You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Florante at Laura: Isang Obra Maestrang Quarter Ika-apat


Pampanitikan ng Pilipinas

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipapamalas ng mga-aaral ang pag-unawa sa


Pangnilalaman isang dakilang akdang pampanitikan na
mapagkukunan ng mahalagang kaisipang
magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa
lipunang Pilipino sa kasalukuyan

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang


radio broadcast na naghahambing sa lipunang
Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan

C. Kasanayan sa Pagkatuto  Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan


ng akda sa pamamagitan ng :

a. pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong


naisulat ito

b. pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda

c. pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong


isulat

D. Layunin (KSA) Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

A. Nakikilala si Francisco “Balagtas” Baltazar

B. Nalalaman ang layunin ng pagkakasulat ng


akda

C. Nabibigyang halaga ang pagkakabuo ng akda

II. NILALAMAN: Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

B. Iba pang Kagamitang PPT, Visual Aids at mga iba pang kagamitan sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Panturo bawat gawain

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWIN

 Panalangin

Pakipangunahan mo nga ang *Ang mga mag-aaral ay mananalangin


panalangin, Nefthalie

 Pagbati

Isang magandang umaga, Grade 8 Maganda ako, Maganda ka,


Banuar
Magandang Umaga!

 Pagtala ng Lumiban

Sabihin lamang ang “Present” Opo, ma’am


kung ikaw ay naririto ngayon.

 Alituntunin

Nasaan na ang ating mga Opo, guro. Handang- handa na po


ambassadors at ambassadress of
IWASAN ANG PAG-IINGAY
discipline? Pakibasa ng malinaw
HABANG NAGSASALITA ANG
ang nakaatas na alituntunin sa GURO O KAMAG-ARAL
inyo. 1

MANIWALANG KAYA
MO AT KAKAYANIN MO! 2

ITAAS LAMANG ANG KANANG


KAMAY KUNG NAIS MAGBAHAGI
NG KASAGUTAN 3
ANG PAGSASALITA NG
MASAMA AY
IPINAGBABAWAL 4

ANG PAGLABAS-LABAS AT
PAGTAYO
AY IWASAN HABANG NASA
GITNA NG
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

MAKISAYA, MAKILAHOK,
MANABIK
AT MAGING AKTIBO SA
BAGONG
 Talapuntusan
RESITASYON SLIP
Gaya ng dati, bawat pagsagot Pangalan:
Baitang:
ninyo ay magkakaroon kayo ng Paksa:
2x2 pic

KATHERINE R. BANIH
pagkakataon na iikot ang ating Guro sa Filipino 8

spinning wheel.
Puntos Petsa Pirma Puntos Petsa Pirma
Kung saan man ito huminto ay
ang makukuha ninyong dagdag
puntos o parangal.

Ang lahat ng puntos na


makukuha ay inyong isusulat sa
ating resitasyon slip at ipapirma
sa akin pagkatapos ng aralin.
Ngunit ang mga iyan ay inyong
Kabuuang Puntos: ________________
pang- indibidwal na puntos
lamang. Pangwakas na Komento:

Para sa pangkatang pagpupuntos,


mayroon akong racetrack dito na 1
KATAPUSAN

kung saan bawat pangkat ay may


kaniya-kaniyang sasakyan. Bawat
2
tamang kasagutan ng bawat
pangkat ay pag-usad ng kanilang
3
sasakyan. Ang unang sasakyan na
makakarating sa finish line ay
4
may biyayang naghihintay

Tandaan! Kapag may mga 5

alituntunin na hindi kayo


sinusunod, mababawasan ang
inyong mga puntos. Alalahanin,
katabi lang ninyo ang ating
ambassadors and ambassadress of
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

discipline.

 Pagbabalik Aral

Sa nakaraang kwarter ay napag-


aralan ninyo ang iba’t ibang
paksa ukol sa gramatika at Tungkol sa programang pantelebisyon ma’am
linggwistika.

May nakakaalala pa ba sa inyo ng


mga naging paksa ninyo noong
ikatlong kwarter?

Tama! Ano pa?


Radyo, ma’am
Mahusay! Ang Telebisyon at
Radyo ay halimbawa ng
modernong pamamaraan ng
paghahatid ng impormasyon at
libangan. Alam kong marami pa
kayong natutunan at inaasahan
kong hindi ninyo makakalimutan
iyan sapagkat mayroon pa rin
iyang kaugnayan sa susunod
nating paksa ngayong ikaapat na
kwarter.

B. PANGGANYAK

 FACE REVEAL!

May mga ginupit akong larawan dito


sa magkakaibang uri ng tatsulok. Ma’am
Sino ang nakaaalala sa anim na uri ng
tatsulok?
Ang anim na uri ng tatsulok ay Isosceles,
Bhona Equilateral, Scalene, Obtuse, Acute, and Right
Triangle
Mahusay! Pakiikot ang ating spinning
wheel para sa iyong indibidwal na
puntos.

Sa isang tatsulok, ilang gilid o sides Tatlo ma’am


ang mayroon ito?

Tumpak! Paki-ikot na rin ang ating


spinning wheel, Jestoni para sa iyong
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

puntos.

Ngayon, bibigyan ko kayo ng


dalawang minuto para buuin ang
litratong iyan. Ang unang matatapos
ay pumalakpak lamang ng tatlong
beses nang walang ingay at
iwagayway ang inyong bandila upang
magkaroon kayo pagkakataon na
pausarin ang inyong sasakyan.

Pakitignan kung magkatulad ba ang


larawang inyong binuo sa larawang
nasa harapan Opo, ma’am

Dahil lahat ay tapos nang buuuin ang


ating litrato, sino sa tingin ninyo ang
nasa larawan? Pamilyar ba kayo kung Si Francisco Baltazar, ma’am
sino siya?

Napakahusay! Palakpakan natin ang


ikalimang pangkat.
C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

WHO YOU? A Character


Profiling…

Bukod sa kaniyang pangalan, ano pa


ang inyong kaalaman tungkol kay
Francisco “Balagtas” Baltazar?

Kung wala na, atin pa siyang


kilalanin sa pamamagitan ng
character profiling. Alam ba ninyo
kung ano ang character profiling?

Ang character profiling ay isang


Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

pamamaraan upang makilala natin


ang isang tao. Kung nanonood kayo
ng mga Crime Documentaries o mga
pelikula na may kinalaman sa mga
misteryosong gumagawa ng mga
krimen, madalas nila itong ginagawa
upang makilala kung sino ang
maaaring halimbawa pumatay sa
isang biktima gayundin na bibigyan
din nila ng character profile ang mga
biktima sakaling magkaugnay ang
krimen lalo na kung magkaparehong
lugar at pamamaraan ginawa ang
krimen.

Batay sa hawak ninyong mga salita,


idikit ang mga ito sa tingin ninyo ay
nararapat mula sa mga kaligiran ni
Francisco Baltazar diyan sa
nakatalagang paglalagyan ninyo
bawat pangkat

Magaling ang bawat pangkat sa


paghahanay ng kanilang hinuha sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

profile ni Balagtas. Ngunit sa lahat


ang ika-tatlong pangkat ang
mayroong pinakamaraming tamang
kasagutan. Kung kaya’t sila ang may
pagkakataon na iusad ang kanilang Dahil sa isunulat niyang awit na Florante at Laura
sasakyan. ma’am na kung saan sa tagal na niyang naisulat ito
ay magpasahanggang ngayon ay buhay pa.
Alam ba ninyo kung bakit pinag-
aaralan natin siya ngayon?

Napakahusay! Bigyan natin ng


limang bagsak si Raquelyn. Paki-ikot
na ang ating spinning wheel para sa Ma’am!
iyong puntos.
Sino rito ang nagmahal na o
nagmamahal pa lamang? Opo, ma’am

Ikaw rin ba ay labis kung magmahal?


Iyong ibubuhos mo lahat para sa
taong mahal mo?

Tignan natin baka pareho kayo ng


magiging karanasan ni Francisco.
Upang malaman natin kung ano nga
ba ang nagtulak kay Francisco na
isulat ang Florante at Laura, ating
ipagpatuloy ang ating character
profiling sa tulong ng isang picture
timeline.

Opo, ma’am

Mayroon kayong kaniya-kaniyang


picture timeline. Gayundin na
mayroon kayong envelope ng mga
salita na kung saan ang mga salitang
iyan ay ididikit ninyo sa mga litrato
na ipinapahiwatig ng mga larawang
iyan. Ang unang makatapos ng
gawain sa loob ng isang minuto ng
tama ay magkakaroon ulit ng
pagkakataon na iusad ang kanilang
sasakyan. Naintindihan ba?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Kung ganoon, ang inyong dalawang


minuto ay magsisimula na.

 Taong 1838 nang makalaya siya sa


kulungan at pumunta sa Udyong, Bataan
 Nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana
Tiambeng
 Muli siyang nabilanggo dahil sa sumbong
ng isang katulong na umano’y pagputol ng
buhok niya.
 Nakalaya siya taong 1860 at ipinagpatuloy
ang pagsusulat ng mga komedya, awit at
korido
 Noong Pebrero 20, 1862 ay namayapa siya
sa piling ng kaniyang asawa at apat niyang
anak

Binabati ko ang unang pangkat


sapagkat sa pagkakataong ito, sila
naman ang nauna at tama ang
kanilang kasagutan.
Pneumonia ma’am
Sinong nakakaalam dito kung ano
ang dahilan ng pagkamatay ni
Balagtas? Respiratory System ma’am

Tama! Maaari mo nang iikot ang


ating spinning wheel para sa iyong
puntos.
Alam ba ninyo kung saang Sistema
ng ating katawan ang naaapektuhan
kapag nagkakaroon tayo ng
pneumonia?

Tumpak! Sa ating asignatura na


agham, itinuro na sa parte ng ating
respiratory system, sa bandang
alveoli natin, kapag nagkaroon iyan
ng blockage ng fluid, magdudulot
iyon ng pagkaantala ng pagdaloy ng
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

oxygen sa ating dugo na nagreresulta


ng pneumonia.

Suriin ang dalawang larawang dito sa


harapan ninyo. Kung makikita ninyo,
kapag positibo tayo sa pneumonia,
nagbabago ang pisikal na itsura ng
ating baga. Oras na nagkaroon na
nang blockage sa ating alveoli o
selula magsisimula nang mamaga ang
ating baga.

Sa datos sa ating statistics na


ipinalabas noong Enero ngayong taon
halos 34.3 na libong tao ang
namamatay dahil sa pneumonia na
nagpapababa ng ating populasyon ng
mahigit 62.7 na libo na kung saan ang
pneumonia ay ang ikalimang dahilan
ng pagkamatay ng babaeng mga
Pilipino ang namamatay sa
magkakaparehong panahon.

Mula pa sa sciencedirect.com, malaki


sa parte ng populasyon ng naoospital
sa PIlipinas ay dahil sa pneumonia na
mayroong porsiyentong 19.9 %
samantalang 6.4 naman sa Malaysia
at pinakamababa sa Indonesia na
mayroong 1.5 na porsiyento.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


FIND ME NOT!

Ngayong alam na ninyo ang


talambuhay ni Francisco Baltazar at
ang kaniyang naging buhay bilang
manunulat, pumunta nga dito sa
harapan ang dalawang miyembro
bawat pangkat.

Ilalagay ko sa ulo ninyo ang hugis-


koronang ito na mayroong mga salita.
Sa loob ng isang minuto, hahanapin
ninyo ang angkop na salita na
maaaring maglarawan ng mga nasa
ulo ninyo. Kahit sino sa bawat
pangkat ang maaaring maging
kapareho ninyo.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Gawin ito nang hindi ninyo ginagamit


ang inyong bibig. Hindi kayo
maaaring makipag-usap o magsalita
habang ginagawa ito.
Opo, ma’am
Sa mga nakaupo sa bawat pangkat,
iwasan ang pag-iingay. Hayaan
ninyong sila ang dumiskarteng
hanapin ang kanilang mga kapareha.
Babawasan ko nang puntos ang mga
mag-iingay o magsesenyas. Nakuha
ba?

Narito ang mga salitang mailalagay


sa kanilang noo,
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


DIG DEEPER…

Ayon kay Epifanio de los Santos, na


isang historian, nalimbag ang unang
edisyon ng “Florante at Laura” noong
1838 kung saan 50 gulang na si
Francisco at noong 1906 nalimbag
naman ang “Kung sino ang kumatha
ng ‘Florante’” ng dalubhasa sa
Tagalog na si Hermenegildo Cruz sa
tulong rin ng anak ni Francisco na si
Victor Baltazar.

Nalimbag ito sa mumurahing papel


na tinatawag na “papel de arroz” na
yari sa palay. Apat na Himagsik na naghari sa Puso at Isipan ni
Sa obra maestrang ito, masasalamin Balagtas:
ang tinutukoy ni Lope K. Santos ang 1. Ang Himagsik Laban sa Malupit na Pamahalaan
“Apat na Himagsik na naghari sa 2. Ang Himagsik sa Hidwaang Pananampalataya
puso at isipan ni Balagtas, pakibasa 3. Ang Himagsik Laban sa mga Maling Kaugalian
nga ng ikalawang pangkat 4. Ang Himagsik Laban sa Mababang Uri ng
Panitikan

Ngayon, sino sa inyo ang 1. Ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan


makapagbibigay ng sarili niyang ay tungkol sa kapangyarihan na hawak ng
ideya sa kung bakit ganyan ang dalawang sangay, ang simbahan at ang
tumatak sa puso at isipan ni Balagtas? pamahalaan. Bagamat magkaibang mga tao ang
may hawak, iisa sila sa turing at kapangyarihan at
kung mayroon mang hidwaan ang simbahan ang
nagwawagi at nakapangyayari. Sa panahong ito,
isa lang dapat ang relihiyong paniniwalaan,
tanging ang IglesyaKatolika Apostolika Romana
Mahusay! Iikot mo na ang ating spin na siyang kinikilala bilang “religion official del
wheel para sa iyong karagdagang estado”
puntos. Ano naman ang ideya ng iba
sa iba pang himagsik ni Balagtas?

2. Ang Himagsik laban sa hidwaang


pananampalataya ay upang patunayan na mali ang
kuru-kuro ng mga tao tungkol sa pananampalataya
na kung saan ipinasok ng mga espanyol na kaaway
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

ang Moro-Moro nang ipakilala nila ang relihiyong


kristiyanismo. Kasabay nito, ikinulong ng mga
kastila ang mga Pilipino sa estereotipong ang mga
Moro ay asal-hayop at walang maidudulot na
mabuti sa mga tao

3. Himagsik laban sa maling kaugalian ay


pinapatungkulan ni Florante ang mga Pilipino
tungkol sa pagtataksil sa kapwa, kaibigan,
kapamilya at lalong-lalo na sa bayan. Ipinapabatid
niyang ang mga ganitong kaugalian ay dulot ng
inggit, galit at kasakiman na itinatanim ng mga tao
sa kanilang puso at kalooban.

4. Ang himagsik laban sa mababang uri ng


panitikan ay tungkol sa paglaban niya sa
pagtuturing ng mga Kastila na mababang uri ng
panitikan ang akdang tagalog na isinusulat ng mga
Pilipino sa mga panahong iyon. Sa panahong ito,
mahigpit ang sensura kung kaya’t walang
karapatan ang mga Pilipino na maipahayag at
magsulat ng sarili nilang saloobin at
opinyon.Ngunit hindi naging hadlang ang mga
mananakop sa hangarin ni Baltazar sapagkat
gumamit siya ng mga matatayog na talinhaga at
maririkit na salita upang maitago ang kaniyang
saloobin at opinyon.
F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
SHARE MO LANG!

Naintindihan at natuto ba kayo sa Opo, ma’am


ating aralin ngayong araw?

Kung gayon, maaari bang mayroong Pangkat 1. Isa sa natutunan ko sa buhay ni


isang magbahagi sa bawat grupo ng Balagtas ay sa oras na parang binagsakan ka ng
kanilang natutunan o napagtanto sa pinakamabigat na problema na akala mo katapusan
talambuhay ni Balagtas at maging sa na ng lahat, ay maaaring pagkakataon na ibinigay
apat na himagsik na naghari sa puso ng Diyos upang makagawa ng bagay na higit sa
at isipan niya na iniwan niya sa inaakala mong kaya mo. Gaya ni Balagtas, noong
kaniyang libro? nabigo siya sa pag-ibig at kahit noong ipakulong
siya, doon niya nagawa ang kaniyang obra maestra
na pagpasahanggang ngayon kahit wala na patuloy
pa rin sa pagbibigay ng aral at inspirasyon ang
akdang ginawa niya
G. Pagpapayaman ng Aralin
 CONCENTRATE
Sa gawaing ito, masusubukan ang
inyong bilis at galing sa
pagmememorya ng mga litrato at
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

salita.

Gamit ang ating concentration table,


isasaulo ninyo ang mga makikita
ninyo dahil tatlong beses ko lamang
ipapakita sa inyo.

Pagkatapos, magbibilang ako ng lima


at bawat pangkat magsasalitan ng Opo, ma’am
pagpipili. Sa pagpili ninyo, kailangan
ninyo munang magsabi ng salita na
maglalarawan dito o salitang
nauugnay dito. Handa na ba ang
lahat?

Binabati ko kayong lahat dahil


nahulaan ng karamihan ang kanilang
mga napiling mga numero.

Gayundin na bigyan natin ng tatlong


bagsak ang ikaapat na pangkat
sapagkat sila ang mayroong
pinakamaraming tama ang nahulaan.
Maaari na ninyong iusad ang inyong
sasakyan.

H. Paglalahat ng Aralin
Binabati ko kayong lahat dahil
nahulaan ng karamihan ang kanilang
mga napiling mga numero.

Ngayon sino ang makapagbibigay ng Ang pinag-aralan natin ngayon ay tungkol sa


kabuuan ng ating tinalakay sa araw na talambuhay ni Francisco Baltazar at ang naging
ito? karanasan niya bago niya maisulat ang kaniyang
obra maestrang “Florante at Laura.” Gayundin na
nalaman naminn ang tungkol sa mga layunin at
aral na nakapaloob sa awit na kaniyang isinulat.

Mahusay! Iikot mo na ang ating spin


wheel para sa iyong karagdagang
puntos.
I. Pagtataya ng Aralin
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

SUBUKIN NATIN!

Sa ibinahagi ng inyong mga kamag- Opo, ma’am


aral, pareho ba kayo ng natutunan?

Kung ganoon, magkakaroon tayo ng


maikling pagtataya. Ang inyong
kasagutan ay inyong isusulat sa
inyong illustration board. Pagkatapos
kong basahin ng dalawang beses ang
katanungan, magbibilang ako ng tatlo
at maaari na ninyong itaas ang inyong
kasagutan.

Ang magtataas ng hindi pa tapos ang Opo, ma’am


aking bilang ay hindi na makasasagot
pa sa bilang na sinasagutan natin.
Naintindihan?

Maikling Pagtataya sa Aralin


I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Piliin ang letra ng tamang
sagot.
1. Ano ang kilalang katawagan kay
Francisco Baltazar?
A. Balagtasan
B. Baltazar
C. Balagtas
2. Anong buwan ipinanganak si
Francisco Baltazar?
A. Abril
B. Hunyo
C. Disyembre
3. Saang lugar ipinanganak si
Francisco Baltazar?
A. Pandacan, Maynila
B. Bigaa, Bulacan
C. Tondo, Maynila
4. Sino ang nagturo kay Francisco
Baltazar na sumulat ng tula?
A. Maria Rivera
B. Jose Rizal
C. Huseng Sisiw
5. Ilan ang naging anak ni Francisco
kay Maria Asuncion Rivera?
A. Labing isa
B. Apat
C. Wala sa nabanggit
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

II. IDENTIPIKASYON
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat
bilang
6. Siya ang naging karibal ni
Francisco sa panliligaw kay Maria
Asuncion Rivera
7. Ito ang dahilan ng pagkamatay ni
Francisco Balagtas
8. Ano ang dahilan ng pagkakakulong
niya sa ikalawang beses?
9. Ano ang buong pangalan ng
napangasawa ni Francisco?
10. Ano ang tema ng awit na Florante
at Laura

III. Enumerasyon
1. Ibigay ang apat na himagsik na
naghari sa puso at isipan ni Francisco
Balagtas nang isulat niya ang
Florante at Laura
J. Takdang Aralin
TAYO’Y MAGBASA

Unang pangkat, pakibasa ang panuto Panuto: Basahin at unawain ang unang kabanata
ng inyong takdang aralin. ng “Florante at Laura” at tukuyin kung ano ang
nakapaloob na damdamin ng may akda gamit ang
wika ng kabataan.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


KATHERINE R. BANIH LHEA G. CALACAL
Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinatunayan nina:
CHONALYN B. BENTRES MICKAEL A. RAYMUNDO
Subject Group Head Punong Guro

You might also like