You are on page 1of 5

Mataas na Paaralang Vicenta

Formerly (Tubod National High School)


COT PARA SA IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 10

I. Layunin:
a. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.
(F10PD-IIe-71)
b. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
(F10PT-IIe-73)
c. Nabibigyang reaksyon ang pagiging makatutuhanan/di-makatutuhanan ng
mga pangyayari sa maikling kwento.

II. Paksang Aralin: “Aginaldo ng mga Mago”


Panitikan (Maikling kuwento mula sa Estados Unidos) salin sa
Filipino ni Rufino Alejandro mula sa Gift of the
Magi – ni – D. Henry.
Kagamitan Video Clip mula sa Youtube, Pantulong na Biswal
Sanggunian Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang
Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al.
1 araw na sesyon.
III. Proseso sa Pagkatuto
Gawaing Rutinari
 Panalangin
 Pagtsetsek ng Liban
 Puna sa kalinisan
Aktibiti
1. Panonood ng isang video clip tungkol sa pagsasakripisyo.
Gabay na Tanong:
a. Anong mensahe ang ipinababatid ng video?
b. Masasabing ito ay makatotohanan o hindi? Patunayan.

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN


(20)
(15) (10)

Kaangkupan sa Ang mga Angkop ang May mga datos/


Task/Layunin datos/gawain na datos/gawaing gawain na hindi
inilahad ay inilahad. gaanong nagpapakita
nagpapakita ng ng kaangkupan.
kaangkupan.
Kalinawan ng Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Presentasyon ginawang ginawang ginawang
pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag/
pagkakabuo ng pagkakabuo ng pagkakabuo ng
mensaheng mensaheng mensaheng
ipinababatid ipinababatid ipinababatid
Pagkamalikhain Napakamalikhain Mallikhhain at Maayos na napalutang
/ Kasiningan at napakahusay mahusay ang ang ideya na nais
ng pagpapalutang pagpapalutang sa ipabatid
sa nais ipabatid nais ipabatid na
na mensahe/ mensahe/
impormasyon impormasyon
Kooperasyon Ang lahat ng May pagkakaisa at Dalawa sa miyembro
miyembro ng pagtutulungan ang ng pangkat ay hindi
pangkat ay bawat miyembro. maayos na
nagkakaisa at Maayos ang nakikilahok sa gawain.
may respeto sa ipinapakitang Maayos ang ipinakita
isa’t isa. presentasyon ng nilang presentasyon at
Napakaayos ng bawat isa. may respeto sa bawat
kanilang isa.
ipinakitang
presentasyon
dahil lahat ng
miyembro ay
kumikilos sa
gawaing
nakaatang sa
bawat isa.
Kabuuan

2. Presentasyon
Pagpapabasa/Panonood ng “Aginaldo ng mga Mago”

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan


Sumalagmak Hagulgol Walang katinag-tinag
Humagibis Hilam Silakbo
Lumandi Simbuyo Tangis
Umalembong Panlalabo Tumulin
Kulabo Lagablab Halughugin
Lumuklok Halukayin Malakas na iyak
Halungkatin Humarurot Napaupo
Gabay na Tanong:
a. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa kuwento.
b. Bakit pinamagatang “Aginaldo ng mga Mago” ang akda?
c. Paano nila ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa isa’t isa?

Gawain 2: Pagsagot sa mga katanungan


1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kwento. Paano nila
ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa isa’t isa?
2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim at Della ang paghahanda
ng pamasko sa isa’t isa. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa
nilang paraan upang malutas ang kanilang suliranin? Pangatuwiran.
3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang wakas ng kuwento? Patunayan
ang sagot.
4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang
ipinakita sa maikling kuwento? Patunayan.
5. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahahalaga sa
iyo maipaligaya mo lamang ang iyong mahal?
6. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?
7. Anong mahahalagang mensahe/kaisipanang ibinibigay ng akda? Magbigay
ng tiyak na mga halimbawa kung papaano mo ito isasabuhay.

3. Pangkatang Gawain
UNANG PANGKAT. Magsaliksik tungkol sa bansang Amerika. Maglahad ng
mga umiiral na kultura tungkol sa pagbibigayan ng regalo. Ipakita kung may
pagkakatulad ito sa kultura ng mga Pilipino. Ibahagi ito sa klase.
PANGALAWANG PANGKAT. Magsalaysay ng mga pangyayari mula sa
napanood na palabas, nabasa o nabatid na kuwento na may kinalaman sa kulturang
umiiral sa pagbibigayan ng regalo (Idadaan sa isang talk show).
PANGATLONG PANGKAT. QUESTION AND ANSWER RELAY. Piliin ang
ilang dayalogo sa akda na nagpapakita ng masining na pagpapahayag. Patunayan.
PANG-APAT NA PANGKAT. Ihambing ang akdang “Ang Aginaldo ng mga
Mago” sa akdang “Kuwintas” ni Guy de Maupassant.
PANLIMANG PANGKAT. Bumuo ng maikling salaysay gamit ang inyong
sariling dayalikto (subanen) sa kultura tungkol sa pagbibigayan at iba pang
nakaugalian ng gawin at iba pang naging kaugalian na sa inyong tribu.

Ebalwasyon:
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot.
(1-2) Tukuyin ang mga salitang magkaugnay ang kahulugan sa bawat
pangungusap.
1. Kumikislap na parang buhos ng tubig sa isang talon ang buhok ng babae kaya
nagniningning ang kaniyang mata sa paghanga dito.
a. Kumikislap – nagniningning c. Buhos ng tubis - talon
b. Kumikislap – makintab d. Buhok ng babae – mga mata
2. Tanging malakas na pag-iyak ang naitugon nito sa kaniyang paghagulhol, naawa
ang lalaki.
a. Naitugon – paghagulhol c. malakas na pag-iyak - hagulhol
b. Malakas na iyak – palahaw d. hagulhol – tahimik na pag-iyak
3. At pagkatapos ay maliksing ipinusod niyang muli na nangangatog pa ang
kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan samantalang dalawang patak na
luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig. Anong uri ng tunggalian ang
naganap sa bahaging binasa?
a. Tao laban sa kaniyang kapwa c. Tao laban sa lipunan
b. Tao laban sa kaniyang sarili d. Tao laban sa kalikasan
(4-5) Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagiging makatotohanan
o di-makatotohanan.
4. Ang sinumang nagmamahal nang tunay ay handing magpakasakit alang-
alang sa kasiyahan ng taong kanyang minamahal.
5. Ang pagmamahal sa isang tao ay maipakikita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mamahaling aginaldo.

Kasunduan:
1. Iugnay ang akda sa tatlong haring mago na nag-alay ng mmga handog sa
sanggol na si Hesus sa isang sabsaban sa belen ng Jerusalem.
2. Basahin at unawain ang akdang “Sa loob ng Love Class” ni Eric O.
Carino pp. 225-226.
3. Tukuyin ang uri ng pag-ibig na nakita sa akdang binasa. Bigyang patunay.

Inihanda ni:

CRISTITA G. LARAÑO
TEACHER III

NAOMI L. CUÑA
MASTER TEACHER I
TAGAPAGSIYASAT

DANILO P. UNGANG
PRINCIPAL II

You might also like