You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF EASTERN SAMAR
QUINAPUNDAN NHS – ANISLAG ANNEX
Quinapondan, Eastern Samar

LAGUMANG PAGSUSULIT SA EsP 10


Pangalan: _______________________________________ Petsa: ___________________

Baitang: __________________________

I. Panuto: Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang salita na sumasang-ayon sa iyong
sagot at isulat sa patlang ang titik nga tamang sagot.

______ 1. Tayo ay iminumulat tungkol sa mga natatanging kaganapan sa __________ ng ating bansa.

A. tradisyon C. kasaysayan

B. kahalagahan D. nasyonalismo

______ 2. Ipinakilala rin nila sa atin ang ilan sa mga mayayamang kultura, __________, mga

paniniwala at sining.

A. tradisyon C. kasaysayan

B. kahalagahan D. nasyonalismo

______ 3. Nakakalimutan na kaya ng ilan sa atin ang __________ng pagmamahal sa bayan?

A. tradisyon C. kasaysayan

B. kahalagahan D. nasyonalismo

______ 4. Sa asignatura na lamang ba tayo napaaalalahanan tungkol sa totoong ibig sabihin ng

__________ at pagiging maka-bayan?

A. tradisyon C. kasaysayan

B. kahalagahan D. nasyonalismo

______ 5. Siya, bukod sa ating sariling mga pamilya ang __________ sa ating pagkatao.

A. kabuluhan C. pananagutan

B. likas na yaman D. sumasalamin

______ 6. Bawat isa sa atin ay may __________ o responsibilidad na dapat tandaan.

A. kabuluhan C. pananagutan

B. likas na yaman D. sumasalamin

Address: Brgy. Anislag, Quinapondan E. Samar, Philippines


QNHS-Anislag Annex Stakeholders
E-mail Address: 313512@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF EASTERN SAMAR
QUINAPUNDAN NHS – ANISLAG ANNEX
Quinapondan, Eastern Samar

______ 7. Hitik siya sa mga __________ at napakabuluhan ng kanyang kasaysayan at pinagdaanan.

A. kabuluhan C. pananagutan

B. likas na yaman D. sumasalamin

______ 8. Kung walang pagmamahal, walang saysay o __________ ang pagkakaibigan.

A. kabuluhan C. pananagutan

B. likas na yaman D. sumasalamin

______ 9. Ito ay parang _______ lamang o pagpapakitang-tao habang kasama ang iba.

A. sense of belongingness C. pakikisalamuha

B. pagbabalat-kayo D. mithiin

______ 10. Mararamdaman pa rin natin ang __________; na ang bawat isa sa atin ay mahalagang

bahagi na bumubuo sa pamilya.

A. sense of belongingness C. pakikisalamuha

B. pagbabalat-kayo D. mithiin

II. Panuto: Bilugan ang letra ng may pinakaangkop na sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino, maliban sa

A. Paggalang C. Pagmamahal sa sarili

B. Kapayapaan D. Katarungan

2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

A. Mangopya at magpakopya para sa mga kaibigan.

B. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan.

C. Iwasan ang anumang gawain na nakakapagod para maglibang.

D. Bumili ng produktong peke o smuggled.

3. Ito ay pagpapakilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na


mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan.

A. Pagsunod sa Batas C. Batas Moral

Address: Brgy. Anislag, Quinapondan E. Samar, Philippines


QNHS-Anislag Annex Stakeholders
E-mail Address: 313512@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF EASTERN SAMAR
QUINAPUNDAN NHS – ANISLAG ANNEX
Quinapondan, Eastern Samar

B. Pagsunod sa Tao D. Makatarungang Batas

4. Paano napalalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?

A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.

B. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.

C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at

magdamayan.

D. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.

5. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin sa


pagka-Pilipino natin?

A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.

C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.

D. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

6. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay at may
pagmamahal ay nagpapakita ng

A. Katatagan at kasipagan C. Kasipagan

B. Kabayanihan at katapangan D. Kaayusan

7. “Ang _____________ ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa


aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapagambag sa kabutihang panlahat.”

A. Kasipagan C. Pagmamahal sa bayan

B. Dignidad D. Integridad

8. Ano ang pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon?

A. Paggalang C. Pagmamahal sa bayan

B. Dignidad D. Integridad

9. Ano ang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita kapag ang karapatan ng isang
mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan
ang dignidad niya bilang tao?

Address: Brgy. Anislag, Quinapondan E. Samar, Philippines


QNHS-Anislag Annex Stakeholders
E-mail Address: 313512@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII-EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF EASTERN SAMAR
QUINAPUNDAN NHS – ANISLAG ANNEX
Quinapondan, Eastern Samar

A. Paggalang C. Pagmamahal sa bayan

B. Dignidad D. Integridad

10. Alin ang hindi angkop na kilos ng isang nagmamahal sa bayan?

A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.

B. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.

C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sarili.

D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

III. Panuto: Magbigay ng mga sitwasyon o pangyayari na kung saan naipamalas mo sa iyong
pamumuhay ang mga sumusunod na pagpapahalaga.

 Pagpapahalaga sa buhay

 Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa

Address: Brgy. Anislag, Quinapondan E. Samar, Philippines


QNHS-Anislag Annex Stakeholders
E-mail Address: 313512@deped.gov.ph

You might also like