You are on page 1of 3

The United Methodist Church

THE CAUAYAN MESSIAH CHRISTIAN SCHOOL


#81 District II, Cortez Street, Cauayan City, Isabela
Telephone No. (078) 652 – 1190

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

UNANG PANGGITNANG PAGSUSULIT


CHRISTIAN LIVING 8

Name: ______________________________________________ Score: ___________


Grade and Section: ____________________________________ Date: ____________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang.

______1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin dito ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. Pamahalaan B. barangay C. paaralan D. pamilya
______2. Anong uri ng pamilya ang binubuo ng ina, ama, at anak?
A. Pamilyang nuclear C. Sambahayan
B. Pinalaking pamilya D. Pamilyang Single Parent
______3. Anong uri ng pamilya ang binubuo ng asawa, maybahay, kanilang mga anak at mga kamag-anak
ng parehong partido?
A. Pamilyang nuclear C. Sambahayan
B. Pinalaking pamilya D. Pamilyang Single Parent
______4. Ito ay binubuo ng isang malaking pamilya: ang mag-asawa at kanilang mga anak, kasama ang
ilang taong walang kaugnayan sa kanila, gaya ng mga kasambahay.
A. Pamilyang nuclear C. Sambahayan
B. Pinalaking pamilya D. Pamilyang Single Parent
______5. Ang _______ ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapaunlad ng ating mga ideya ,
kasanayan, pagpapahalaga, at personalidad na sa huli, ay maaaring humantong sa kasiyahang-
loob.
A. Tahanan B. Barangay C. Paaralan D. Pamilya
______6. Siya ang nag-aaruga sa mga anak, nagtuturo ng mabubuting pagpapahalaga, gabay at ilaw ng
tahanan.
A. Ama B. Anak C. Ina D. Kasambahay
______7. Siya ang tagapagpatupad ng disiplina. Nagbibigay at tagapagpanatili ng makatwirang tuntunin at
limitasyon sa tahanan.
A. Ama B. Anak C. Ina D. Kasambahay
______8. Ano ang dalawang aspeto ng isang tahanan?
A. Pisikal at Emosyonal C. Pisikal at Espiritwal
B. Emosyonal at Espiritwal D. Sosyal at Pisikal
______9. Ayon sa antas ng awtoridad, ano ang tawag kapag ang ina ang nagtataglay ng awtoridad?
A. Pamilyang Patriyarkal C. Pamilyang Sentral
B. Pamilyang Matriyarkal D. Pamilyang Egalitaryan
______10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang
ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
A. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa.
B. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
C. Ang pundasyon ng bata sa pamilya, dala hanggang pagtanda.
D. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
______11. “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon
din sa lipunan.
B. Dahil ang matibay na samahan ng pamilya ang siyang nagpapatibay ng samahan sa lipunan.
C. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
D. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
______12. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod
na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
A. Sa pamilya unang natutunan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang pakikitungo nito sa
iba.
C. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gabay sa mga
bata.
D. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
______13. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga bata ang mga magulang?
A. Dahil ang kanilang mga pinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalaman kanilang makukuha sa
paaralan.
C. Dahil sila ang nagluwal sa bata at nagturo ng mabuti.
D. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.
______14. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga
gawaing ispiritwal maliban sa _____.
A. Pagbibigay ng gantimpala sa anak para lang magsimba.
B. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya.
C. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
D. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya.
______15. Bakit itinuturing na una at pinakamahalagang yunit ng lipunan ang pamilya?
A. May maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay na nakabatay sa mabuting ugnayan.
B. Sumisibol sa pamilya ang bawat indibidwal na bumubuo ng lipunan at dito galing ang bawat
kasapi ng sekto ng lipunan.
C. Orihinal na paaralan ng pagmamahal.
D. Sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at magsama
habambuhay.
______16. Sino ang namamahala sa pamilya?
A. Kapitan B. Pangulo C. Anak D. Magulang
______17. Sino ang taga-sunod sa pamilya?
A. Kapitan B. Pangulo C. Anak D. Magulang
______18. Saan unang natutunan ng isang indibidwal ang pagiging isang mabuting tao at mamamayan?
A. paaralan B. pamilya C. barangay D. lipunan
______19. Ito ang pinaka-epektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan.
A. pamilya B. barangay C. lipunan D. paaralan
______20. Bakit sinasabing kakaibang institusyon ang pamilya?
A. Ang pinuno ang hinahalal ng bawat miyembro ng pamilya.
B. Ang pinuno ang hinahalal ng mga anak.
C. Ang pinuno ang hinahal ng mga magulang.
D. Ang pinuno ay hindi na kailangang ihalal o piliin pa.
II. ESSAY
A. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ipaliwanag ang kawikaang “kung ano ang puno, siya ang bunga”.
2. Ano ang itinuturing mong pangunahing relasyong may pagmamahalan? Bakit?
3. Ano-anong mga katangian ang pinaniniwalaan mong lubhang nakakasira sa isang relasyong may
pagmamahalan? Ipaliwanag.
4. Bilang isang anak, ano ang mga magagawa mo upang mapasaya ang iyong pamilya?
5. Paano mo masasabing pinakamalaking kaligayahan sa buhay ang magkaroon ng isang masayang
pamilya?

Inihanda ni: Iwinasto ni:


STEPHANIE JOY E. LUNGUB CARLA MAE L. YANGO
Teacher Academic Coordinator
Pinagtibay ni:
ROGER D. SALVADOR
Principal

You might also like