You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX
Zamboanga del Sur Division
San Pablo District
Daplayan Elementary School

February 28, 2024

LESSON PLAN FOR KINDERGARTEN


THIRD QUARTER

Content Focus:
I. Layunin:
• Nakikilala ang mga taong nakatutulong sa komunidad hal. guro,
bombero, pulis, at iba pa.

II. Paksa:
Mensahe: Mga Taong Nakatutulong sa ating Komunidad
Sanggunian: MELC Kindergarten; KMKPom-00-2
Kagamitan: Video Presentation, Pictures
Pagpapahalaga: Pakikinig sa guro:
Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magandang umaga mga bata.

Bago tayo tumungo sa ating aralin, ay sabay-sabay muna nating awitin ang
kantang”Ako, Ikaw,Tayo’y isang komunidad”
 Batay sa kanta ako,ikaw,tayong lahat ay kasapi sa komunidad.
2. Pagganyak
Sinu-sino ang nasa larawan?

Magaling !

Mga bata handa na ba kayong makinig.

Ngunit bago tayo tumungo sa ating aralin alamin muna natin kung anu-ano ang
dapat nating isa alang-alang sa pakikinig.
Patakaran sa loob ng klase:
1. Ituon ang pansin sa nagsasalita.
2. Makinig ng mabuti sa guro o sa nagsasalita
3. Itigil ang mga Gawain na maaaring magdulot ng pagkabaling ng
atensiyon.
B. Paglinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ngayon ay ating aalamin ang mga taong tumutulong sa komunidad at ang mga
tungkulin nila.
Ano ang kaya tawag natin sa kanya? (doktor)
Ano ang tungkuling ginagampanan ng doktor?( Nanggagamot ng mga taong
may sakit)
Sabihin nga ninyo kung ano ang tawag natin sa kanya?

Ano ang tawag natin sa kanya?(bombero)


Ano ang tungkulin ng isang bomber?( Siya ang tumutulong upang masugpo ang
apoy)
Nakikilala nyo ba kung sino siya?

(Pulis)
Magaling!
Ano naman ang ginagawa ng isang pulis?(siya ang sumusugpo sa mga
masasamang tao)
Sino naman siya at alam kong kilalang kilala nyo siya?(guro)

Anu-ano ang tungkulin ng isang guro?


(nagtuturo sa mga bata sa pagsulat,pagbasa at pagbilang)
Tama!

Ang mga guro ay siyang nagtuturo sa mga bata upang madagdagan ang
kaalaman at matutong sumulat, bumasa.

Nakikilala nyo ba kung sino siya?(karpintero)


Ano ang tungkulin ng isang karpintero? (gumagawa ng bahay)

Mga bata ano ang gusto ninyong maging paglaki ninyo? at bakit?
C. PANGKATANG GAWAIN:
Pangkat 1:
Pagdugtungin ang tungkulin ginagawa sa mga taong tumutulong sa ating
komunidad.
HANAY A HANAY B

1 Gumagawa ng bahay

2.
humuhuli sa masasamang tao
3.
Gumagamot sa maysakit
4.
Pumatay ng sunog

5. nagtuturo sa mga bata

PANGKAT 2:
Bilugan ang mga kagamitang kailangan sa kanilang trabaho.

1.

2.
3.

4.

5.

Rubrics:
Puntos Deskripsyon
Tama ang lahat ng mga sagot
May 1 o 2 ang mali sa mga sagot
May 2 o 3 na mali sa mga sagot

D. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Magkakaroon tayo ng laro.
Ang bawat hanay ang siyang magkakagrupo.
Ngayon, magbibigay ako ng mga larawan ng mga taong tumutulong sa ating
komunidad sa bawat grupo. Ang gagawin lamang ninyo ay unahan ang bawat
grupo na hulaan ang kung sino ang taong tumutulong sa kumunidad na
binabanggit ng guro sa pamamagitan ng pagtataas ng larawan.
Maliwang ba mga bata?
(magbibigay ng larawan ang guro sa bawat grupo)
2. Paglalahat
Ngayon mga bata, banggitin nga muli kung sino-sino ang mga taong
tumutulong sa ating komunidad?
Ipakita ang mga larawan sa mga taong tumutulong sa ating komunidad.

3. Pagtataya:

Kulayan ang angkop na pangalan ng mga taong tumutulong sa ating komunidad.


1.

2.

3.

4.

5.

IV. Kasunduan:
Gumuhit at kulayan ang mga taong tumutulong sa ating komunidad. Gawin ito
sa bond paper.

Prepared by: Checked by:

ANGELIE M. FERNANDEZ RICHARD C. DAYONDON


TEACHER ESHT-IV

You might also like