You are on page 1of 1

ANG AMA

Isinalin sa Filipino ni: Mauro R. Avena

Kapag naghinihintay ng mga bata ang kanilang ama ay laging may halong takot. Paminsan-minsan ang
ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay.Ngunit ito ay para
lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag isa at ito'y inihahati-hati ng ina sa
mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat,at ni katiting ay
walang ,maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata ang pinakamatanda ay isang lalaki dose anyos at isang babae onse, kahit na
payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang maghahati sa lahat ng bagay para
meron din ang mga maliliit,dalawang lalaki,kambal,nuwebe anyos,isang maliit na babae,otso anyos at
isang dos anyos na maliit pa lamang.Lahat ito ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag
aagawan.

Sa kaluwagang palad ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng pansit guisado,at kanila itong
pinagsaluhan.Isa o dalawang beses lang ito naulit at hindi na naulit ang pag uwi ng ama ng pansit guisado
at mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang ina.

Kapag uuwi itong pasigaw sigaw at padabog dabog at tiyak na walang pagkain ang mga bata ay
nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na makainis sa ama at umakit sa malaking kamay
nito at dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng
bahay para maglaba.

May isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang Mui Mui alam nila na ang
halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos ng ama at ito'y sisigaw kapag hindi pa
huminto ito'y lalapit at hahampasin ng buong lakas.

Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siya'y nasisante sa trabaho sa lagarian at hindi
ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at biglang bumagsak ang kamao ng ama sa
nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at
nahimasmasan ito ng ina si Mui Mui dahil sa malamig na tubig.

Pagkaraan ng 2 araw ay namatay si Mui Mui at ang ina lamang ang umiiyak habang handang ilibing sa
sementeryo ng nayon mayroong isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay buong araw na
nagmumukmuk.May isang babae na nangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa palad ng ama na
nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman itong lasing.

Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot na may mas maliit sa loob
at nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama sa kwarto hindi nagtagal lumabas ito kinuha nito ang malaking
supot at lumabas ng bahay sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod lumuhod ito at
kinuha ang laman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod madilim na ang langit at malapit na itong
umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag iyak.

You might also like