You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
DIVISION OF ESCALANTE CITY
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
QUARTER 4 WRITTEN WORKS #2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
A. Selected Response
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

1. Ang salitang paggalang ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay __________.
A. Paglingon o pagtinging muli C. Pagsunod
B. Pagtatangi D. Nakalulugod
2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na ang pamilya ay malapit sa iyo MALIBAN sa?
A. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan
B. Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.
C. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.
D. Ang iyong kabuuang pagkatao ay hinulma ng iyong pamilya.
3. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
A. pagbibigay ng halaga sa isang tao. C. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
B. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan. D. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
4. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng
kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa
minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng
____________:
A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop D. pagsunod
5. Ang mga sumusunod ay paggalang sa magulang MALIBAN sa,
A. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon C. Paggalang sa kanilang kagamitan
B. Pag-uwi ng hating gabi D. Pagtupad sa itinakdang oras
6. Ang mga sumusunod ay paggalang sa nakakatanda MALIBAN sa,
A. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
B. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa
maraming bagay.
C. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang
karanasan sa buhay pero hindi susundin ang mga ito.
D. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga
karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
7. Paano mo maipapakita ang paggalang at pagpapahalaga sa pamilya mo?
A. pagkakaroon ng diyalogo
B. Huminto sa pag-aaral upang makatulong sa pamilya.
C. Pagsunod mo sa kanilang bilin at utos na mag-aral kang mabuti.
D. Paggalang sa mga personal na gamit at sa karapatang maging pribado (right to privacy).
8. Wala ng magulang ang magkakapatid na sina Ana, Felix at Dan. Si Dan ang panganay sa kanilang tatlo. Dahil
hindi na masikmura ni Dan na tingnan na nagugutom ang kaniyang mga kapatid ay naisipan niya na
magnakaw kahit alam niyang mali ito. Kung ikaw si Dan, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako magnanakaw sa halip ay manghihingi na lang ako sa mga karenderya ng mga tira-tirang
pagkain.
B. Hihingi ako ng tulong sa DSWD upang mapangalagaan at mabigyan kami ng mga pangangailangan namin.
C. Gagawin ko ang ginawa ni Dan dahil kahit na masama ang pamamaraan, mabuti naman ang
patutunguhan.
D. Maghahanap ako ng trabaho kahit maliit lang ang sahod.
9. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak
nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit
may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang
samahan sa pamamagitan ng ________:
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.

10. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

Brgy. Buenavista, Escalante City, Negros Occidental, Philippines


www.http://buenavistanhs.weebly.com
www.facebook.com/buenavistahigh
email add: 302595@deped.gov.ph
Tel. No. +63 9171371016
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI- WESTERN VISAYAS
DIVISION OF ESCALANTE CITY
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
B. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
C. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.

(Para sa bilang 11-15)


Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at suriin kung may umiiral na paglabag sa paggalang sa mga
magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad. Sa iyong sagutang papel, isulat ang WALA kung walang may
nakitang paglabag at MAYROON naman kung may umiiral na paglabag sa paggalang.

11. Pagdating ni Mona sa bahay, agad niyang hinanap ang kanyang mga magulang upang magmano.
12. Mababa ang nakuhang marka ni Ramon sa kanilang pagsusulit. Agad niyang kinausap ang kanyang guro at
minura ito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon ang kanyang iskor.
13. Hiningi ni Lisa ang payo ng kanyang lola tungkol sa masugid nitong manliligaw.
14. Hindi makalabas si Ana sa kanilang bahay dahil sa pandemya dulot ng Covid19 at sa batas na bawal lumabas
ang mga menor de edad. Isang araw, hinimok niya ang kanyang kaibigan na lumabas at gumala sa plasa dahil
talagang nababagot na siya.
15. Nakita ni Jose na naiwan ng kanyang kapatid ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa. Dahil alam niya ang
password nito, binuksan niya ito at naglaro ng paborito niyang Mobile Legends ng hindi nagpapaalam.

B. Constructed Response
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Sagutin nang may pag-unawa ang mga kasunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gawing basehan ang rubrik sa ibaba.

Pamantayan Puntos

Nilalaman 10

Pagpapaliwanag 5

Kabuuang Puntos 15
Mahalaga ba na dapat sundin ang magulang? nakatatanda? at
may awtoridad? Palawakin ang iyong kasagutan.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

PERFORMANCE TASK #2
PAGGAWA NG PHOTO COLLAGE

PANUTO: Magsaliksik ng mga larawan at gumawa ng isang photo collage na nagpapakita ng mga paraan ng
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Gawin ito sa isang short bond paper. Maaaring isend sa
aking messenger o email: meah.bajande@deped.gov.ph
Gamitin ang rubriks sa ibaba bilang basehan ng iyong pagmamarka.

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Kawastuhan Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto. 5
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang mensahe ng photo collage 5
Organisasyon Kumprehensibo, maayos, malinaw at malinis ang daloy ng mensahe. 5
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos o pagpapakita ng ginawa. Gumamit ng 5
angkop na paglalarawan upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng photo
collage
Kabuuan 20

“Life goes on”


Inihanda ni: Bb. MEAH A. BAJANDE I Guro sa AralPan/EsP 8 at 9

Brgy. Buenavista, Escalante City, Negros Occidental, Philippines


www.http://buenavistanhs.weebly.com
www.facebook.com/buenavistahigh
email add: 302595@deped.gov.ph
Tel. No. +63 9171371016

You might also like