You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

SUMMATIVE TEST 4
QUARTER 3 (WEEKS 7 & 8)
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan:____________________ Iskor:____________________
Section:_____________________ Lagda ng Magulang:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng pinakatamang
sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
A. Pagbibigay ng halaga sa isang tao
B. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
C. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
D. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo

_____2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng
katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
A. Ang tamang pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod
sa mga ipinag-uutos
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may
pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod

_____3. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
B. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
C. Suportahan at isagawa ang mga proyekto at programa ng mga taong may
awtoridad
D. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo

_____4. Maayos na napalaki ni Aling Fely ang kaniyang mga anak ngunit may mga
pagkakataong nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Ano ang maaring
gawin ni Aling Fely upang mas mapatatatag ang samahan nilang mag-iina?
A. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa
kalagayan ng bawat isa
B. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi
nang maaga
C. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email
kung nasa malayong lugar
D. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang lingo
_____5. Alin ang HINDI nagpapakita ng pagkatuto ng isang bata sa pagsunod at
paggalang?
A. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda
B. pagmamasid sa taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
C. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya
D. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at pagsunod

_____6. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa


pamilya?
A. Nabubuklod nito ang mga henerasyon
B. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya
C. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib
D. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
E.

_____7. Bakit sa edad na tatlo hanggang apat ay nagsisimulang mahubog ang kilos-loob ng
isang bata?
A. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang
B. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang
C. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
D. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan sa bawat mga tuntuning itinatakda

_____8. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno.Lahat ng


sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay
napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Anong uri ng kilos
ang isinasabuhay ni Jay?
A. kasipagan C. pagpapasakop
B. katarungan D. pagsunod

_____9. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga
gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang
nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at
pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat
ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas.
Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
C. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may
awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
D. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng
pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.

_____10. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Ngunit isa
sa kasapi ng pamilya ang kinakitaan nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-
aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag
pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang
reaksiyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa
ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon.
Huwag magsawa.
B. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin
siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
C. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang
marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
D. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie.
Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan
ANSWER KEY

1. A
2. D
3. D
4. A
5. C
6. B
7. A
8. C
9. A
10. D

You might also like