You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

(ESP 2)

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang iba’t ibang kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga
kasapi ng paaralan at pamayanan.(EsP IIg – 12)
 Naisasagawa ang iba’t ibang kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa
mga kasapi ng paaralan at pamayanan.
 Naisapuso ang kahalagahan ng pagmamalakasit sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA
Pagmamalasakit Sa Mga Kasapi Ng Paaralan At Pamayanan
B. SANGGUNIAN
K to 12 Curriculum Grade II
MELC: EsP2 IIg – 12
TG sa EsP pahina 31-33
LM sa EsP 136-141
Quarter 2 Week 2
Module 2
C. Kagamitan
Larawan, TV, cartolina, marker,IMS,Laptop,crayons
Integration: English/Filipino - ACTION/KILOS
MAPEH - (Music) AWIT
(P.E) SAYAW
(ART) KULAYAN ang mga LARAWAN
VALUES: Pagmamalasakit sa kapwa.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PAGHAHANDA
i. Dasal
ii. Pagbibigay ng mga Alituntunin sa klase
iii. Pagbabasa ng mga layunin sa tatalakaying leksiyon.

2. BALIK ARAL
Magbibigay ng tanong ang guro tungkol sa nakaraang leksyon.
Tanong:
Bilang isang mga-aaral, nakakatulong ka ba sa iyong pamilya?
Ano ang iyong gagawin kung may taong humihingi ng tulong sa iyo?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. PAGGANYAK
Aawit ang mga bata.
(Awitin ito sa tonong ng “Leron Leron Sinta”)

“Pagmamalasakit Huwag Ipagkait”

Ikaw ug ako, kita Pilipino,


Gagmay ug dagko, tagaan kog bili.
Pagtabang ko kanimo, di ko idumili.
Mga kasilingan, kamo akong tabangan.

Higala ko sa skwela, ayaw kabalaka,


Ania ra ako, mualalay nimo.
Manggihuna-hunaon, kana akong tumanon,
Tungod ikaw’g ako, kita Pilipino.
Tanong:
Sino sino ang mga Pilipino na nabanggit sa awit?
Ano ang isinasaad sa awit?

2. PAGLALAHAD
Magpakita ng mga larawan.
Hayaang pagmasdan muna ng mga bata ang mga ginagawa ng bawat isa sa mga
larawan.

TANONG:
Ano ano ang mga ginagawa ng mga bata sa larawan?
(Isa-isahin ang bawat larawan.)

3. PAGTATALAKAY
Ano ang mga ipinakita ng mga bata sa larawan?
Nagpapakita ba ng pagmamalasakit ang mga bata?
Nakagawa ka na ba ng katulad ng kanilang ginagawa sa larawan? Paano?
Ilang kilos ang ginawa ng mga bata? Bilangin natin?
Ano ang nararamdaman mo tuwing nakagagawa ka ng mabuti sa iyong kapwa?
Dapat ba nating tulungan ang ating kapwa? Bakit? Paano?

Basahin ang maikling diyalogo tungkol sa isang batang nagpapakita ng malasakit


sa kanyang lolo.

ANG MAHAL KONG LOLO


Fe : Maayong buntag kanimo lolo Harry. Kumusta na ka lo?
Lolo Harry: Uy! Ikaw man diay na apo. Maayo kayo. Salamat sa Dios,
Himsog gihapon ug malipayon. Nagbisita man lagi ka karon?
Fe : Alangan. Ikaw pa lo, malimtan ka ha tika sa pagbisita lo? Manga-
On sa ta lo. Ania koy gidala nga pagkaon nga atong salusaluhan.
Lolo Harry : Salamat kayo apo. Panalanginan ka sa Ginoo.

Tanong:
Sino sino ang tauhan sa maikling diyalogo?
Ano ang ipinakitang katangian ni Fe sa kanyang lolo Harry?
Ano kaya sa iyong palagay ang damdaming naramdaman ni Fe sa kanyang pagbisita
kay lolo harry?
Ano ang naging reaksiyon ni lolo Harry sa ginawang pagbisita ng kanyang apo?

Ipagpalagay nating ikaw si Fe, at mayroon kang lolo at lola na nakatira sa


malayong lugar, paano mo ipapakita ang iyong pagmamalasakit sa kanila bilang
isang apo?

4. KASANAYANG PAGPAPAYAMAN
Pangkatang Gawain
- Magbigay ng Alituntunin sa pangkatang Gawain.(Lagyan ng mga kulay ang mga
larawang hindi na kulayan.

Unang Pangkat:
Pumili ng isang sitwasyon
sa mga larawan na kung saan
nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa
ang isang bata.

Ikalawang Pangkat

Panuto: Idikit
ang
kung
ang
larawan sa bawat bilang ay
nagpapakita ng
Kabutihan at kung hindi.

1. 2. 3. 4. 5.

Ikatlong pangkat
PICTURE PUZZLE
Ayusin ang mga gupit-gupit na mga larawan hanggang sa mabuo ito. Isulat sa
patlang kung ano ang ginagawa ng bata at isulat rin kung ito ay nagpapahiwatig ng
pagmamalasakit o hindi.

5. PAGLALAHAT
Bakit mahalaga ang pagpapakita ng malasakit sa ating kapwa?
Dapat bang tumulong sa ating mga kaklase o kasapi ng pamayanan? Bakit?
Paano mo ipapakita ang iyong malasakit sa pamayanan o sa paaralan?

Gintong Aral
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay isang gawaing dakila.

Tandaan: Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay may natatamong pagpapala.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapahiwatig ng pagmamalasakit?

a. b.
c.

2. Inalalayan ng isang batang babae ang kanyang lolo.


Ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng:
a. Pangungutya
b. Pagmamalasakit
c. Pagwawalang bahala

3. Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapahiwatig nang pagmamalasakit maliban sa


isa:

a. b. c.

4. Ano ang iyong mararamdaman kung ikaw ay nakakatulong sa kapwa?


a. Nalulungkot
b. Nagagalit
c. Nasisiyahan

5. May mga biktima ng bagyo sa inyong barangay. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan sila.
b. Sasabihan ng “kawawa naman”.
c. Mag-ipon ng mga gamit at pagkain at ipamimigay sa kanila.

V. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng isang larawan mula sa lumang magasin na nagpapakita ng kabutihan sa


kapwa. Idikit ito sa kuwaderno.
Inihanda ni: ERNALYN B.PACOT
GRADE II adviser

You might also like