You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
TACLOBAN CITY NIGHT HIGH SCHOOL
Lungsod ng Tacloban

DI MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9


April 19, 2024
JAYSON B. DELOVERJES NORILYN GOSOSO
Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

I. Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa
sa nobela (F9PB-IVc-57)
2. Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay- katangian (F9WG-IVc-59)

II. Mga Nilalaman at Kagamitang Panturo:


Paksa: Pamumulaklak ng mga Balak (kabanata 22-27)
Mga Kagamitan: Powerpoint presentation, Laptop, kagamitang biswal
Sanggunian: Pinagyamang Wika at Panitikan 9 page 304-307

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsaayos ng silid aralan
4. Pagtala sa liban ng klase (pagtawag isa-isa sa mag-aaral)

B. Balik aral
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral bilang pagbabalik-aral:
1. Ano ang ating tinalakay noong nakaraang pagkikita?
2. Ano ang mga balakid at pagsubok na makikita sa kabanatang tinalakay noong
nakaraang pagkikita?

C. Pagganyak:
Gawain 1: Hulang-larawan
Panuto: Huhulaan ng klase ang nais ipabatid ng larawan. Ang unang makasagot
ay bibigyan ng puntos.
Gabay na tanong
1. Ano sa tingin mo ang pinapahiwatig ng larawan?
2. Gaano ito kahalaga sa tatalakayin ngayong araw?

D. Paglalahad ng aralin
Ang guro ay magpapakita ng mga vidyo tungkol.
1. Pamumulaklak ng mga Balak (kabanata 22-27)

E. Paglalapat
Upang masukat ang komprehensiya at pag-intindi ng mga mag-aaral ay mayroong
itatanong ang guro:
1. Ano ang ibig sabihin ng Pamumulaklas ng mga balak?
2. Kung ikaw si Basilio ano ang iyong gagawin sa pangyayari?
3. Paano mo ilalapat ang iyong natutuhan sa kabanatang ito sa pang-araw-araw na buhay.

Gawain 1: Uriin mo!


Panuto: Ang klase ay hahatiin sa tatlo. Ang bawat pangkat ay mayroong nakatalagang
sasagutan. Pumili sa naka parenthesis kung ano ang tamang pang-uri.
Unang Pangkat:
1. Ang kultura natin ay hindi naman (huminto,humupa) sa pag-inog.
2. Nakakapanibago ang kapaligiran ng syudad dahil sa mga (matatayog, matatangkad) na
mga gusali na napapalibot itto.
Ikalawang Pangkat:
1. Napakalalim ng mga damdaming napapaloob sa akdang Noli Me Tangere, kung kaya’t
(mabigat, marami) ang mga emosyong mararamdaman.
2. (Maaliwalas, Matingkad) ang mukha ni Maria Clara ng magtagpo sila ni Ibbara.
Ikatlong Pangkat:
1. (Madalas, Mabilis) ang tibok ng puso ni Ibbara ng magkita sila ni Maria Clara.
2. Ang pangkaraniwang araw na ito ang siyang (nagpabagal, nagpahina) ng takbo ng oras
sa dalawang nag-iibigan.
F. Paglalahat
A. Panuto: Gamit ang venn diagram, tukuyin ang katangian nina Elias at ni Crisostomo. (10
puntos)

Elias Crisostomo

IV. Kasunduan:
Basahin ang kabanata 28- 34 Sa Likod ng Kasiyahan.

You might also like