mga
salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri
o kapwa pang-abay.
Pansinin ang venn diagram, ano ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng Pang-uri at Pang-abay?
F . Pagsasanay
Pangkatang-gawain
Pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang
gawain Rubrics:

Pangkat 1
Panuto: Bilugan ang pang-abay sa pangungusap
at isulat sa patlang kung pandiwa, pang-uri, o
kapwa pang-abay ang tinuturingan nito.
_________1 . Magalang na nakikipag-usap ang
mga bata sa matatanda.
_________2 . Mabilis na tumutulong sa kapwa
ang mga Pilipino bilang parte ng kulturang
bayanihan.
_________3 . Talagang mahusay na napalalaki ng
mga magulang ang kanilang mga anak.

Pangkat 2
Panuto: Isulat sa patlang kung pang-abay o
pang-uri ang salitang may diin sa pangungusap.
________1 . Likas na masisipag ang mga Pilipino.
________2 . Sila ay matapat na gumagawa sa
kanilang mga tungkulin.
________3. Maaasahan sila sa maraming bagay.
________4 . Talagang pinakakatiwalaan sila ng
maraming tao sa mundo.
________5. Malinis ang bakuran ng pamilya Jose.
Pangkat 3
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagtataglay ito
ng pang-abay at ekis (x) naman
kung hindi.
___1. Dadalo sila sa pulong bukas.
___2. Maingat na isinabit ni tatay ang ilaw ng
krismas tri.
___3. Mabusisi si Tiya Piya sa mga aplikante sa
kanilang tanggapan.
___4. Ang sampung bola ay ginamit namin
kanina.
___5. Maghapon siyang nagtatrabaho sa pabrika.
G . Paglalapat
Mahalaga bang gamitin ang pang-uri at pang-
abay sa pagpapahayag? Bakit?
H . Paglalahat
Ang pang-uri at pang-abay ay parehong mga
salitang naglalarawan.
Ang pang-uri ay naglalarawan sa mga
pangngalan at panghalip. Ang pang-abay naman
ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at isa
pang pang-abay.
May mga salitang kapuwa ginagamit bilang
pang-uri at pang-abay rin.
Nakadepende ito sa kung ano ang inilalarawan
nito at kung paano ito ginagamit sa
pangungusap.
Halimbawa:
(pang-uri) Mahusay ang bata sa Matematika.
(pang-abay) Mahusay sumagot ang bata.

You might also like