You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lipa City East District
DON LEON E. DOLOR MEMORIAL SCHOOL
Antipolo Del Norte, Lipa City

BANGHAY ARALIN sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Ikatlong Markahan

I. A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling disiplina
para sa bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang patuloy na pagninilay para makapagpasya nang wasto tungkol sa
epekto ng tulong-tulong na pangangalaga ng kapaligiran para sa kaligtasan ng bansa at daigdig

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saanman sa
pamamagitan ng:
1. segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at dinabubulok sa tamang
lagayan (EsP4PPP- IIIg-i–22)

II. Nilalaman
Disiplina Sa Pagtatapon ng Basura: Isang Pandaigdigang Panawagan

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo : Ikatlong markadahan Modyul 6
2. Karagdagang kagamitan mula sa LRDMS : Larawan mula sa internet,
www.samutsamot.com
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Audio/Visual Presentation, LED TV, laptop, larawan

IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagbibigay ng Pamantayan

A. Pagganyak
CSE Integration: Ang guro ay magbibigay ng papel at ililista ng mga mag-aaral ang mga
gawain na ginagawa ng mga batang lalaki o babae.
1. Bilang isang batang lalaki o babae, paano ka makakatulong sa paglilinis ng iyong
kapaligiran?
2. Sang-ayon ka ba na ngayon ay pantay na ang mga babae at lalaki pagdating sa mga
gawaing bahay?Ipaliwanag ang iyong sagot..

Hahatiin ng guro ang klase sa apat na grupo. (Masipag, Malinis, Masigasig, Masikap).
Bawat grupo ay bibigyan ng mga larawan kung saan paghihiwa-hiwalayin batay sa uri o klase
nito.

Itanong: Sa paanong paraan ninyo pinaghihiwalay ang mga basura?

Don Leon E. Dolor Memorial School


School ID: 109643
Address: Antipolo Del Norte, Lipa City
Contact No.: (043)332-5220
E-mail: donleondolor@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lipa City East District
DON LEON E. DOLOR MEMORIAL SCHOOL
Antipolo Del Norte, Lipa City

NABUBULOK DI-NABUBULOK

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Isang Maikling Tula (Listening and Reading Skills)
Ipapabasa ng guro ang tula sa bawat grupo.

Sa Ating Kapaligiran

Sa ating kapaligiran inyong maoobserbahan


Tambak o bundok ng basura makikita kaliwa’t kanan
Sama-sama ang mga bote, plastic, at papel na pinaggamitan
Metal, goma, steel, at mga nabubulok na pagkaing pinagtirhan

May mga taong tila walang pakialam


Kahit marumi ang paligid, sa kanila ay ayos lang
Tapon dito, tapon doon, kalat dito di napaparam
Dulot ay pagkasira sa kawawang kapaligiran

Bilang tagapagtaguyod ng kalinisan at kaayusan


Nabubulok at hindi nabubulok, segregasyon dapat isagawa
Ipakita mong ikaw sa disiplina nananahan
Upang maging modelo bawat isa’y masisiyahan

Halika na aking kapatid, kamag-aral at kaibigan


Ikampanya natin, segregasyon ay ipaglaban
Kahalagan nito’y iparamdam
Upang ang lahat ay mahimok at maglingkuran

Don Leon E. Dolor Memorial School


School ID: 109643
Address: Antipolo Del Norte, Lipa City
Contact No.: (043)332-5220
E-mail: donleondolor@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lipa City East District
DON LEON E. DOLOR MEMORIAL SCHOOL
Antipolo Del Norte, Lipa City

2. Pagtatalakay
Upang mas mauunawaan ang binasang tula, ang bawat bata ay sasagutin ang mga
tanong.
1. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang disiplina sa pagtatapon ng basura, ano
kaya ang magiging epekto nito sa pamayanan at maging sa buong daigdig?
2. Bakit kailangan paghiwa-hiwalayin o i-segregate ang mga basura na makikita sa
tahanan paaralan pamayanan o maging sa bansa?
3. Anong mga pangyayaring pangkapaligiran ang nararanasan natin ngayon na
maaaring dulot din ng maling pagtatapon ng basura?
4. Ano ang sumasalamin sa isang bayan o bansa kung parating nakatambak o
nakakalat ang basura rito?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bawat pangkat ay bibigyan ng karatula. Sa bawat karatula ay nakasulat ang nabubulok
at di-nabubulok. Magpapakita ang guro ng mga bagay at itataas ng mga bata ang karatula kung
ang bagay ay nabubulok o di-nabubulok.

Tandaan
Disiplina ang kailangan upang maisalba natin ang ating Inang Kalikasan sa
tuluyang pagkasira at pagkawasak nito. Sa dami ng suliraning kinakaharap ng ating
mundo ay dapat na kumilos na at magkaisa tayo. Magsisimula sa bawat tahanan ang
paghilom ng sugat ng Inang kalikasan. Ang pagiging mulat sa mga wastong gawi sa
pagtatapon ng basura ay nagpapakita ng pagpapahalaga natin sa kaisa-isang mundo na
ipinagkaloob sa atin ng Diyos na maging tahanan.

2. Paglalapat
Pangkatang Gawain

Pangkat Masipag

Takpan ng 😊 ang salitang naiiba batay sa hinihingi ng nasa unang kahon.

Hindi nabubulok bote saging Sibuyas


Nabubulok goma pansit Salamin
Nabubulok dahon baterya Metal
Hindi nabubulok tela tinapay kanin

Pangkat Malinis
Kung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa ibang lugar o
bansa na may batas sa tamang pagtatapon ng basura, susunod ka ba? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

Pangkat Masigasig
Bumuo ng isang maikling kanta tungkol sa tamang segregasyon ng basura.

Pangkat Masikap
Buuin ang hiwahiwalay na larawan ng isang nabubulok at di-nabubulok. Tukuyin
ang mga bagay na nabubulok at di-nabubulok.

IV. PAGTATAYA
Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan. Isulat ang N sa sagutang papel
kung ito ay nabubulok at HN kung ang larawan sa bilang ay di-nabubulok.

Don Leon E. Dolor Memorial School


School ID: 109643
Address: Antipolo Del Norte, Lipa City
Contact No.: (043)332-5220
E-mail: donleondolor@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lipa City East District
DON LEON E. DOLOR MEMORIAL SCHOOL
Antipolo Del Norte, Lipa City

Prepared by:

ANNA CLARISSA S. TAPALLA


Guro I

NOTED

CRESENCIANA B. VALENCIA
Ulongguro III

Don Leon E. Dolor Memorial School


School ID: 109643
Address: Antipolo Del Norte, Lipa City
Contact No.: (043)332-5220
E-mail: donleondolor@yahoo.com

You might also like