You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8


Akdang Pampanitikan: Florante at Laura

Petsa: Ika-walo ng Mayo, 2023


Pangkalahatang Paksa: Florante at Laura: Isang Obra Maestrang Pampanitikan ng Pilipinas
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa isang dakilang akdang pamapanitikan
na mapagkukunan ng mahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa
kasalukuyan
Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing
sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan
Kasanayan sa Pagkatuto: Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda, gamit ang wika ng kabataan (F8WG-
Iva-b-35)
Kagamitan PPT
Sanggunian Pinagyamang Pluma
Uri ng Pagtataya
PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
Tumayo ang lahat at tayo ay
manalangin. Basahin nga natin ang *ang mga mag-aaral ay mananalangin
panalangin natin sa araw na ito klas.

 Pagbati
Magandag umaga klas?
Magandang umaga po maam

Ay mukhang matamlay ang aking mga


mag –aaral. Maaari bang tumayo ang
lahat. Sige na tumayo muna tayong
lahat.

*tatayo ang mga mag- aaral


Kapag sinabi kong magandang umaga,
sabihin niyo,
“Maganda ka, maganda ako. Kaya’t
maganda ang umaga!”

Sige nga ulitin nga klas *tutularan ng mga mag-aaral

Ayan. Mas lakasan pa. “Maganda ka, maganda ako. Kaya’t maganda ang umaga!”

Magandang umaga klas

“Maganda ka, maganda ako. Kaya’t maganda ang umaga!”


Sa umagang ito, dapat lahat tayo ay
maganda
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

 Pagkuha ng Lumiban

May mga nametag akong inihanda rito


para sa inyo. Maaari bang isa-sang
tumayo ng hindi nag- iingay at kunin
ang inyong mga pangalan. Pagkatapos
ay idikit ito sa kanang bahagi ng iyong
dibdib.

 Alituntunin
Bago tayo tuluyang magsimula, ay
mayroon akong inihandang mga
alituntunin na dapat ninyong sundin sa 5M’s
buong durasyon ng ating talakayan.
1st –Maging Marespeto at magalang
2nd- Makinig at Makilahok sa talakayan
3rd- Magtanong kung mayroong hindi
naintindihan
4th- Magsalita kung kailangan, isara ang
bunganga kung hindi naman
5th- Magtaas ng kamay kung gustong
magbahagi ng kasagutan

Maasahan ko ba yan sa inyo klas? Opo, guro.

 Talapuntusan

Ang inyong makukuhang puntos ay


ilalagay pa rin sa resitasyon slip na
ibinigay ko ngunit hindi na sa spinning
wheel.

Depende sa inyong kasagutan,


Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

makatatanggap kayo ng mga hugis na


kalakip ng puntos na makukuha ninyo.

Siyempre, kung tatsulok ang


matatanggap ninyo tatlong puntos ang
makukuha ninyo, kapag parisukat apat
na puntos at kapag limsiha naman Pamantayan sa Pagpupuntos
limang puntos. Ang mga hugis na na
iyan ay mayroong pamantayan.
Pakibasa, Jarry

Kung sino man ang makakaipon ng


pinakamaraming hugis at puntos ay
mayroong gantimpala na matatanggap
sa pagtatapos ng aralin natin sa buong
kabanata ng Florante at Laura
 Pagbabalik-Aral
Sinong nakaaalala nang ating nakaraang Ma’am!
paksa?
Ang pinag-aralan natin noong nakaraan ay tungkol sa
Joyce mahahalagang tauhan sa awit na Florante at Laura

Mahusay! Magbigay nga ng isang isang Si Florante ma’am, siya ang pangunahing tauhan sa awit at tanging
tauhan at kung ano ang ginampanan iniibig ni Laura
niya sa awit?

Tama! Sino pa? Si Laura ma’am, siya ang kasintahan ni Florante at tinangkang
agawin ni Adolfo

Magaling! Sino pa? Si Aladin ma’am, siya ang moro-moro na nagligtas kay Florante
mula sa mga leon na itali siya sa gubat

Meron pa ba kayong naalala? Si Flerida ma’am, siya ang kasintahan ni Aladin at nagligtas kay
Laura mula kay Adolfo

Tumpak! Palakpakan natin lahat ng


Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

nagbahagi ng kanilang kasagutan. Lahat


sila ay makatatanggap ng hugis na
limsiha.
B. PANGGANYAK
PAKINGGAN MO AKO’T DAMHIN

Sino nang nagmahal dito? Yung kayang


gawin at isakripisyo lahat para sa
pagmamahal na nararamdaman niya?

Sino na rin ang nasaktan o nabigo dahil


sa pag-ibig? Ano ang ginawa ninyo para
makalimot?
Opo, ma’am
Mayroon akong ipapanood sa inyo at
gusto kong damhin at intindihin ninyo
ang bawat linya. Bigyang pansin din
ninyo kung papaano binuo ang bawat Opo, ma’am
salitang maririnig ninyo mula sa
panonoorin ninyo.

Maglabas ng sangkapat na papel upang


maisulat ninyo lahat ng maoobserbahan
ninyo. Naintindihan ba?

Handa na ba ang lahat?

C. PAGHAWAN NG SAGABAL

KAHULUGAN KO, CHOOSE MO!

Pakibasa ang panuto, Jestoni Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nasa kaliwang
kahon mula sa kanang kahon.

PAG-
SUYUAN AAWAYA
PAG-
IIBIGAN
KAHIRAP
KARALITAAN AN
KAYAMA
NAN
NAKALIM
MAKAKALIGTAAN UTAN
NAALALA

TAPAT
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

BUKAL
KASINUNGA
LINGAN

D. PAGLALAHAD NG ARALIN

Mula sa napakinggan ninyong spoken Tungkol sa saloobin at damdamin ni Francisco noong isulat niya
poetry kanina, ano sa tingin ninyo ang ang kaniyang awit ma’am
paksang tatalakayin natin sa araw na
ito?

Tama! Tungkol ito sa saloobin at


damdamin ni Francisco noong isinusulat
niya ang Florante at Laura.

Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang


paunang kabanata mula sa kaniyang
akda na pinamagatan niyang “Kay
Celia”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

E. PAGBASA
TARA NA’T MAGBASA

Babasahin natin lahat ang dalawamput


dalawang taludtod. Uunahin kong
basahin ang unang dalawang taludtod at
bawat pangkat ay susunod na
magbabasa sa akin.

Babasahin ng unang pangkat ang Opo, ma’am


ikatlong taludtod, sunod naman na
babasahin ng ikalawang pangkat ang
ika-apat na taludtod at sunod-sunod na.
Nakuha ba ang panuto, klas?

Kung ganoon, sisimulan ko na…


(sa likod)
F. PAGTALAKAY
PALAWAKIN NATIN!

Anong masasabi ninyo sa binasa ninyo? Iyong paraan nila ng paglalahad nila, ma’am
Mayroon ba kayong napansin na iba sa
napakinggan ninyong spoken poetry
kanina?

Palawakin nga ang iyong ideya, Hanna Sa napakinggan naming spoken poetry ma’am madaling
maintindihan yung mga salitang ginamit samantalang an gaming
binasa ay puno ng malalalim na salita.

Tama! Napakahusay ang iyog naging Ang tayutay o figures of speech sa wikang ingles ay mga salita o
obserbasyon. Ang malalalim na salitang pahayag na gumagamit ng mga salitang matatalinhaga upang ang
iyong binabanggit ay tinatawag na mga paraan ng kanilang pagpapahayag ay mas maging kaakit- akit,
tayutay. Mayroon bang nakakaalam dito makulay at mabisa.
kung ano ang kahulugan ng tayutay?

Tumapak! Noon pa man, halos lahat ng


mga makata at manunulat ay gumagamit
ng mga malalalim sa salita upang
ipahayag ang kanilang saloobin dahil sa
paraang ito mas nagiging masining ang
paraan ng kanilang pagpapahayag.

Nabanggit din ni Hanna kanina na mas Opo, ma’am


madali niyang naiintindihan ang
kaniyang napakinggang spoken poetry,
ganoon din ba kayo?

Bakit mas madali ninyong Mas pamilyar yung mga ginagamit niyang salita, ma’am at
naiintindihan? madalas naming naririnig sa panahon ngayon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Magaling! Ang salita na ginamit ng Wika naming ngayon, ma’am


manunula ay tinatawag nating wika ng
kabataan. Alam ba ninyo kung ano ang
ibig sabihin nito?
Tama! Ito ay ang mga salitang
ginagamit ng halos lahat sa inyong mga
kabataan.

Ngunit saan nga ba nagmula ang


ganitong mga wika at salita?

Halimbawa:

Iba pang halimbawa:

Beast Mode- Galit na Galit


Eme- Biro lng
Mema- May masabi, may maipagawa
Werpa- Power
Lodi- Idol
Yakang-yaka- Kayang-kaya

Batid kong alam na alam ninyo ang mga Opo, ma’am


salitang iyan, tama ba ako?
G. PANLINANG
DAMDAMIN NIYA,
ISUSULAT KO

Bilang sanay kayo sa mga ganyang


salita, maari bang bawat pangkat
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

gumawa ng taludtod ng tula kung ano sa


tingin ninyo ang damdamin o saloobin
ni Francisco nang kaniyang isulat ang
“Kay Selya” gamit ang wika ng
kabataan.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto
para tapusin ito. Tanddan ang isang tula
ay maaring Malaya o tradisyunal.

Handa na ba ang bawat pangkat? Opo, ma’am

Kung ganoon, simulan na ninyong isulat


sa manila paper na naibigay sa inyo.

H. PAGPAPAHALAGA
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

DAMDAMIN MO’Y DAMDAMIN


KO

Gayong tapos na niyo ang pagsusulat ng


inyong tula, babasahin ninyo iyan gaya
ng sa tingin ninyo ay damdamin ni
Francisco kung may pagkakataon
kayong marinig na bigkasin niya ang
kaniyang awit na “Kay Selya”
pagkatapos, ipaliwanag ninyo bakit sa
tingin ninyo naging mahalaga ang
damdamin na namayani kay Francisco
upang mabuo ang awit na iyan.

Naintindihan ba ang panuto? Opo, ma’am

Kung ganoon, narito ang magiging


pamantayan ninyo sa pagbabasa at
pagpapaliwanag.
Pamantayan Puntos
Kahusayan sa 10
Pagbabasa
Damdamin sa 10
Pagbabasa
Kagalingan sa 10
Pagpapaliwanag
Kabuuan 30

Kung handa, Unang pangkat dito na sa


harapan

I. PAGTATAYA
I-TSEK MO YAN!

Pakibasa ang panuto, Jash Panuto: Isulat sa patlang ang tsek (/) kung tama ang pangungusap
at ekis (x) kung mali.
_1. Lubos ang pagtitiwala ng awtor sa
pag-ibig ni Celia.
_2. Ang pag-ibig ng awtor kay Celia ay
nawala nang magkahiwalay sila Kasagutan:
__3. Upang maaliw ang nangungulilang 1. /
awtor sa nawawalang pag-ibig, 2. x
nanligaw siya ng ibang babae. 3. x
__4. Ang sinasabing larawang iginuhit 4. /
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

sa puso ng awtor ay kabuuan ng alaala 5. /


sa dalaga 6. x
__5. Ang alaala ng lansangan at nayong 7. x
niyapakan ni Celia ay nagbibigay saya 8. x
sa awtor na dato’y kasama niya sa 9. x
pamamasyal ng dalaga. 10. x
__6. Gustong pitasin ni Celia ang
nangagbiting kasoy sa mga punong
nadadaanan nila.
__7. Kahit lumayo na si Celia,
masayang naaalala ng awtor ang mga
ilog Agno at Pasig na pinapasyalan nila
8. Parang nakikita ng awtor ang larawan
ng kasintahan sa malinaw na ilog ng
Makati
9. Para sa awtor, ang daungan ay
masayang lugar sapagkat dito siya
tumuntong upang ihatid si Celia sa
kaniyang paglalakbay
10. Nang maghiwalay ang
magkasintahan, ginusto ng awtor na
mabulag upang di na makita pa si Celia.

J. TAKDANG-ARALIN
BASAHIN

Pakibasa ang panuto para sa inyong


takdang aralin, Querubin Panuto: Basahin ang panimulang kabanata ng awit na Florante at
Laura na pinamagatang “Sa babasa nito”

Inihanda ni: Iniwasto ni:


KATHERINE R. BANIH LHEA G. CALACAL
Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinatunayan nina:
CHONALYN B. BENTRES MICKAEL A. RAYMUNDO
Ulong-Guro Punong-Guro

You might also like