You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
Larap Elementary School
Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

Paaralan; Larap Elementary School Baitang at Seksyon I-Makatarungan


Guro: Zairah B. Marilla Asignatura FILIPINO
Petsa: Week 3 Kwarter Ikaapat na Markahan

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pag-unawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipapahayag ang ideya/damdamin/reaksiyon ng may
wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F1WG-IIIE-G5
Nagagamit ang mga salitang kilos pag-uusap tungkol sa ibat-
ibang Gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.
II. NILALAMAN Paggamit ng mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa ibat-
ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.

ESP Integration: EsP1PPP- IIIf-h – 4 & Health Integration


III. MGA KAGAMITANG PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Bumasa at Sumulat pp.153-154
Pang Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula
sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo Larawan, ppt, activity sheets.
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Ano ang mga ipinapakita ng mga larawan?
at /o pagsisimula ng bagong
aralin.

Ginagawa niyo rin ba ang mga mga ginagawa nila?


Bakit kailangan natin gawin ang mga ginagawa ng mga nasa
larawan?

Address: Larap Rd. Purok 2, Barangay Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte
Contact Nos.: | +639157901183 | | +639089540118 |
Email Address: iamlarapes@gmail.com
FB Page: https://www.facebook.com/LarapES112163OfficialPage
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
Larap Elementary School
Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte

B. Paghabi ng layunin ng aralin Banggitin ulit ang mga ginagawa ng mga bata sa larawan.
Kumakain, naghuhugas at nagsusuot ay mga halimbawa ng
salitang kilos.
Pag-aaralan natin ngayon ay paggamit ng salitang kilos o
galaw sa ibat-ibang gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan.

C. Pag-ugnay ng mga halimbawa Pagmasdan ang larawan.


sa bagong aralin

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Ganito rin ba ang inyong pamilya?
Ano kaya ang mangyayari kapag ang pamilya ay sama sama
at nagtutulungan sa mga gawaing bahay?
D. Pagtalakay ng bagong Pagbasa ng Kwento:
konsepto at paglalahad ng Ano ang mga dapat tandan o gawin kapag nakikinig ng kwento?
bagong kasanayan #1
“ANG PAMILYANG NAGTUTULUNGAN”
Araw ng Sabado,maagang gumising ang Pamilya Perez. Abala
ang mag-anak upang ipaghanda ang kaarawan ng kanilang
bunso. Si tatay ay nagkakatay ng manok. Si nanay ay nagluluto
para sa handa. Si ate ang katulong ni nanay sa kusina, siya ay
naghuhugas ng mga kagamitan sa pagluluto. Si kuya ang nag-
iigib ng tubig na gagamitin sa paghuhugas. Si bunso ay
masayang naglalaro sa sala. Dahil sa kanilang pagtutulungan
masayang pinagsaluhan ng mag-anak ang handa sa kaarawan ni
bunso. Sama-sama silang nagdasal at nagpasalamat sa biyayang
natanggap.

Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng ating kwento?
2.Ano ang katangian na ipinakita ng Pamilya Perez?
3.Ano ang ginawa ni tatay? nanay? Ate? Kuya at bunso?
4. Bakit kailangan tumulong sa mga gawaing bahay?
5. Paano ka makakatulong sa inyong pamilya?

Address: Larap Rd. Purok 2, Barangay Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte
Contact Nos.: | +639157901183 | | +639089540118 |
Email Address: iamlarapes@gmail.com
FB Page: https://www.facebook.com/LarapES112163OfficialPage
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
Larap Elementary School
Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte

E. Pagtalakay ng bagong Basahin ang mga salitang galling sa kwento.


konsepto at paglalahad ng gumising nagluluto nagkakatay nag-igib
bagong kasanayan #1. naghuhugas naglalaro nagdasal

Ano ang ipinapahiwatig o napansin ninyo sa mga salita?


Ano ang salitang kilos?
F. Paglinang sa Kabihasaan Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang mga salitang kilos at
(Tungo sa Formative bilugan ito.
Assessment)
1. Naghuhugas ng plato si Andy.
2. Si tatay ay nagtatanim ng gulay sa bakuran.
3. Nagwawalis sa loob ng silid-aralan si Serah.
4. Naglalaro ang mga bata sa palaruan.
5. Nagbabasa si Jenne ng mga kwentong pambata.

Indibidwal na Gawain
Unang Hanay: Pagtapat tapatin ang mga larawan na angkop na
salitang kilos o pandiwa.

HANAY A HANAY B

Pangalawang Hanay: Lagyan ng kung ang salita ay pandiwa at


naman kung hindi.

_____________1. malaki
_____________2. naglilinis
_____________3. nagbabasa
_____________4. halamanan
_____________5. tumatakbo

Address: Larap Rd. Purok 2, Barangay Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte
Contact Nos.: | +639157901183 | | +639089540118 |
Email Address: iamlarapes@gmail.com
FB Page: https://www.facebook.com/LarapES112163OfficialPage
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
Larap Elementary School
Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte

Ikatlong Hanay: Ikahon ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Masayang nagtuturo si Mam Zairah.


2. Kumakain ng masustansiyang pagkain si Nayr.
3. Nagdidilig ng halaman si Daniella.
4. Nagsusulat ako ng liham para sa aking kaibigan.
5. Naghuhugas ng kamay si Ralph bago kumain.

G. Paglalapat ng aralin sa pang (Integration SEL and GESI)


araw-araw na buhay
Bakit kailangan natin tumulong sa mga gawain bahay?
Anong katangian ang ipinapakita natin kapag tumutulong tayo
sa ating mga magulang sa mga gawaing bahay? Ano ang
nararamdaman ninyo kapag tinutulungan ninyo sina nanay at
tatay sa mga gawaing bahay? Bakit?

Tingnan muli ang larawan. Ano ag ginagawa ni tatay?


Ano ang ginagawa ni kuya? Ang ginagawa ba ni tatay at ni kuya
ay pwede dn gawin ni nanay at ni ate?

Ang babae at lalaki ay kayang gawin lahat ng mga gawain sa loob


ng bahay. Kahit ano pa man ang kanilang kasarian. Tulad ng
paghuhugas. Ang paghuhugas ay kayang gawin ni nanay o tatay.
Ang pagwawalis ay kayang gawin ni ate o kuya sa loob ng
tahanan.
.

Ang babae at lalaki ay pantay pagdating sa kakayahan o kaya


nilang gawin. Ang kayang gawin ng babae ay kaya din gawin ng
lalaki at ang kayang gawin ng lalaki ay kaya din gawin ng babae.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang salitang kilos o pandiwa?

Ang salitang kilos o pandiwa ay nagsasaad o nagpapakita ng


kilos o galaw.
Ang mga ito ay ginagamit natin sa pakikipa-usap sa tahanan,
paaralan at pamayanan.

Address: Larap Rd. Purok 2, Barangay Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte
Contact Nos.: | +639157901183 | | +639089540118 |
Email Address: iamlarapes@gmail.com
FB Page: https://www.facebook.com/LarapES112163OfficialPage
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
Larap Elementary School
Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte

I. Pagtataya ng Aralin Gamitin ang mga salitang kilos upang mabuo ang usapan, isipin
ang inyong ginagawa sa tahanan, paaralan at sa pamayanan.

maglalagay magpupulot pupunta


tutulong magwalis

Rina: Ate ako na ang 1. ____________________ ng mga papel


na iyan.
Lita: Magaling Rina! Ako naman ang 2. __________________ng
mga laruan sa lagayan.
Rina: Pagkatapos nito ano ang susunod nating gagawin?
Lita: 3. __________ tayo sa bakuran at 4. _______________
tayo kay Nanay 5. ___________ ng mga dahon sa paligid.

J. Takdang Aralin Magsulat ng limang pangungusap na inyong ginagawa


pagdating sa bahay at bilugan ang salitang kilos na ginamit sa
bawat pangungusap.

Prepared by:

ZAIRAH B. MARILLA
Teacher I
Checked by:

DIVINA J. BERISO
Master Teacher II

Noted:

REZ C. SALAZAR
Principal I

Address: Larap Rd. Purok 2, Barangay Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte
Contact Nos.: | +639157901183 | | +639089540118 |
Email Address: iamlarapes@gmail.com
FB Page: https://www.facebook.com/LarapES112163OfficialPage

You might also like