You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LALAWIGAN NG BATAAN
BAYAN NGDINALUPIHAN
BARANGAY BAYAN-BAYANAN
TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

PAMAHALAAN BARANGAY NG BAYAN –BAYANAN


Resolusyon Blg. 01-2022

PARENT TEACHER ASSOCIATION OF BAYAN- BAYANAN ELEMENTARY SCHOOL


Resolusyon Blg. 01-2022

PINAGSAMANG RESOLUSYON PARA SA PAGPAPAGAWA NG COVERED COURT


AT BUBONG NG ENTABLADO NG PAARALAN NG BAYAN – BAYANAN
ELEMENTARY SCHOOL

SAPAGKAT, ang entabalado ng paaralan ay hindi magamit ng mga batang mag-aaral para sa
kanilang mga gawain dahil sa ito ay walang silong o bubong lalo na kapag umuulan at maiinit
ang panahon.

SAPAGKAT, napagkasunduan sa pulong na ginanap noong ika – 16 ng Agosto 2022 ng


Pamahalaan Barangay ng Bayan-bayanan at nang Samahan ng Magulang at Guro. na lumapit sa
inyong butihing tanggapan upang humiling ng covered court at mapagawa na ang bubungan ng
entablado ng paaralan.

SAPAGKAT, walang sapat na pondo ang paaralan para magpagawa ng covered court at maisa-
ayos ang entablado para magamit ng mga magulang, guro at ng mga mag-aaral sa kanilang
makabuluhang gawain na may kinalaman sa edukasyon.

DAHIL DITO, napagpasyahan nang magkabilang panig na gumawa ng pinagsamang resolusyon


para pagtibayin ang napagkasunduan at kahilingan para sa proyekto na nais naming idulog sa
inyong tangapan.

PINAGPASYAHAN DIN, na bigyan ng sipi ang tanggapan ng Gobernador ng Lalawigan ng Bataan


na si Hon. Joet S. Garcia para sa wasto niyang kaalaman ngayong ika – 18 ng Agosto 2022.

PAMAHALAAN BARANGAY NG BAYAN-BAYANAN

HON. JOSE M. SALONGA


Punong Barangay

HON. MIGUEL L. DULDULAO JR. HON. ROGELIO C. TORRES


Committee on Education Committee on Public Works

PARENT TEACHER ASSOCIATION OF BAYAN-BAYANAN ELEMENTARY SCHOOL

MRS. FE S. PAGUIO HON. ROMINA M. GARCIA


PTA President PTA Vice President

You might also like