You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa pangangalaga sa kalikasan.

Pamantayan sa Pagganap

Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa


kalikasan.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. (EsP10PB IIIg-12.1)


2. Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa Lipunan.
(EsP10PB IIIg-12.2)

I. Layunin:
a. Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan.
b. Nalalaman ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
c. Nakapagsusuri ng isang awiting nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pangangalaga sa
kalikasan.

II. Nilalaman:
Paksa: Pangangalaga sa Kalikasan (Isyung Pangkalikasan)
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Kagamitan: Laptop, TV, Visual aids, PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pag-uusisa ng mga sumusunod:
-Kalinisan ng silid aralan
-Pagtatala ng mga liban
-Pagbabalik- aral
B. Pagganyak:
Bago tayo dumako sa ating talakayan
ngayong araw, ay may inihanda muna akong
isang gawain para sa inyo. Mayroon akong mga
pasasagutan sa inyo.

Ang mga sagot na inyong makukuha sa bawat


Math problems ay may mga katumbas na letra.
Aayusin natin ito para malaman natin ang
paksang tatalakayin natin para sa araw na ito.

2 3 4 8 10 1 5 6 7 9 11 12 12
ANGAA PANGLGA SA

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
256839174
AKAALNKSI

Base sa ating ginawang Gawain, ano ang paksang PANGANGALAGA SA KALIKASAN


ating tatalakayin ngayong araw?

KRA 1: Objective 2- I started the lesson with a


motivation activity to get the attention of the
learners and at the same time, the theme of the
activity is related to the topic for today.

KRA 1, OBJ. # 3
-The teacher encourages students to participate
and speak.

C. Pangkatang Gawain:
Ngayon, upang lubos nating maunawaan
ang paksang ating tatalakayin ay may inihanda
akong isang pangkatang gawain. Hahatiin ko
kayo sa apat na pangkat. Pero bago ninyo
isagawa ang pangkatang Gawain, panoorin muna
natin ang video na ito.

https://www.youtube.com/watch?
v=tNfz0vSHjEU

Pangkatang Gawain: Hahatiin ng guro sa apat


ang liriko ng awiting “Masdan mo ang
Kapaligiran” na inawit ng Asin. Babasahin at pag-
aaralan ng bawat grupo ang nakaatas sa
kanilang liriko ng awit at pagkatapos ay
sasagutin ang mga katunangan kaugnay nito.

Handa na ba ang lahat?


Pangkat 1 Pangkat 2
I. Wala ka bang III. Ang mga duming
napapansin ating ikinalat sa hangin
Sa iyong mga kapaligiran Sa langit huwag na
Kay dumi na ng hangin nating paabutin
Pati na ang mga ilog Upang kung tayo’y
natin pumanaw man
Sariwang hangin sa
II. Hindi na masama ang langit natin matitikman
pag-unlad
At malayu-layo na rin IV. Mayroon lang akong
ang ating nararating hinihiling
Ngunit masdan mo ang Sa aking pagpanaw sana
tubig sa dagat ay tag-ulan
Dati’y kulay asul ngayo’y Gitara ko ay aking
naging itim dadalhin upang
Sa ulap na lang tayo
magkantahan
Pangkat 3 Pangkat 4
V. Mga batang ngayon VII. Darating ang
lang isinilang panahon mga ibong gala
May hangin pa kayang Ay wala ng madadapuan

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
matitikman? Masdan mo ang mga
May mga puno pa kaya punong dati ay kay tatag
silang aakyatin Ngayo’y namamatay
May mga ilog pa kayang dahil sa’ting kalokohan
lalanguyan?
VIII. Lahat ng bagay na
VI. Bakit ‘di natin pag- narito sa lupa
isipan Biyayang galing sa Diyos
Ang nagyayari sa ating kahit nong ika’y wala pa
kapaligiran Ingatan natin at ‘wag
Hindi na masama ang nang sirain pa
pag-unlad Pagkat pag kanyang
Kung hindi nakakasira binawi, tayo’y mawawala
ng kalikasan na.

KRA 1, Objective 3. I created a group activity and


prepared a set of questions that can develop
critical and creative thinking as well as the
Higher Order Thinking Skills

D. Pagsusuri:
1. Ano ang mensahe ng lirikong nakaatas sa -Magbabahagi ng kasagutan
inyo Pangkat 1? Pangkat 2? Pangkat 3?
Pangkat 4?
2. Anu-ano ang mga paglabag sa kalikasan -Magbabahagi ng kasagutan
na nagawa ng tao ayon sa awit? Isa-isahin
ito.
3. Ayon sa awit, ano ang mga nararapat -Magbabahagi ng kasagutan
nating gawin para sa kalikasan?
4. Bakit kinakailangan nating gawin ang -Magbabahagi ng kasagutan
mga isinulat mong kilos na nararapat
gawin para sa kalikasan?

E. Paghahalaw:
Genesis, kabanata 1, talata 27-31
Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang
sariling larawan bilang lalaki o babae.
Binasbasan sila ng Diyos at binigyan ng tagubilin
na magparami. Kaakibat ng pagbabasbas na ito
ay ang utos na punuin ang daigdig at magkaroon
ng kapangyarihan dito lalo na sa lahat ng
Kaniyang nilalang.

 Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang


kapangyarihan na pangalagaan ang
kalikasan na Kaniyang nilikha.
 Ang pagtitiwalang ito ay isang patunay na
minamahal tayo ng Diyos kung kaya’t
ibinigay Niya sa atin ang kalikasan.
 Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos
upang tayo ay patuloy na mabuhay.
Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng
kalikasan.

Ano ang kahulugan ng Kalikasan?


Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin,
may buhay o walang buhay. Ito ay kinabibilangan
ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang
uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat
ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at iba pa na
siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga nilalang sa kanilang

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
buhay.

III. Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan


1. Maling pagtatapon ng basura
2. Ilegal na pagputol ng mga puno
3. Polusyon sa hangin, tubig at lupa
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng
hayop at halaman sa kagubatan
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Pag-convert ng mga lupang sakahan
7. Global Warming at Climate change
8. Komersiyalismo at urbanisasyon

KRA 1: The teacher used effective verbal and non-


verbal strategies to support learner
understanding, participation, engagement, and
achievement.

F. Paglalapat

Panuto: Ipagpalagay na nag-uusap ang bawat


bahagi ng ating kalikasan tungkol sa mga
nangyayari sa kanila sa panahon ngayon. Batay
sa kanilanh pag-uusap, sagutan ang mga
sumusunod na tanong:

Hangin: Ako ay puro usok na at mabaho. Kung


bakit kasi puro sunog na lang nangyayari, pati
plastic, sunugin pa!
Tubig: Ako rin, lahat na lang ibasura sa akin,
hindi kaya sila nandidiri sa akin. Sa akin din
naman nanggagaling ang paglulutuan nila.
Kahoy: Ako Hangin at Tubig, tignan niyo
nakakalbo na ako, pinuputol at inaalisan na ako
ng sanga at dahoon. Wala na akong masipsip na
tubig.
Lupa: Mga kaibigan, ako si Lupa, ako ay
naghihingalo na, ang nutrisyon ko ay napalitan
na ng asido, asido mula sa makapanira na
pestisidyo at iba pa.

1. Anu-ano ang mga isyu o hinaing ng bawat


isa?
2. Tukuyin ang isyu ng mapanirang
paggamit sa bawat isa.
3. Anu-ano ang pwede nating gawin kaugnay
sa paggamit natin sa ating kapaligiran
upang mapangalagaan at hindi lubos na
masira?

KRA 2: Objective 4- The teacher was able to get


the response of the learners by providing this
activity. From this activity learners were able to
think critically and provide meaningful
explanation and discovery of new ideas.

IV. Paglalahat
“The planet you do not save is the earth you will
not live upon.” -Pope Benedict XVI

V. Ebalwasyon:

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
Panuto: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na pahayag na nagpapakita ngmga
pangyayari o pagbabago sa ating paligid. Piliin
mula sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

_______1. Ang patuloy na pagpapatayo ng


naglalakihang gusali, mall, condominium units at
iba pa, paggawa ng kalye sa mga bayan o siyudad
o anumang ginagawang pagpapaunlad sa lugar
ay nagdudulot kung minsan sa pagputol ng mga
kahoy.
_______2. Unti-unting nauubos ang mga yaman
dito dahil sa hindi matigil na cyanide fishing,
dynamite fishing, at sistemang muro-ami na
pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi
maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
_______3. Tumutukoy ito sap ag-uugali ng tao at
mga kilos na nagpapakita nang labis na
pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal
sa mga material na bagay sa halip na ibang mga
pagpapahalaga.
_______4. Karaniwang nagdudulot ng mga
karamdaman tulad ng respiratory diseases, sakit
sa digestive tract, sakit sa balat, at marami pang
iba.
_______5. Ang patuloy na pagtaas ng temperature
bunga ng pagdami ng tinatawag na green house
gases lalo na ng carbon dioxide sa ating
atmospera.

Susi sa pagwawasto:
1. E
2. B
3. D
4. A
5. C

V. Takdang Aralin
Panuto: Magbigay ng isang maikling pagbubuod
ng iyong natutunan tungkol sa araling ito na
isyung pangkalikasan. Ipaliwanag mo kung bakit
mahalaga na malaman ng ibang tao ang ideyang
iyong sinulat. Isulat ang sagot sa notebook.

Inihanda ni:

JERCY ANN M. CASTILLO


Guro I
Binigyang pansin ni:

CHERYL F. FABREGAS
Punongguro I

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559

You might also like