You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
School Division of Tarlac Province
Moncada North District
SAN LEON ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac

Lesson Plan in KINDERGARTEN


QUARTER 2
WEEK 6
Work Period 1

I. Layunin:

Cognitive: Nakikilala ang mga taong tumutulong sa pamayanan.

Psychomotor: Nailalarawan ang mga tungkulin ng mga katulong sa pamayanan.

Affective: Napapahalagahan ang bawat tumututulong sa ating pamayanan.

Content Focus: Roles of family members, school personnel and community helpers and their
jobs they perform.
Topic: Mga katulong sa pamayanan, ang kanilang tungkulin at ang kanilang kagamitan.

Most Essential Learning Competency: LLKV-00-6

II. Paksang Aralin:

Paksa: Nakikilala ang mga katulong sa pamayanan at ang kanilang tungkulin at kagamitan.

Sanggunian: Kindergarten Curriculum Guide


Kagamitan: visual pictures, powerpoint presentation, activity sheets

Subject Integration: Language Literacy


Values Integration: Pagkakaroon ng kamalayan sa kahalagahan ng mga katulong sa ating
pamayanan.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
B. Pagganyak
Mga bata, ano ang inyong pangarap paglaki ninyo?
Ano ang inyong gagawain upang makamit ninyo ang inyong pangarap?
C. Balik –Aral

Ngayon mga bata, magpapakita ako ng mga larawan at sasabihin ninyo kung ano-ano ang mga
ito.

1. Anong lugar ito mga bata?

Tama, ito ay isang paaralan o school


2. Saang lugar naman ito sa paaralan mga bata?
c
Magaling, ito ay isang silid-aralan o classroom.

3. Ano naman ang nakikita ninyo sa larawan mga bata?

Tama mga bata, ang mga ito ay pisara o blackboard at chalk.


*Magaling mga bata, talagang nakinig at naunawaan nga ninyo ang ating aralin nung nakaraang linggo.

D. Paglalahad

Mga bata,magpapakita ako ng mga kagamitan at hulaan ninyo kung ninyo kung sino ang gumagamit
ng mga ito?

1. Mga bata, sino ang gumagamit ng mga ito?


Tama, ang guro ang gumagamit ng mga ito

2. Sino naman ang gumagamit ng mga kagamitang ito?


Magaling, Ang mga mangingisda ang gumagamit ng mga ito.

3. Sino naman ang gumagamit ng mga kagamitang ito?


Tama, ang mga doktor at nars ang gumagamit ng mga kagamitang ito.

4. Sino naman ang gumagamit ng mga ito?


Magaling, Ang mga pulis ang gumagamit ng mga kagamitang ito.

Magaling mga bata, sila ang mga katulong natin sa ating pamayanan. Handa na kayo sa ating
aralin ngayong araw na ito?

E. Pagtalakay

Ngayon mga bata, ating tignan ang mga katulong sa pamayanan at ang kanilang mga tungkulin
na ginagampan sa ating pamayanan at ang kanilang mga kagamitan na ginagamit.

1. Guro- Siya ang nagtuturo sa mga mag-aaral na magbasa, magbilang at magkaroon ng


mabuting asal. Ang Pisara at chalk ang ilan lamang sa mga kagamitan na ginagamit nila sa
pagtuturo. Sila ay makikita sa paaralan

May mga kakilala din ba kayong mga guro mga bata?


2. Doktor at Nars – Sila naman ang gumagamot sa mga taong may sakit o karamdaman. Ang
Sthetoscope at injection ang ilan sa mga gamit na ginagamit nila upang malaman ang sakit ng
kanilang pasyente. Sila ay makikita sa ospital.

Sino na sa inyo ang nakakita na ng doctor at nars?


3. Pulis- Siya ang humuhuli sa mga masasamang tao at nagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa ating pamayanan. Ang posas, batuta at baril ang kanilang kagamitan.Sila
naman ay makikita sa Istasyon ng pulis o Police Station.

4. Bumbero- Ang bumbero ay isa sa mga kaibigan natin sa ating pamayanan. Sila ay
maaasahan upang apulahin ang apoy kapag may sunog. Ang Fire truck at hose ng tubig ang
kanilang pangunahing ginagamit sa kanilang trabaho Sila naman ay makikita sa Fire Station.
5. Magsasaka- Sila ang nagtatanim at umaani ng palay, gulay, prutas at iba pang halaman
upang tayo ay may makain. Ang pang-araro at kalaykay ang kanilang kagamitan sa
pagtatanim. Sila ay madalas makikita sa bukid.

6. Karpintero- Sila naman ang gumagawa ng ating mga bahay at mga gusali. Ang martilyo,
lagari, panukat at kahoy ay ilan lamang sa kagamitan na kanilang ginagamit sa
pagtatrabaho.Sila ay makikita sa mga iba’t-ibang lugar kung saan sila gumagawa ng bahay o
gusali.

7. Barbero- Sila naman ang katulong natin sa pamayanan na umaayos sa ating mga buhok
upang lalo tayong maging maganda at maging gwapo. Ang gunting at suklay naman ang
kanilang kagamitan, Sa Barber Shop naman sila makikita.

8. Mekaniko- Sila ay nag-aayos ng mga sirang sasakyan. Sila ay makikita sa talyer. Ang mga
plies, bomba ng gulong, ang ilan sa kanilang kagamitan sa pag- aayos ng mga sirang
sasakyan.

Kilala na ba ninyo ang mga iba’t-ibang katulong natin sa pamayanan at ang kanilang mga
tungkulin at kagamitan?
F. Pagsasanay

Ngayon mga bata, narito ang halimbawa ng iba’t-ibang katulong sa ating pamayanan.Kumuha ng
isang larawan sa ibaba at idikit kung sinong katulong sa pamayanan ang gumagawa ng tungkulin na
inyong napili.

1. 2. 3.
Magsasaka doktor guro

4. 5. 6.
G. Paglalapat

Pangkatang Gawain

 Ngayon naman mga bata, hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Idikit ang mga kagamitan sa tamang
katulong sa pamayanan na nasa larawan.

H. Paglalahat

 Sino-Sino ang mga katulong sa ating pamayanan?


 Ano ang mga tungkulin ng bawat katulong sa ating pamayanan?
Pagpapahalaga
Tandaan na ang mga tumutulong sa ating pamayanan ay nagbibigay ng serbisyo
upang umunlad ang isang pamayanan kaya marapat lamang na sila ay ating igalang at
pahalagahan.Makikita natin sila sa iba’t-ibang lugar sa ating pamayanan.
IV. Pagtataya:
V. Kasunduan:

Prepared by:

MARIA JESUSA CONCEPCION F. ORDANOSO


Kindergarten Teacher

Noted:

LORENA P. CAMACHO,Ed.D.
ESHT – I

Approved:

RHEA B. MADAMBA, Ed.D.


Public Schools District Supervisor

You might also like