Professional Documents
Culture Documents
BSED 2B.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Balangkas ng awit\kanta\musika
1.Pagsusuri ng Pamagat
-Ang pamagat na “ang buhay ko” ay nagpapahiwatig ng karanasa at buhay ng manunulat. Ito ay
ginamit na pamagat dahil dahil inilalarawan nito ang buhay na kinagisnan ng manunulat at
pagpupursige jiyang maabot ang kanyang pangarap.
-Ang bandang Asin ay nabuo noong 1976 na pinangunahan ni Mike Pillorq at Cesar Benares Jr.
Pagkatapos ng isang taon isinali nila su Lolita Carbon bilang pangunahing tagakanta. ‘Di kalauna'y
pinangalanan ni Pillora ang kanilang banda bilang Salt of the Sea na base sa bibliya na ang ibig sabihin ay
ay mapagkumbaba at tapat sa masa.
Noong 1978, naging mga manunulat, kompositor at taga ayos bg kanta si Mike Pillora at sila ay
pumirma ng kontrata at isninalokal ang pangaln bilang Asin ng Lupa na kalauna'y nakilala bilang ASIN.
3. Pagsusuri sa Tagpuan
4. Paglalarawan sa Tagpuan
- Ang pangunahing tauhan dito ay ang manunulat na sitang nagbahagi ng kanyang kwento ng
buhay at sa pag abot ng kanyang pangrap.
5. Pagsusuri sa Paksa
-Ang awitin ay tungkol sa ipinaglabang pangarap sa mundo ng musika sa gutna ng mga pagsubok at
sa pag abot niya sa tuktok ng tagumpay ng walang pagsisisi.
Unang Saknong
Ipinakilala ang buhay na kinalakhan at mga taong nakapaligid sa kanya na gustong pumigil sa daang naus
tahakin.
Pangalawang Saknong
Dahil sa walang kasiguraduhang pangarap at landas na nais tahakin, ang mga magulang at kaanak ay
labis ang pagtutol at panghuhusga. Ngunit dahil sa nagliliyab na damdamin, walang takot na humakbang
at tumalikod sa lahat upang bigyang himig ang yugto ng buhay.
Pangatlong Saknong
Umabot sa kung saan- saang lugar at inikot ang buong bayan mabigyan lamang ng buhay ang musikang
nagbigay ng buhay sa pagkatao hanggang naabot ang katanyagan at naabot ang daan na may kalyaan
Ang pagtanggap sa napiling lndas ang nais sa mga pamilya at kaaanak a ang desisyon ay hindi kailanman
pinagsisihan.
-Siguro para sa mga magulang, abg pagtalikod sa pamilya upang maabot ang nais na pangarap ay
hindi katanggap- tanggap. At tama iyon, subalit bilang magulang sana ay alam natin na ang suporta at
pagmamahal sa anak ang pnakakaipangan ng isang batang nangangarap. Ang panghuhusga at pagpugil
sa daang nais tahakin ay magiging dahila. Lamang ng rebelyon at pagwawatak ng pamilya. Kung
kaya'tarapat lamng na mabigyan ng importansya ang pangarap ng isangbata
BALANGKAS NG TULA
1. Pamagat
- Ang pamagat ng tula ay “KABAYANIHAN” ni Lope K. Santos
2. Talambuhay ng may akda
- Si Lope K. Santos ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan, sa simula ng ika- 1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin
siyang abogado, kritiko, lider, obrero, at itinuring na “Ama ng Pambansang Wik at “Ama
ng Balarila ng Pilipinas”
3. Paksa
- Ang tula ay nakapokus sa mga katangian ng tumay na bayani ng Pilipinas. Mga sakripisyo
at pagpapakahirap ng mga bayani upang matamasa ng iba ang katahimikan at
kapayapaan ng bayan.
4. Simbolismong Ginamit
- “Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
Pinuhunan mo at inialay
Kapagka ibig mong sa kaalipinan
Ay makatubos ka ng aliping bayan
5. Genre
- Ang uri ng tulang ginamit ay Tulang Pasalysay
6. Tugma at Sukat
- Ang unang saknong ay magkakaparehong nagtatapos sa tunong na -o, sa pangalawa
naman ay tunog -I, sa pangatlo at pang- apat nasaknong ay nagtatapos sa tunog na -a.
Ang bawat taludtod sa bawat saknong ay mayroong labindalawang bilang ng pantig.
7. Angkop na Teoryang Pampanitikan
- Ang angkop na teoryang pampanitikan ay ang Teoryang Romantisismo
“Natalastas mong sa iyong pananim
Iba ang aani't iba ang kakain;
Ang magpakasakit ng sa iba dahil”
8. Pagpapaliwanag ng bawat Saknong
Unang Saknong
Ang Kabayanihan ay isang paglingkod na kahit mahirap ay kaniyang gagawin dahil ang pagtulong
ay kusa at nasa pagkatao na na
Ikalawang Saknong
Sa buhay ang mga bagay na sa iyo ay maaaring ibigay sa iba. Sa ikakasaya at ikapapanatag ng
damdamin ay pipiliin mong magbigay kahit pa ikaw ang mawalan.
Ikatlong Saknong
Mga sakripisyo at kahit sariling buhay ay nakahang ialay makalamit lang ang kalayaan na
hinahangad ng nakakarami
Ikaapat na Saknong
Sa kasiyahan ng iba ay reaulta ng pagpapakahirap ng bayani. Malaya sila ngunit alipin ang bayani
ng pag- ibig at sakripisyo ng bayani.
Ikalimang Saknong
Sa sobrang pagiging makabayan ay nalimot na ang sakit dulot ng pagtalikod ng iba sa sakripsyo.
Ang mga sakripsyo at hirap ng bayani ay tuluyan ng nalimot at napabayaan dulot ng sariling
kasiyahan.
9. Talinhaga
- diyos- sandigan, tagapagpaalala
“Pag- ibig sa kapwa ang lagi mong diyos
10. Larawang Diwa
- Magulang at pamilya. Ito ang nabuong imahen sa akin dahil sula ang tunay at totoong
bayani. Nakahanda silng isakripisyo lahat kahit pa kanilang buhay at kaligayahan
matugunan lang ang pangangailangan ng anak.
Balangkas ng Sanaysay