You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

IKAAPAT NA MARKAHAN

I. Layunin

a. Natutukoy ang tamang pagpapantig ng mga mahabang salita.


b. Nasusulat nang papantig ang mga mahabang salita.
c. Napapahalagahan ang mabuting kaugalian ng pagsasama-sama at pagtutulungan
ng mag-anak.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pagpapantig ng mga Mas Mahahabang Salita

B. Sanggunian: Modyul 1 sa Filipino-Ikaapat na Markahan, MELCs

C. Kagamitan: larawan, powerpoint presentation

D. Pagpapahalaga: Paggawa ng kabutihan

1. Balik-aral

● Piliin sa Hanay B ang wastong salitang maglalarawan sa mga panngalan Sa Hanay A.


Hanay A Hanay B
_____1. Higante a. mahaba

_____2. tulay b.
malawak
_____3. Pasko c. masaya
_____4. Bibe d. mataas
_____5. parke e. Puti
_____6. kama f. matigas
_____7. bato g.
malambot
_____8. bulaklak h. maliit
_____9. Bundok i. makulay
____10. Langgam j. mataas
2. Pagganyak Objective 1 – Indicator 1: Apply knowledge of content within and across
curriculum teaching areas. (Music)

Ipakita ang mga sumusunod na larawan at ipasagot ang mga


tanong sa ibaba.
Unang Larawan Ikalawang Larawan Ikatlong Larawan

1.
Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
2. May mga instrumento bang ginagamit sa paglikha ng tunog o tonos a
una, ikalawa at ikatlong larawan?
Sabihin: Maaring manipis o makapal ang mga awiting
musikal ayon sa daloy at sa paraan ng pagkaka-awit. Sa tatlong larawan,
anong larawan ang may masayang tugtugin na nais mong gayahin?
Ganyakin ang mga bata na pakinggan at sabayan ang guro
sa pag-awit ng kantang “Bahay Kubo” sa tulong ng music video.

● Panlinang na Gawain Objective 7 – Indicator 3: Select, develop, organize and use appropriate
teaching and learning resources, including ICT, to address learning goals.
1. Paglalahad
Sabihin: Nagustuhan ba ninyo ang awitin? Ang kantang “Bahay Kubo” ay
may iba’t-ibang uri ng teksturang musikal upang makalikha ng tunog. Maaring
isa, dalawa at tatlo o higit pang tunog.
Kagaya ng teksturang musikal ang mga salita ay binubuo rin ng isa,
dalawa o higit pang pantig.
Upang higit ninyong maintindihan, samahan ninyo akong mamasyal sa
bukid ni Lolo Romy. (Gagawin ito sa tulong ng video lesson).
Sabihin at ipaliwanag ang mga sumusunod sa tulong ng
Video Lesson.
Ang bawat salita ay nahahati sa mga pantig. Bawat pantig ng isang salita
ay binibigkas sa pamamagitan ng isang walang hintong bigkas. May mga salita
na binubuo ng isa, dalawa o higit pang pantig. Kalimitan ito ay may patinig at
katinig sa bawat pantig.
Ano ang Salita?
Ang salita ay yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa
o higit pang mga salita.
Ano ang Pantig?
Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng
lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Ano ang pagpapantig?
Ang pagpapantig ay paghahati ng mga salita sa pantig.
Halimbawa:
orasan – o-ra-san
kalesa – ka-le-sa
kaagapay – ka-a-ga-
pay prinsesa- prin-se-sa
Mga Tuntunin sa Pagpapantig
1. Ang magkasunod o higit pa na pantig ng salita ay hiwalay na pantig.
Halimbawa: uupo – u-u-po, iikot - i-i-kot
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng salita ay pinaghihiwalay, anguna
ay kasama sa patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na
kasunod.
Halimbawa: aklat – ak-lat, bundok - bun-dok

Objective 5 – Indicator 2: Plan and deliver teaching strategies that are


responsive to the special educational needs of learners in difficult circumstances, including:
geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict, urban resettlement or
disasters; child abuse
C. Paglalapat and child labor practices.

1. 3.
Unang Pangkat

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pangalan at pantig ng mga


larawan na nabanggit sa kuwento.
_________________________ ______________________
__________________________
2. 4.
5.

______________________________
_______________________
Ikalawang Pangkat
Panuto: Ang mga sumusunod na salita ay karaniwan nating naririnig
ngayong tayo ay nasa panahon ng “new normal”. Piliin ang tamang bilang ng
pantig sa bawat salita. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

_______1. pandemya a. 2 b. 3 c. 4 d
.
5
_______2. resistensya a. 2 b. 3 c. 4 d
.
5
_______3. bitamina a. 3 b. 5 c. 2 d
.
4
_______4. pangangalaga a. 2 b. 3 c. 4 d
.
5
_______5. Bakuna a. 2 b. 3 c. 4 d
.
5
Ikatlong Pangkat
Pantigin ang mga sumusunod na salita. Isulat din ang bilang
ng pantig
nito.
Gayahin ang halimbawa.
Salita Pagpapantig Bilang ng Pantig
Halimbawa:
pa-a-ra-lan
paaralan
1. magkaibigan

2. kayamanan

3. probinsya

4. pamahalaan

5. aasenso

D.
Pagpapahalaga
Anong mabuting kaugalian ang ipinakita ng mag-anak sa sa
kuwento?
E. Paglalahat

Ano-anong tuntunin ang dapat tandaan sa pagpapantig?

III. Pagtataya

Panuto: Piliin ang tamang pagkakapantig ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Hinugasan ni Lanie ang mga kasangkapan sa pagluluto.
a. ka-sang-kap-an b. kas-ang-ka-pan c. ka-sang-ka-pan
2. Mataas ang temperatura ng panahon noong nakaraang Lunes
a. tem-pe-ra-tu-ra b. tem-per-atu-ra c. tem-pera-tu-ra
3. Tanaw mula sa bahay ni Lolo Berto ang bulubundukin ng Sierra Madre.
a. bu-lu-bun-du-kin b. bu-lub-un-du-kin c. bu-lu-bun-duk-in

4. Tanging bangka ang transportasyon para makarating sa Isla ng Tibaguin.


a. tran-sport-a-syon b. trans-por-ta-syon c. tran-spor-ta-syon
5. Si Lyka ay nanonood ng kanyang aralin sa telebisyon
a. te-le-bis-yon b. tel-e-bi-syon c. te-le-bi-syon
IV. Takdang Aralin

Panuto: Magbigay ng limang mahahabang salita, pantigin ito at ibigay ang bilang ng
pantig nito.
Salita Pagpapantig Bilang ng Pantig

You might also like