You are on page 1of 6

Grade 9 Daily Lesson Paaralan Magpet National High Baitang/Antas 7-Resilience

Log (Pang-araw-araw na School


Tala sa Pagtuturo) Guro Jhon Leo Eliazal Doroon Asignatura Araling Panlipunan
Petsa/ Abril 8, 2024 / Martes Markahan Ikatllong Markahan
Oras 9:50 – 11:50 AM

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pagpapahalaga sa pagtugon ng mga Asyano sa
Pangnilalaman: mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-
Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago,
Pagganap: pag-unlad at pagpapatuloy sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyonal at
makabagong panahon.
C. Mga kasanayan sa Nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo
Pagkatuto (Most ng mga bansa sa Silangan at TimogSilangang Asya.
Essential
Leanrning
Competencies)
a. Natutukoy at nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng
nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at TimogSilangang Asya.
b. Nakakagawa ng
c. Napapahalagahan ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.
II. Nilalaman Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (China)
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Modyul sa Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng pagkakaiba
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga pahina sa
kagamitang pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa Pp. 346-350
Textbook
4. Karagdagang MELC’s
kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, Telebisyon, Manila Paper, at iba pang mga Papel pandikit
Panturo
IV. Pamamaraan (Preliminaries: Panalangin, Pamukaw-sigla, Pagbati, Pagtatala ng mga lumiban sa
klase, Pagkuha ng mga takdang-aralin, Panuntunan sa Klase)
A. Balik-aral sa Ang ating tinalakay noong nakaraang talakayan ay patungkol sa mga dahilan,
nakaraang aralin at/o paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang
pagsisimula ng bagong Asya.
aralin 1. Ano ang mga bansang sinakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
-China at Taiwan o Formosa
-Pilipinas
-Indonesia
-Malaysia
2. Ano ang tatlong layunin ng mga kanluraning mananakop sa pagsakop sa mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
- ito ay ang 3G’s, God, Gold, Glory
B. Paghahabi sa layunin Gawain 1: Awitin ko, Bola Ipasa Mo!
ng aralin
Panuto: Suriin ang liriko ng kantang “Bayan Ko” at usisaing mabuti ang
ipinahihiwatig nito. Ang piling liriko ng kanta ay kakantahin guro.

“Ibon man may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak


Bayan pa kayang sakdal dilag ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya, ubod ng luha ko’t dalita
Aking adhika, makita kang sakdal laya”

Para sa iyo, ano ang mensaheng nais nitong ipahatid?

Ano kaya ang ating tatalakayin ngayong araw?

Ipapabasa ang layunin sa klase

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: I-show Ko!


halimbawa sa bagong Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan at alamin kung ano ang pinahihiwatig
aralin nito.

Ano ang inyong napansin sa dalawang larawan?

Ano ang kaibahan ng dalawa?


D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Gawain 3: Ibalita Mo Nga!
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat at ang bawat pangkat ay gagawa
ng pag-uulat patungkol sa kung paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan laban
sa mga mananakop. Gagamitin ang Bubble/Cloud Organizer. Bibigyan lamang ng 5
minuto sa paggawa at pagplano ng iuulat.

Bubble/Cloud Organizer
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
Mga 5 puntos 3 puntos 1 puntos
Batayan
Kaangkupan Buong husay at May isang Kalahati o
angkop ang sagot na hindi halos lahat ng
sagot sa angkop ayon sagot ay hindi
hinihingi ayon sa hinihingi. angkop ayon
sa gawain. sa hinihingi.
Presentasyon Buong husay na Naipaliwang Di-gaanong
naipaliwanag at at naiulat ang naipaliwanag
naiulat ang gawain sa ang gawain sa
Gawain sa klase. klase.
klase.
Kooperasyon Naipapamalas Naipapamala Naipapamalas
ng lahat ng s ng halos ng iilang
miyembro ang lahat ng miyembro ng
pagkakaisa sa miyembro pangkat ang
paggawa ng ang pagkakaisa sa
gawain. pagkakaisa sa paggawa ng
paggawa ng gawain.
gawain.
Takdang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
oras gawain ng gawain ang gawain.
buong husay sa ngunit lampas
loob ng sa oras.
itinakdang oras.
Kabuuan 20 puntos
E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
paglalahad ng bagong
kasanayan #2 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China

Naghangad ang mga Tsino na makalaya mula sa imperyalismong Kanluranin dahil


sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na ito
ang nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa.

Patuloy na sarado ang China at sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin na


nagresulta sa digmaan.
• Nawalan ng kontrol ang China sa kanyang bansa nang matalo ito ng Great
Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839-1842) at muling natalo laban sa
Great Britain at France naman noong Ikalawang Digmaang Opyo
(1856-1860).

• Upang maipakita ang kanilang pagtutol sa pananakop ng mga Kanluranin,


nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping
(1850) at Rebelyong Boxer (1900).

1. Rebelyong Taiping
-pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) laban sa dinastiyang Qing na
pinamunuan ng mga dayuhang Manchu.
-layunin ng rebelyong ito ang mapabagsak ang dinastiyang Qing upang mahinto
ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
-hangad din ng rebelyong ito ang pagbabago sa lipunan, kabilang na dito ang
pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa kababaihan at pagpapalit ng relihiyong
Confucianism at Buddhism sa Kristiyanismo.
-nahinto ang rebelyong Taiping nang ito ay magapi ng dinastiyang Qing sa tulong
ng British at French.
-ito ay tinuring na isa sa pinakamadugong rebelyon sa kasaysayan ng China dahil
mayroong 20 milyong Tsino ang namatay.
2. Rebelyong Boxer
-tinawag itong rebelyong boxer dahil ang mga naghimagsik ay miyembro ng
samahang I-ho Chu’an o Righteous amd Harmonious Fists.
-ang mga miyembro nito ay may kasanayan sa gymnastic exercise.
-layunin nitong patalsikin ang lahat ng mga dayuhan na nasa bansa, kabilang na
dito ang mga kanluranin.
-nagsagawa ng maramihang pagpatay ang mga boxer, pinaslang nila ang mga
misyonerong Kristiyanismo at mga Tsino na naging deboto ng relihiyong
Kristiyanismo.
-kumalat ang rebelyong boxer mula sa mga probinsiya hanggang beijing o peking
dahil dito ay nagpadala ng pwesang militar ng 2,100 na mga sundalo galing sa
United States, Great Britain, Russia, France, Italy, at Japan upang maprotektahan
ang kanilang mamamayan sa China at masupil ang rebelyon.
-nagapi ang mga boxer dahil sa pagtutulungan ng mga dayuhang imperyalista at
nabawi ang beijing o peking sa mga boxer.
-dahil sa pagkabigo ng rebelyong taiping at rebelyong boxer ay nagpatuloy ang
pamamayani ng mga dayuhan sa China.
-sinikap ng china na magsagawa ng reporma subalit hindi ito naisakatuparan dahil
sa impluwensiya ng mga kanluranin sa pamahalaang Manchu.
-nung namatay si Empress Dowager Tzu Hsi ay mas lumala ang sitwasyon ng
kahirapan sa China. Siya ay pinlitan ni Henry Puyi o puyi na naging huling
emperador ng dinastiyang qing o manchu at itinuring din na huling emperador ng
China.

Ideolohiyang Demokrasya at Komunismo sa China

1. Ideolohiyang Demokrasya
-ang pagbagsak ng

Gabay na Tanong:
1. Ano ang layunin ng kanluraning mananakop sa Asya?

2. Ano ang epekto nito sa mga bansang nasakop?


F. Paglinang sa
Kabihasaan (Tungo sa 1. Kung ikaw ay nabuhay noon, ano kaya ang maaari mong ginawa sa
Formative Assessment) pagdating nga mga mananakop?

2. Sa kasalukuyang panahon, kung sakaling may dadating na mananakop sa


ating bansa ano ang iyong gagawin?

3. Kung sa hinaharap naman ay may darating na mananakop paano mo naman


ito haharapin?

G. Paglalapat ng aralin
sa pang-araw-araw na 1. Batay sa ating tinalakay, ano ang naging epekto ng pagsakop ng espanya
buhay sa ating bansa na makikita parin natin hanggang sa kasalukuyan? Ito ba ay
mahalaga? Ipaliwanag ang yong sagot.
H. Paglalahat ng aralin
1. Ano ang bansa sa Timog at Timog-Silangang asya na nasakop?

I. Pagtataya ng aralin Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay ang tatlong layunin ng kanluranin sa pagsakop sa asya
maliban sa ________?
A. God B. Gold C. Grain D. Glory
2. Ito ay kabilang sa layunin ng kanluranin na naglalayong mapalaganap ang
kristiyanismo?
A. Relihiyon C. God
B. Pagdarasal D. Glory
3. Ano ang bansang sumakop sa Pilipinas noong unang yugto ng Imperyalismong
kanluranin?
A. England C. America
B. Kuwait D. Spain
4. Ito ay ang sapilitang pagtratrabaho ng mga may edad na 16-60 na taong gulang
sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas.
A. Serbisyong Mandato C. Polo y Servicio
B. Labor Code D. Free Service Code
5. Ito ay layuning ng kanluranin na naglalayong mapalawak ang kapangyarihan?
B. God B. Gold C. Grain D. Glory
J. Karagdagang gawain Takdang Aralin
para sa takdang-aralin at Panuto:
remediation Magsaliksik patungkol sa nangyari sa South China Sea
At alamin ang suliraning nakapaloob dito.
V. REMARKS

VI. Mga Tala

A. Bilang ng mga mag-


aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D.Bilang ng mga mag-
aaral na nagpatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nga
lubos?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

JHON LEO ELIAZAL DOROON MARIA SHIELA G. MARANON


Guro Cooperating Teacher
Pinagtibay nina:

JOCELYN S. LOBATON, MT II OSCAR G. DAHAN


Academic Coordinator Head Teacher III

Inaprubahan ni:

JASPER L. LOBATON, EdD


Principal III

You might also like