You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa dignidad sa tao.

Pamantayan sa Pagganap

Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na


mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao. (EsP10MP-If-4.1)

2. Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at


indigenous groups. (EsP10MP-If-4.2)

3. Naipatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi (hindi


siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban)
(EsP10MP-Ig-4.3)

4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa


ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao. (EsP10MP-Ig-
4.4)

I. Layunin:

1. Nalalaman ang tunay na kahulugan ng dignidad.


2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na
mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang
tao.
3. Napatutunayan na nakabatay sa dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi at sa
pagkakawangis niya sa Diyos.

II. Nilalaman:
Paksa: Dignidad
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Kagamitan: Laptop, Projector, Speaker, Visual aids, PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pag-uusisa ng mga sumusunod:
-Kalinisan ng silid aralan
-Pagtatala ng mga liban
-Pagbabalik- aral
B. Pagganyak:
Bago tayo dumako sa ating talakayan
ngayong araw, ay may inihanda muna
akong isang gawain para sa inyo. Mayroon
akong ipapakitang mga larawan. Nais kong
suriin ninyong Mabuti ang bawat larawan
na aking ipapakita.

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY

Ano ang napansin niyo sa mga larawan na


aking ipinakita?
-Magbabahagi ng kasagutan
Saan sila nagkatulad o nagkapare-pareho?
-Magbabahagi ng kasagutan
Kagaya ng lahat ng tao, ano ang
nagpapabukod tangi sa kanila?
-Magbabahagi ng kasagutan
Tungkol saan kaya ang ating paksa sa araw
na ito?
-Dignidad

KRA 1: Objective 2- I started the lesson with


a motivation activity to get the attention of
the learners and at the same time, the
theme of the activity is related to the topic
for today.

KRA 1, OBJ. # 3
-The teacher encourages students to
participate and speak.

C. Pangkatang Gawain:
Ngayon, upang lubos nating
maunawaan ang paksang ating tatalakayin
ay may inihanda akong isang pangkatang
gawain. Hahatiin ko kayo sa apat na
pangkat. Ang bawat pangkat ay
magpaparamihan ng mahahanap na salita.
Bilugan ang mahahanap na salita. Gamitin
ang mga nahanap na salitang upang
makabuo ng isang pahayag. Umpisahan ang
pahayag sa Ang Dignidad ay______________.
Mayroon lamang kayong 10 minuto para
gawin ang Gawain.

Handa na ba ang lahat?

D O T E P S E R K A

A I B I G A Y I M A

P N N B L A P A O W

A B G N Y A T N A P

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
T C D G I F H U W A

S O L I K D R S T K

G N O L U T A O D V

G A L A N G G N X U

P A G M A M A H A L

H A L A G A F D C B

Mga Salita:

Dapat Kapwa Pantay


Respeto Tama Pagmamahal
Ibigay Tulong Halaga
Kilos Tao Galang

KRA 1, Objective 3. I created a group activity


and prepared a set of questions that can
develop critical and creative thinking as well
as the Higher Order Thinking Skills

D. Pagsusuri:

1.Ano ang ibig sabihin ng mga salitang


inyong nahanap? -Magbabahagi ng kasagutan

2. Mula sa pahayag na inyong nabuo, ano


ang na kahulugan ng Dignidad? -Magbabahagi ng kasagutan

E. Paghahalaw:

Ano nga ba ang kahulugan ng Dignidad?

Dignidad- galing sa salitang Latin na


dignitas mula sa “dignus” na ang ibig
sabihin ay karapat-dapat. Ito ay
nangangahulugang pagiging karapat-dapat
ng sinumang tao na mabigyang halaga at
paggalang sa kanyang kapwa.

Sinu-sino po ba ang mga taong may


dignidad? Sinu-sino po ba ang karapat-
dapat sa paggalang at pagrespeto? -Magbabahagi ng kasagutan

Mayroon akong isang maikling video na


ipapapanood sa inyo. Galing ito kay Ginoong
Ricsel Jazon Mananita, sabay sabay nating
panoorin. (KALKAL documentary video)

Ano ang iyong naramdaman matapos mong


mapanood ang video? -Magbabahagi ng kasagutan

Ipagpalagay na mayroon akong isang sisiw


sa aking palad. Kaya mo bang panoorin
kung paano ko pigain ang sisiw na ito
hanggang siya ay mahirapan at unti-unting

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
malagutan ng hininga?

Bakit sa tingin mo ang kahirapan ang isa sa


nagpapababa ng dignidad ng tao? -Magbabahagi ng kasagutan

Bukod sa ilan nating mga kababayan, isa


rin ang mga IP o Indigenous People sa mga
nakakaranas ng lubos na kahirapan.
Ngunit, paano pinagtatagumpayan ng ating
mga kababayang Indigenous People ang
buhay laban sa kahirapan upang manatiling
nakatindig ang kanilang dignidad? Narito
ang isang panayam ng isang guro sa ESP na
si Ginoong John Lester Briones sa isang
miyembro ng IP ng Pilipinas. Siya ay si
Ginoong Aljun Cayawan, ang prinsipe ng
mga Manobo. (Interview video on Mr. Aljun
Cayawan)

Ano ang iyong naging repleksyon sa sarili


matapos mapanood ang video? -Magbabahagi ng kasagutan

Tandaan, bilang nilikha ng Diyos tayong


lahat ay pantay-pantay.

KRA 1: The teacher used effective verbal and


non-verbal strategies to support learner
understanding, participation, engagement,
and achievement.

F. Paglalapat

Panuto: Sagutin ang gawain gamit ang


inyong braso. May mga larawan akong
ipapakita at pahayag akong babanggitin, sa
hudyat ng guro, gawin ang Check pose kung
ang pahayag ay tama at X pose naman kung
ito ay mali.

Naunawaan niyo po ba ang gagawin? May


katanungan po ba? -Opo!

1. Si Nena ay nagtatrabaho sa bar,


sinisipolan siya sa tuwing siya ay
mapapadaan.
2. Tinatawanan ang mga Ita na
makikita dahil sa kanilang
kakatuwang kasuotan.
3. Ang mga pulubi na makita sa
bangketa ay pandidirihan.
4. Kinukutya ang kaklaseng butas at
luma ang uniporme dahil walang
maibili ng bagong gamit.
5. Si Rose ay kinukutya at walang
gusting makipagkaibigan sa kanya
dahil sa kulay ng kaniyang balat.

1. Ano ang inyong naramdaman habang


sinasagawa ang gawain?
-Magbabahagi ng kasagutan.

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
2. Ano ang napansin ninyo sa bawat
sitwasyon o pahayag na aking
nabanggit?
-Magbabahagi ng kasagutan.
3. Mula sa mga isyung nabanggit, ano
ang iyong magagawa upang patibayin
ang iyong loob sa mga nakalulungkot
na pangyayaring ito?
-Magbabahagi ng kasagutan.
4. Papaano ka tutugon sa mga taong
nasasadlak sa ganitong suliraning
panlipunan?
-Magbabahagi ng kasagutan.
KRA 2: Objective 4- The teacher was able to
get the response of the learners by providing
this activity. From this activity learners were
able to think critically and provide
meaningful explanation and discovery of
new ideas.

IV. Paglalahat
Ang pagtrato sa ating kapwa ay hindi dapat
nakabase sa kulay o grupong
kinabibilangan. Hindi tayo dapat namimili
ng taong igagalang. Bilang nilikha ng Diyos,
tayong lahat ay pantay-pantay. Kaya’t
maging pantay din dapat ang ating pagtingin
sa dignidad ng bawat isa.

V. Ebalwasyon:
Panuto: Isulat ang Tama kapag wasto ang
diwa ng pangungusap, isulat naman ang
Mali kapag ang diwa nito ay hindi totoo.
Isulat ang sagot sa inyong papel.

1. Ang “dignidad” ay galing sa Latin na salita 1. Tama


na ibig sabihin ay karapat-dapat. 2. Mali
2. Gawin mo sa iba ang ayaw mong gawin 3. Tama
ng iba sa iyo. 4. Mali
3. Kailangan mangibabaw ang paggalang at 5. Mali
pakikipagkapatiran dahil sa mata ng Diyos
ang lahat ay pantay-pantay.
4. Lagi mong isa-isip na ang iyong kapwa ay
dapat gamitin para sa sariling
kapakinabangan.
5. Piliiin mo ang taong dapat irespeto.

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pahayag na nasa ibaba. Ano ang gagawin
mo sa mga sumusunod na sitwasyon upang
maipakitang ikaw ay may dignidad?
1. Nanonood ka ng TV, nang bigla itong
ilipat ng tsanel ng nakababata mong
kapatid.
2. Sinisingil ka na ng inyong lider para sa
iasng proyekto, pero wala kang perang
maibabayad.
3. Nakipagkalas sa iyo ang iyong kasintahan
at ngayon ay nakikita mo siyang may

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL
PLARIDEL, LIPA CITY
kasamang iba.

Inihanda ni:

JERCY ANN M. CASTILLO


Guro
Binigyang pansin ni:

CHERYL F. FABREGAS
Punongguro

PLARIDEL NATIONAL HIGH SCHOOL


Plaridel, Lipa City
305559@deped.gov.ph
FB Page: DepEdTayoPNHS305559

You might also like