You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Schools Division of Iloilo
BAROTAC VIEJO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banghay Aralin sa Filipino 10
I. Layunin ng Pagkatuto
A. Pamantayang Pangninilaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapa-
halaga sa mga akdang pampanitikan.

B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag -aaral ay nakabubuo na kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang
critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikan ng Mediterranean.

C. Layuning Pampagkatuto
Nabibigyang reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akdang pampanitikan (F10PB-Ic-d-64);
Tiyak na Layunin;
1. Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga pangyayari sa
maikling kuwento
2. Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kwentong binasa; at
3. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento.

Ang mga mag -aaral ay nakabubuo


na kritikal na pagsusuri sa mga
II. Paksang Aralin
Paksa: Maikling Kwento: Ang Kwintas
Sanggunian: Sanayan sa Filipino 10 – Panitikang Pandaigdig
Kagamitan: mga larawan, video clip, speaker, laptop at projector/TV
Mga Metodong ginamit: 1. Discovery Learning 2. Techonology Base Instruction

III. Pamamaraan ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda: (Ind. 5)
- Pagkuha ng kanilang Attendance/ Pagtala ng mga lumiban sa klase
- Pagsasaayos ng mga mag-aaral upang maghanda sa pagsisimula ng klase.
- Pagpapaalala sa mga tinakdang class rules.

2. Pagbalik-aral:
a. Ano ang dalawang kaisipan ang binibigyang diin ni Plato sa kanyang sanaysay na Alegorya ng
yungib?
b. Ano-ano ang iyong natutuhan mula sa pagtalakay ng sanaysay?
c. Paano ito nakatutulong upang mapaunlad ang buhay sa kasalukuyan?

3. Pagganyak: Maghanapan tayo! (Ind. 1, 3 at 7)


- Panuto: Bibigyan ko lamang kayo ng sampung (10) segundo upang hanapin ang bagay na aking
ipapahanap. Sa oras na makita nyo na ang aking ipinapahanap ay mangyaring pakidala dito
sa unahan. At inyong sasagutan ang ilang mga katanungan na aking inihanda. Ang unang
makakapagdala sa akin ay bibigyan ko ng karagdagang puntos para sa ating gawain
mamaya.

 Unang bagay hanapin ang/ang mga bagay na inyong pinaka-iniingatan sa inyong buhay na
ayaw niyong mawala.

Ilang hiyas ng mga katanungan


1. Anong bagay ang iyong ipinakita?
2. Bakit mahalaga sa iyong buhay ang bagay na ito?

 Ang susunod naman ay hanapin at ipakita sa amin ang bagay na iyong hiniram mula sa iyong
kakilala.

1. Anong bagay ang iyong hiniram mula sa iyong kakilala?Bakit mo ito hiniram?
2. Bakit ang bagay na ito ay hindi mo pa naisasauli sa iyong hiniraman?
3. Kung nagkataon na mawala ang bagay na ito ano ang iyong gagawin?

B. Paglinang

A. Gawain (Activity)
Ilarawan natin...Tinatangi mo! (Ind. 3)
Panuto: Para sa iyo, anu-ano ang katangian ng isang huwarang babae o lalaki? Magbigay ng tatlong
katangian at isulat sa loob ng hugis puso.

Gabay na tanong;
1. Anong katangian ng isang babae o lalaki upang matawag mong isang huwaran?
2. Bakit ito ang iyong hinahanap sa isang babae o lalaki?
3. Paano kung hindi ito taglay ng taong minamahal mo?

B. Pagsusuri (Analysis)
Peke o Totoo? (Ind. 1, 3 at 7)
Panuto: May Video na ipapanood sa mga mag-aaral tungkol sa pagkilala ng peke o totoong bagay. Maaari nilang
itaas ang mga flash cards na may nakasulat na Peke o Totoo bilang mga kasagutan nila sa gagawing pagsusuri
ayon sa napanood.

Gabay na tanong sa pagtalakay;

1. Paano mo malalaman na ang isang bagay


ay orihinal ? paano naman kung peke?

2. May pagkakataon ba sa inyong buhay na gusto


ninyong maghangad ng mga bagay na hindi
naman ninyo kayang makuha o di kaya'y higitan https://www.youtube.com/watch?v=mI7M-WU9bhE
ang ibang tao?

3. Paano mapaglalabanan ng isang tao ang


paghahangad sa mga bagay na hindi
naman niya kayang makuha?

C. Pagtalakay sa Paksa / Paglinang (Abstraction)

- Tayo na at sama-sama nating tawirin ang dagat ng Mediterranian at tuklasin ang kultura ng
mga taga-Pransya sa pamamagitan ng kanilang maikling kwento na pinamagatang "Ang
Kwintas".

- Mapapanood ng mga mag-aaral Maikling Kwento ng Ang Kwintas sa link


https://www.youtube.com/watch?v=HFSLMh3XWXY&t=6s at karagdagan pang mga
pagpapaliwanag tungkol sa maikling kwento.

Gabay na Tanong sa pagtalakay;


1. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa kasayahang idaraos
ng kagawaran?
3. Anu-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa kanyang buhay? Natupad pa ang mga ito?
4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad mo ang mga pangarap
mo sa buhay?
5. Sa iyong palagay, bakit hindi dapat maging labis na maghangad ang isang tao?

D. Paglalapat (Application) (Ind. 1, 3, at 8)


Panuto: Papangkatin ang mag-aaral sa Anim sa pamamagitan ng pagbibilang mula 1-6. Ang lider ng
pangkat ay bibigyan ng Task Cards. Bibigyan lamang sila ng sampung (10) minuto para
maggawa ng kanilang gawain at para sa presentasyon ay 3-5 minuto.

Pangkat 1 at 3 - Patunayan Mo!


Panuto: Mula sa akdang "Ang Kwintas" ni Guy de Maupassant, pumili ng mga pangyayari na
inyong nagustuhan. Ipaliwanag at patunayan na ang mga panyayaring ito ay maaaring
maganap na tunay na buhay maaari itong ulahad sa isang maikling skit/pagsasadula

Pangkat 2 at 5 – Sino nga ba sila?


Panuto: Ilahad ang katangian ng mga tauhan batay sa kwentong "Ang Kwintas". Gamitin ang
kasunod na character map para sa pagsusuri ng kanilang katangian, ilahad ito sa
pamamagitan ng Character Impersonation/ Characterization.

Pangkat 4 at 6 – Ipakita mo!


Panuto: Ilahad ang mga mahahalagang pangyayari nanaganap sa kwentong "Ang Kwintas.
Gamitin ang kasunod na flow chart para sa pagtukoy ng mga pangyayari sa kwento. Ilahad
ito sa klase sa pamamagitan ng Pantomine/Pantomina.

Narito ang pamantayan sa pagbibigay ng grado;


Pamantayan 20 10 5

Higit sa tatlo ang


Naibigay nang buong May isa o dalawang
kakulangan sa
husay ang hinihinging kakulangan ang
Nilalaman nilalaman na
nilalaman ng paksa sa nilalaman na ipinakita
ipinakita sa
pangkatang gawain. sa pangkatang gawain.
pangkatang gawain

May isa o dalawang Naipamalas ang


Naipamalas nang buong
miyembro ang hindi pagkakaisa ng iilang
miyembro ang
Kooperasyon nagpamalas ng miyembro sa
pagkakaisa sa paggawa
pagkakaisa sa paggawa paggawa ng
ng pangkatang gawain.
ng pangkatang gawain. pangkatang gawain.

Buong husay at
Di gaanong
malikhaing naisagawa at Naisagawa at naipali-
naipaliwanag ang
Presentasyon naipali-wanag ang wanag ang pagkatang
pangkatang gawain
pangkatang gawain sa gawain sa klase.
sa klase
klase.

Natapos ang Natapos ang


pangkatang gawain pangkatang gawain Di natapos ang
Takdang Oras
nang buong husay sa ngunit lumagpas sa pangkatang gawain
loob ng itinakdang oras. takdang oras.

Para sa mga mag-aaral na kabilang sa Indigenous People (IP)


Itala ang mga bagay-bagay na tinatanging yaman ng inyong pangkat o kumunidad. Gamit ang graphic
Organizer.
IV. Ebalwasyon
Fist of Five! (Ind. 1, 3) (Think-pair-Share)
- Panuto: Kasama ang iyong kapareha magbigay ng limang pangyayari sa kwento na nais mong
baguhin kasama na ang pagbibigay ng sariling wakas na makatutulong sa lalong pagpapaganda sa
daloy ng kwento.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik ng mga sumusunod na nasa loob ng kahon.

Alamin kung ano ang Parabula.


Ano-ano ang halimbawa ng Parabula?
Pumili ng isa at isalaysay ito sa klase kinabukasan.

You might also like