You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII-CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF DANAO CITY

SEVERO DUTERTE MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL


Rizal St., Suba, Danao City
Office of the Principal

SUMMATIVE TEST 1 IN EsP 6 – QUARTER 3

Name:_________________________________________Gr. & Sec___________Score____________


Panuto: Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat mo ang TAMA kung ito ay tama at MALI
kung mal isa patlang.
1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong atletiko na nag-uwi ng
medalya para sa bansa.
2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong negosyanteng Pilipino.
3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap
na mairepresenta ang bansa sa South East Asian (SEA) Games.
4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mgabayaning nagbuwis ng buhay
para sa kalayaan.
5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na paligsahan sa telebisyon.
6. Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang matupad ang pangarap na
makapagtapos ng pag-aaral.
7. Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz, hindi pa rin sila pinanghinaan
ng loob at patuloy pa ring nagpupursigi.
8. Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran niya ay mayaman naman
ang kaniyang mga magulang.
9. Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha siya ng scholarship at
maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
10. Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy upang makapag-uwi ng
karangalan sa bansa.

II. Basahing Mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng inyong sagot
1. Ito ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon at responsibilidad.
A. Pagmamahal B. Pananagutan C. Pagpapahalaga D. Pagmamalasakit

2. Ang pagbibigay ng mataas na uri na edukasyon at kaalaman ng mga kabataan sa lahat ng antas ukol sa tamang
paraan sa pangangasiwa sa kabuhayan at pinagkukunang yaman ay pananagutan ng _________.
A. paaralan B. simbahan C. pamahalaan D. pribadong sector
3. Nakita mo ang iyong kaklase na si Ruben na nagtatapon ng basura kahit
saan. Ano ang iyong gagawin?
A.Gagayahin ang kanyang ginawa .
B. Pabayaan siya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.
C. Pagtawanan ang kanyang ginawa.
D. Susuwayin at sabihan na itapon ang basura sa tamang lugar.
4. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda na
kinuha sa pamamagitan ng dinamita.
A. Republic Act 418 B. Republic Act 438 C. Republic Act 448 D. Republic Act 428
5. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng importansya, maaaring sa isang tao,
bagay o mga pangyayari.

Address: Rizal St. Suba, Danao City


Telephone No: (032)343-0082
E-mail: severodutertemes@gmail.com, 119357@deped.gov.ph
Facebook: Severo Duterte Memo ES
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII-CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF DANAO CITY

SEVERO DUTERTE MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL


Rizal St., Suba, Danao City
Office of the Principal

A. Pagmamahal B. Pananagutan C. Pagpapahalaga D. Pagmamalasakit


6. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pinagkukunang-yaman?
A. Pagdidinamita C. Illegal na pagtotroso
B. Pagtitipid ng tubig D. Patuloy na pagputol ng mga puno
7. Paano mo maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga sa pinagkukunang-yaman sa bansa?
A. Pagkaka-ingin C. Pagputol ng mga puno
B. Pagdidinamita D. Pagpanatiling malinis ng kapaligiran
8. Bakit kailangan nating pahalagahan ang ating pinagkukunang-yaman?
A. Upang ito ay masira
B. Upang hindi matugunan ang pangangailangan ng tao.
C. Upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran
D. Upang ito ay hindi mapakinabangan sa susunod na henerasyon.
9. Karamihan sat taga - Sitio Maligaya ay mga mangingisda. Paano nila
maipapakita ang pangangalaga sa kanilang pinagkukunang yaman?
A. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanyang magulang .
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda para sa mga mahihirap.
C. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paglilinis at sa hindi paggamit ng dinamita sa
pangingisda.
D. Sa pamamagitan ng pagkapanalo sa isang patimpalak tungkol sa environment.
10. Ito ay may pananagutang hubugin ang mga anak sa tamang pangangalaga ng kalikasan.
A. Pamilya B. Paaralan C. Simbahan D. Pamahalaan

Address: Rizal St. Suba, Danao City


Telephone No: (032)343-0082
E-mail: severodutertemes@gmail.com, 119357@deped.gov.ph
Facebook: Severo Duterte Memo ES

You might also like