You are on page 1of 3

Masusing Banghay-Aralin

sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao


sa Baitang 8

Pamantyang Pangnilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na


institusyon ng lipunan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag
ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
Kasanayang Pampagkatoto: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng
pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng
sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa (EsP8PBIb-1.3)
I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naibabahagi ang mga ideya sa mga larawan;
b. naibibigay ang kahulugan ng Pamilya gamit ang grapikong presintasyon;
c. nailalahad ang mga naidudulot sa maayos at hindi maayos na pagpapalaki ng mga magulang
sa kanilang mga anak;
e. nakabubuo ng malikhaing gawain tulad ng pagsasadula, pagbuo ng tula at pag-awit na
nagpapakita na maiiwasan ang pagkalulong sa masamang bisyo ng isang anak sa tamang gabay
ng mga magulang.

II. Paksang Aralin: “Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon


Kasanayan: Pagsulat
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pg.1-28
Kagamitan: tsart, istrips , larawan
Pagpapahalaga: Walang anak na malululong sa masamang bisyo kung may pagmamahal at
pagtutulongan

III. Pamamaraan
A. Pangunahing gawain
a. Panalangin
b. Checking of attendance

B. Kaalaman
Gawain 1- Pagpapakita ng mga larawan ng isang pamilya.
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral
tungkol sa mga larawang nasa pisara. Ilalahad ng
mga mag-aaral ang kanilang mga ideya sa mga
larawan na ito ay tungkol sa pamilya.

C. Proseso
1. Presentasyon
Ngayong umaga klas ay tatalakayin natin ang
tungkol sa Pamilya bilang natural na institusyon. Bago
natin ito talakayin ay gagawa kayo ng isang grapikong
presintasyon nanagpapakita ng kahulugan ng pamilya
para sa inyo. Pagkatapos ay iuulat ito ng dalawang
represintante sa bawat pangkat. Papangkatin ko ang
klase sa dalawang pangkat. Mamarkahan ko ang kayo
batay sa pamantayan na ito.
Pamantayan:
Nilalaman --- 15
Paglalahad ----- 15
Naunawaan ba? Opo ma’am.

2. Paglalahad ng Gawain

C. Pag-unawa
Ano ang tinalakay natin ngayong umaga? Tungkol po sa Pamilya.

Tama! Ano kahulugan ng pamilya? Ang pamilya ay pundasyon ng lipunan.

Tama! Ano pa? Ang pamilya ay ang pinagmulan at humubog kung


ano ang pagkatao o ugali mo.
Magaling!
Ngayon naman, sa parehong pangkat ay
magsasadula kayo. Ang unang pangkat ay
magsasadula tungkol sa isang pamilya na puno ng
pagmamahal at maaayos ang paggabay sa kanilang
mga anak. At ang pangalawang pangkat naman ay
magsasadula kung ano ang masamang epekto kung
hindi maayos ang kalagayan o relasyon ng bawat
miyembro sa pamilya.
Mamarkahan ko kayo batay sa pamantayan.
Maliwanag ba? Opo ma’am!

Pamantayan:
Nilalaman-----------------------15 puntos
Paraan ng paglalahad-------10 puntos
Organisasyon-------------------5 puntos
Kabuuan ------------------------ 30 puntos

D. Aplikasyon

Ngayon ay kumuha kayo ng isang buong papel at


gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kung bakit
isang pamilya ay may anak ay nalululong sa
masamang bisyo o naliligaw ng landas.

E. Produkto

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang


gawain. Ang gagawin niyo lang ay ipapakita kung
paano maiiwasan ang pagkalulong sa masamang
bisyo ang isang anak sa tamang gabay ng mga
magulang. Sa parihong pangkat pa rin. Ang unang
pangkat ay magsasadula, pangalawang pangkat ay
gagawa ng tula, ang pangatlong pangkat ay aawit at
ang ikaapat na pangkat ay gagawa ng tableau. Sa
parihong pangkat pa rin. Bibigyan ko lamang kayo
ng limang minuto upang maghanda.Mamarkahan
ko kayo batay sa pamantayan.
Maliwanag ba? Opo, ma’am!

Pamantayan:
Nilalaman-----------------------15 puntos
Paraan ng paglalahad-------10 puntos
Organisasyon-------------------5 puntos
Kabuuan ------------------------ 30 puntos
IV. Takdang-aralin
Panuto: Gumupit ng mga larawan ng masayang pamilya. Ilagay ito sa isang bond paper.

You might also like