You are on page 1of 4

Banghay- Paaralan Baitang/Antas Ikalima

aralin sa Guro Asignatura Filipino


Filipino Petsa/oras Markahan Una

Filipino
I. Layunin (0bjectives)
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
pagpapahayagng sariling ideya, kaisipan, karanasan,
at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F5PS-IIIa-c.12.1
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinikilos o
ginagawa nito

F5WG-IIIa-c-6
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
II. Nilalaman (Content) Kuwento: Matulunging Bata
III. Kagamitang Panturo Larawan, tsart
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Grade 5 Curriculum
2. Mga Pahina sa Kagamitang Hiyas sa Pagbasa 3-4
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula LCD projector, manila paper , permanent marker
sa Portal Learning Resource
IV. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Balik-aral sa kuwentong napakinggan noong
Pagsimula ng Aralin nakaraang araw.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Alamin kung ano-ano ang ginawa ng batang
matulungin?

Ang mabait, masipag,maalahanin at


mapagmahal na bata ay tumutulong nang
kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi
pati sa mga magulang at mga kapatid.

Para sa aking sarili, ay inilagay ko sa kanya-


kanyang lalagyan ang lahat ng aking gamit
sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito,
ay hindi ako maghahanap at mag-aaksaya ng
panahon lalo na kung nagmamadali ako.

Hindi rin ako makagagalitan. Laging nasa


lugar ang mga libro, notebook, lapis,
pentelpen, pad paper, school bag, payong,
sapatos, at lahat-lahat na. Walang kakalat-
kalat. Si kuya at Ate ay tumutulong din ako
lalo na kung sila ay abalang-abala sa ibang
Gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay
sasalubong na ako sa hagdan pa lamang,
upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay
ko na sa kani-kanilang lalagyan. Kapag
nagpuputol ng paggatong ang kuya ko ay
iniaakyat ko na ang maliliit na piraso. Si ate
naman, kapag nagwawalis, ay kukunin ko
ang basahan at aoko na nag magpupunas sa
mga mesa at upuan.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Suriin ang mga salitang may salungguhitmula sa


Bagong Aralin kuwentong na basa.

Subukang isakilos ang mga salita.

Ito ay nagsasaad ng kilos?


D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto A. Sabihin Mo Na
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1 Magpakita ng mga larawan na nagsasaad ng
kilos. Gumawa ng pangungusap tungkol sa
bawat larawan.

B. Kilos, Kaibigan

Tumawag ng mag-aaral at pabunutin ng


papel na may nakasulat na salitang may kilos
at isakilos ito.
C. Salamin, Salamin

Kumuha ng kapareho. Ang isa ay


magsisilbing salamin at ang isa naman ay
mananalamin. Magpalitan ang iba pang
kasapi sa grupo na magsalaysay ng
pangungusap tungkol sa ginagawa ng
magkapareha sa salamin.

E. Pagtatalakay sa Bagong Konsepto


at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Tungo sa Pagtagpiin ang magkaugnay na larawan at
Formative Assessment 3 pangungusap. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw- Bakit kailangang magtulungan sa mga gawaing-


araw na Buhay bahay?
H. Paglalahat ng Aralin Ang pandiwa ay bahagi ng panalitang nagsasaad ng
kios.
I. Pagtataya ng Aralin Punan ang patlang ng angkop na salitang nagsasaad
ng kilos. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Naglalaro Namasyal Kinakain


Naligo Sisimba

1. Ang bata ay ______ ng tago-taguan sa kakahuyan.


2. Ang pamilyang Cruz ay _______ sa baybayin.
3. Ice cream ang paboritong ______ ng aso ni Juan.
4. Si Pedro ay ________ sa dagat kaninang umaga .
5. Nag _______ si Tin-tin tuwing Linggo.
J. Karagdang Gawain para sa Gumuhit g tatlong larawan na ginagawa ng mga tao
Takdang-aralin at Remediation sa paligid upang maging malinis. Maghandang
magbahagi ng kuwentong tungkol ditto.

You might also like