You are on page 1of 8

Lesson Exemplar in ARALING PANLIPUNAN Using the IDEA Instructional Process

Paaralan Bernardo Lirio Memorial Central School Baitang 1


Guro Jessa B. Barrion Asignatura Araling Panlipunan
TALA SA Petsa Markahan Ikalawang Markahan
PAGTUTURO Week 8
Bilang ng
Oras
Araw

I. LAYUNIN
K- Natatalakay ang kahalagahan ng mabuting pakikipag-ugnayan
ng sariling pamilya sa iba pang pamilya sa komunidad.

S- Nakalilikha ng sariling kwento batay sa ibinigay na sitwasyon.

A- Napahahalagahan ang pakikipag kapwa-tao

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…..


Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling
pamilya at ang kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat
isa.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…..
Buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling
pamilya at bahaging ginagampanan ng bawat kasapi nito sa
malikhaing pamamaraan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya sa lipunang
pagkatuto o MELC Pilipino.
AP1PAM IIh-23
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Pagpapahalaga sa Pamilya


III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Araling Panlipunan 1 pp. 97-102
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral Araling Panlipunan 1 pp. 107-110
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at Canva Presentation, Laptop
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction (Panimula)
1. Panalangin Pagpapakita ng larawan ng Bulkang Taal
2. Pagbati
3. Pag-awit
4. Balitaan
Itanong:
Ano ang nakikita sa larawan? Ito ang bulkang Taal na
matatagpuan dito sa Batangas.

Ano ang masasabi ninyo sa bulkang Taal?


Mapanganib. Tama. Noon lamang Enero 12, 2020 ay pumutok
ang bulkang Taal at maraming tao ang naapektuhan. Nais ba
ninyong pakinggan ang isang awit tungkol sa Bulkang Taal?
( Panonood at Pakikinig ng Awit na pinamagatang “ Bulkang Taal
song”

Ano ang naramdaman ninyo habang pinakikinggan at pinanonood


ninyo ang video?
Naging masaya ba kayo? Naging malungkot? Bakit?
Ano sa palagay ninyo ang nais iparating ng video ng Bulkang Taal
Song?

Pagmasdan nga ninyo kung sino ang nasa larawan? Siya


ang ating butihing Mayor ng Lungsod. Sino Kaya siya? Kasama
din niya sa larawan ang mga konsehal ng ating lungsod.Panoorin
natin kung ano ang ginawa ni Mayor Angeline Halili noong
Kasalukuyang pumuputok ang bulkan.

Mga bata, mayroon din akong nakikilang mag-aaral noong


panahon ng kalamidad. Gusto niyo bang makilala siya?
( pagpapakita ng larawan ni Rene at pagkukwento ng kabutihan
ng kanyang pamilya)

Pagtatanong:

1. Anong kalamidad ang naganap?


2. Saang lugar nagkaroon ng pagputok ng bulkan?
3. Paanong tinulungan ng pamilya ni Rene ang kanilang
mga kabarangay?
4. Anong uri ng pamilya mayroon si Rene?
5. Matulungin rin ba ang pamilya ninyo?
6. Mahalaga ba na magkaroon ng pagkakaisa ang mga
kasapi ng pamilya lalo na sa oras ng pagbibigay tulong
sa iba.

Lahat kaya ng pamilya ay tulad ng pamilya ni Rene? Alamin natin


kung ang Pamilya ng aking ikukwento ay magugustuhan niyo.
Ang Pamilya Ismid sinulat nina Ramoncito Serrano at Rene O.
B. Development (Pagpapaunlad) Villanueva at iginuhit ni Sammy Esquillon.

Sagutin ang mga katanungan:


1. Ilan ang mga kasapi ng Pamilya Ismid?
2. Ano ang paboritong gawin ng Pamilya Ismid?
3. Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng Pamilya
Ismid?
4. Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang pamilya sa
kanilang lugar?
5. Ano ang nangyari sa Pamilya Ismid isang gabi habang
sila ay natutulog?
6. Sino ang tumulong sa Pamilya Ismid?
7. Kung isa ka sa mga kasapi ng Pamilya Ismid, ano ang
mararamdaman mo sa ginawa sa iyong pamilya ng
inyong mga kapitbahay? Bakit?

Mga bata, ang pagiging makasarili ang malaking hadlang sa


pagkakaroon ng isang mabuting pagsasamahan. Nilalayon ng
Kwentong Pamilya Ismid na maipabatid sa lahat , mga magulang
at mga anak ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at
pagtanggap sa katotohanang ang bawat isa sa atin ay may mga
katangiang naiiba sa lahat. Ibig ding ipahiwatig ng kwentong ito na
ang anumang komunidad o kapitbahay ay binuo sapagkat
kailangan ng tao ang kanyang kapwa.

( Pagpapakita ng larawan ng Komunidad)


Sabihin kung ano ang nasa larawan, ang mga makikita rito at
kung saan ito matatagpuan. Ito ang ating Barangay. Dito tayo
nakatira. Mayroon ba kayong mga kapitbahay? Ano ang ginagawa
ninyo upang matulungan ang inyong kapitbahay? Masaya ba kayo
na sila ang inyong naging kapitbahay? Hindi ba maligalig ang
inyong kapitbahay? Hindi lahat ng ating kapitbahay ay tulad ng
pamilya ni Rene marami rin ang tulad ng Pamilya Ismid. Kaya
nagkakaroon ng away kung minsan dahil iba iba ang ugali ng
ating kapitbahay. Para maiwasan ang hindi pagkakasunduan
dapat nating gawin ang mga sumusunod na bagay.

1. Pakikipagtulungan sa mga programa ng Komunidad.

2. Igalang ang mga kapitbahay.

3. Sundin ang ipinatutupad na alituntunin ng inyong


komunidad.
4. Magbahagi sa mga kapitbahay.

5. Pag-usapan ng maayos ang mga bagay na hindi


napagkakasunduan.

6. Magtulungan sa oras ng kagipitan o kahirapan.


7. Makiramay sa pagdadalamhati ng iyong kapitbahay.

C. Engagement (Pagpapalihan)
Subukin Natin
Gawain 1: Group 1
Paglalaro ng Hanap Salita:

Hanapin at sabihin ang salita na makikita sa tsart

P H D R T S B Y O D
W G S U O E S H Q L
M A T U L U N G I N

B M A L A S A K I T
S D R T Y G B N M O
P L W X C T V R C Q

S C R Y Z X V Q W E
K A P W A T A O B
H T G H J K P K L G

Gawain 2: Group 2
Paghambingin ang dalawang pamilya

Pamilya ni Rene Pamilya Ismid


Gawain 3: Group 3
Sabihin ang bilang ng nagpapakita ng
mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang
pamilya.

Magbahagi ng karanasan tulad sa


narinig na kwento tungkol sa
ginawang pagtulong sa kapwa ng
iyong pamilya
D. Assimilation (Paglalapat) Sagutin: Isulat sa sagutang papel ang S Kung sang-ayon at
DS kung di-sang ayon.

_____ 1. Masaya ang pamilyang matulungin sa kapwa.


_____ 2. Awayin ang bagong lipat na kapitbahay.
_____ 3. Sa oras ng kagipitan mahalaga na magbigay ng
tulong sa iba.
_____ 4. Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing nakakahiya.
_____ 5. Nakikilahok sa mga programa ng pamahalaan sa
pagiwas sa Covid – 19.

Takdang –Aralin:

Iguhit sa kwaderno ang pamilya habang nagbibigay ng tulong sa


iba.

Nauunawaan ko na____________________________
E. Reflection (Pagninilay)
Nabatid ko na________________________________

Prepared: Checked:

JESSA BEGATA BARRION MICHELL JUNIO


Student Teacher Cooperating Teacher

NOEMI B. CONTRERAS
Master Teacher I

Noted:
LEOMAR P. MERCADO
Principal II

You might also like