Professional Documents
Culture Documents
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI-WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
DISTRICT OF BINALBAGAN I
I. Panuto: Basahin ng Mabuti ang bawat tanong. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang numero.
Dalawang puntos bawat numero.
8. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.
11. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
12. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang
bata, ang bata ay __________:
a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
13. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging
lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang
pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni
Jay ay nagpapakita ng ____________:
a. katarungan
b. pagpapasakop
c. kasipagan
d. pagsunod
14. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang
mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang
maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag
nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:
a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
b. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.
c. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
d. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
15. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga
magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid.
Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral
ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng
kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng
mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang
pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga
natuklasang dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang
walang pagtatangi.
III. Essay
Sampung puntos. 21-30. Paano maipapakita ang paggalang at pasunod sa taong may awtoridad?
Sampung puntos 31-40. Paano mo isasabuhau ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pag
mamahal?
Rubrics:
Wastong pagamit ng salita. 50%.
Naipaliwanang ng Mabuti ang tanong. 50%
Inihand ni:
Bb. Mae Ann M. Piorque