You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
MATAAS NA PAARALAN NG TAAL
Kalye Macam, Taal Bocaue Bulacan

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7


I.LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 natutukoy ang iba’t ibang retorikal na pang-ugnay at salita.
 nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay at salita sa mga pangungusap na naglalahad at nanghihikayat.
 napahahalagahan ang gamit ng mga pang-ugnay sa pakikipagtalastasan

II.NILALAMAN

A. Paksa: Retorikal na Pang-Ugnay


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma pp. www.google.com
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, laptop, google meet platform
D. Stratehiya: Picture analysis, Differentiated activities

III.PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain:
1. Pangaraw-araw na Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagtatala ng liban sa klase

2. Balik-Aral
Pagbabalik aral sa pamamagitan ng paggamit ng larawan bilang susi sa tamang kasagutan.

Pamagat ng akda Sumulat ng akda Pangunahing kaisipan ng akda Aral ng akda

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng larawan at ipasusuri ito

Mga gabay na tanong:


 Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?
 Papaano naiiba ang paglalahad sa panghihikayat?
 Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na maaring ilahad at mga halimbawa ng mga bagay na ipinanghihikayat.
2.Pagtalakay
Sa pagbuo ng paglalahad at panghihikayat gumagamit tayo ng mga salitang mag-uuganay sa mga salita sa bawat
pahayagAng mga salitang ito ay tinatawag na retorikal na pang-ugnay.Ang mga pang ugnay na ito ay kadalasang
kinakatawan ng pang-angkop , pang-ukol , at pangatnig.
Pamamaraan
 Pagpapakahulugan sa bawat pang-ugnay
 Pagbibigay ng halimbawa
 Pagpapagamit nito sa Pangungusap
 5 item Quick challenge

1. Pang-angkop (na,ng,g)-ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda
lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.Ito ay may dalawang uri, ang “na at ng.”

2. Pang-ukol-Ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.

3. Pangatnig-bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.


3.Paglalahat
1.Anu-ano ang mga retorikal na pang-ugnay?
2.Bakit isa itong mahalagang sangkap sa pakikipagtalastasan partikular sa paglalahad at panghihikayat?

C. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa 4 na pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang bumuo ng paglalahad at panghihikayat sa
ibat-ibang pamamaraan..Ang mabubuong paglalahad at panghihikayat ay inaasahang gagamit ng mga retorikal na pang-
ugnay.

PANGKAT I (POSTER MAKING)

PANGKAT II (NEWSCASTING)

PANGKAT III (RAP)


PANGKAT IV (SCRIPT/DIALOGUE MAKING)

IV.Takdang Aralin
Lumikha ng isang sanaysay na binubuo ng 3 talata at naglalahad ng iyong pangarap sa buhay.Isaad sa sanaysay ang mga
pamamaraang iyong gagawin upang makamit mo ang mga pangarap na ito. Gumamit ng mga pang-ugnay at
salungguhitan ito.

Inihanda ni:

Bb. Jonee Paula DJ. Bauza


Guro I- Filipino 7

You might also like