You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Lunsod ng BRGY LAWA
LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL

PANUKALANG PROYECTO SA LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL

Mula kina Antonio P. Fabiosa Jr.,

Myrene Angelica Belen,

Jeniffer M. Lubitana,

Dana Evangeline C. Oliver,

Jerzel A. Sales.

Sa Government road

Brgy. LAWA

Ika-22 ng febriro

Haba ng Panahong Gugugulin: 5 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL ay isa sa mga umuunlad na paaralan sa

DON Marcelino at isa rin ito sa may pinakamataas na bahagdan ng mga mag-aaral.

Habang dumarami ang mga nage-enrol dito ay nagkukulang na rin ito sa mga

kagamitan at establisyemento, kaya naman nag-atas si Mayor Michael Maruya ng

mga manggagawa upang magtayo ng karagdagang dalawang gusali para sa mag-

aaral ng Senior High School. Natapos na ang pagpapatayo ng dalawang gusali para

sa mga mag-aaral ng Senior High School, subalit mayroon pang suliranin ang mga

mag-aaral ng Senior High na nais mabigyan ng atensyon upang mabigyang

solusyon at ito’y maisakatuparan.


Isa sa mga problema ng mga mag-aaral ng Senior High School ay ang lokasyon

ng kantina at ang oras ng recess. Ang kantina ng paaralan ay malayo sa mga gusali ng

mga mag-aaral ng Senior High School. Ang nagiging sanhi nito ay ang kaubusan ng

oras at pagkahuli sa oras ng klase dahil sa taas at dami ng hagdan na dadaanan bago

makarating sa kantina. Alinsunod nito ang pagsabay ng oras ng recess ng Junior High,

kaya naman nagkakagulo at nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa loob ng kantina. Dahil

ditto karamihan sa mga mag-aaral ay pininipili na lamang na hindi mag-recess.

II. Layunin

Maipatupad ang pagkakaroon ng sariling kantina ang mga mag-aaral ng Senior High

School, upang hindi na mahirapan ang mga mag-aaral na umakyat baba sa mataas at

madaming hagdan para lang makabili ng kani-kanilang pagkain at sa pagsasayang ng

oras dahil sa haba at layo ng kanilang lalakarin bago makarating sa kantina, alinsunod

nito ang pakikigulo at pakikipagsiksikan sa mga mag-aaral ng Junior High School sa

paaralan ng San Jose National High School, marahil sa magkasabay at parehong oras

ng iskedyul ng kanilang recess.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagpasa, pagaaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)

2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa

pagpapatupad ng kantina, (2 linggo). Ang mga kontraktor ay inaasahang

magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng kantina kasama

ang gagamiting plano para rito.

3. Pagpupulong ng mga nakatataas ng Senior High School sa paaralan tungkol sa

gagawa ng kantina (1 araw). Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na

pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa kabatiran ng nakakarami.

4. Pagpapatayo ng kantina sa ilalim ng pamamahala ng opisyal ng paaralan (5

buwan).
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng natapos na kantina (1 araw).

IV. Badyet

MGA GASTUSIN HALAGA

1. Materyales

 Plywood 2,500

 Bakal 3,000

 Yero 5,000

 Pako 300

 Semento 2,400

 Pintura 500

 Hollowblocks 3,000

 Buhangin 5,000

2. MgaManggagawa 270,000

KABUOAN 291,700

V. Kapakinabangan

Ang pagpapatupad ng pagkakaraan ng kantina sa Ynares Building 1 ay

mapapakinabangan ng mga guro, mag-aaral ng Grade 12 at iilan sa mga mag-aaral ng

Grade 11. Ang nasasayang na oras ng mga estudyante sa papunta’t pabalik mula sa

kantina papuntang gusali ng Senior High ay nasolusyonan na. Maaari nila itong igugol

sa paggawa ng iba pang gawain, sa pagpili ng bibilihin o sa pakikisalamuha sakani-

kanilang kaibigan. Hindi na makararanas ang mga estudyante at guro ng pagod mapawi

lang ang gutom at uhaw na nararamdaman.

Ang mga estudyante ay di na mamomroblema sa pakikipagsiksikan sa mga Junior

High. Hindi na sila mag-aaksaya pa ng oras, makarating lang sa kantina, makabili lang
ng pagkain. Dahil dito, ang mga mag-aaral ng Senior High School ay makakapag-

recess ng matiwasay at hindi na magtitiis na gutumin ang sarili.

Siguraduhin na ang mga mag-aaral ng Senior High sa San Jose National High

School ay makakain sa oras ng recess,sapagkat maikli lamang ang nailaang oras para

rito. Ipatupad ang pagkakaroon ng kantina upang maiwasan ang pakikipagsiksikan at

ang pag-aaksaya ng oras.

KATITIKAN NG PULONG
KATITIKAN NG PULONG NG PARENT - TEACHER ASSOCIATION (PTA) NG

PARALAN NG LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL

Ika- 30 Ng NOVEMBER , 2023

Oras -1 ng hapon

Sa LAWA NATIONAL HIGH SCHOOL

Dumalo:

• Norbert PORE jr - punong guro ng (LNHS)

• Paul James Mona - Guro

• romnick Sarmiento - Guro

• amabella Sarmiento - Guro

• Rapson formentera. - Guro

• Darish Jane cambalon - Guro

• Alvin Vergara - Guro

• Alvin decolas - Guro

• prencises opong. - Guro

• Marna dabokol. - Guro

• Tessa formentera - Guro

1.Panukalang adyenda

Pag meeting ng PTA

2. Pag papatibay ng Panukalang Adyenda


- Binuksan ang pagpupulong pulong ni Norbert PORE jr ang punong guro sa

kahalagahan ng Pag kakaisa ng mga mag- aaral magulang at guro sa Pag papabuti ng

paaral.

- Nag pahayag ng kanyang mensahe si Norbert PORE jr ang punong guro tuno sa

mabuting dulot ng pabibigay supporta at gabay ng mga magulang sa mga estudyante

Kani -kanilang mga anak bukod pa rito binigay Niya na mas makabubuti kung

maipapaliwanag ng maayos ng mga magulang ang mga polisiya nang maisinsindahil

mas mabuting manggaling ito sa kanila at hindi lamang sa eskwelahan

- normal na sinimulan ma'am princes opng ang ang adyenda- ang Pag dala ng smart

phone sa paaralan . Ngunit may roon pa ring mga polisiya sa pagamit at Pag dala nito.

Una hindi ito maaring gamitin sa oras ng klase kung hindi pinahintuan ng guro . Ikalawa

walang resposibilidad ang paaralan sa kahit anuman na pagkasira o pagkawala ng

naturang mga smart phone mga - mag aaral . Ikatlo ang lahat ng mga smart phone ay

dapat naka silent habang nasa loob paaralan ang lahat ng hindi sumunod sa patakaran

ay makukumpiskahan panahon para sa bawat paglabag sa polisiya. Bukod pa rito ay

pinyuhan Niya ang mga magulang na huwag munang bigyan ng mamahaling mga

smart phone ang anak.

3.Iskedyul ng susunod na pulong

- February 5, 2024.

4. Pagtatapos ng Pulong

Normal na natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:00 ng hapon sa pabibigay Salamat

ng punong - guro sa lahat ng dumalo. Ipanahayag din Niya na inaasahan ang

kumpletong presensiya ng lahat sa mga susunod pang pagpupulong .

LAKBAY SANAYSAY
Bilang Isang estudyante marami na akong nilakbay sa aking buhay patungo sa
matagumpay at magandang pamumuhay bilang Isang manlalakbay sa aking buhay
kailangan Kurin ng mga pamliya na sumosuporta sa aking paglalakbay

Ang lumakbay sa inyong Buhay ay marami ang mga pagsubok at problema na


darting sa ating buhay dahil ang problema ay kasama ng tagumpay walang tagumpay
kung walang Pag subok na iyong sasalubongin at iyong gibain patungo sa masarap na
buhay na inyong hanahangad.

Ang pagiging matagumpay ay hanahangad ng maraming tao na gusto umangat sa


buhay dahil ang magandang buhay ay gusto ng mga magulang natin kaya sa mga anak
nila binibigay at para hindi tumolad sa kanila na mga yapak na puri kamalasan at para
maging Isang mabuting Anak.
BIO - NOTE

Si Mister JAYVE LIASAN ay labing walomgg na taong gulang ipinanganak siya noong
December 16 2005 sa Brgy Lanao siya ay nagtapus sa LAWA NATIONAL HIGH
SCHOOL at nag kolehiyo sa politicnic ng Digos at nag aral siya sa Bachelor of Science
in criminology sa taong 2029 at kasalukuyan naka assign sa Cueva pamlona Cagayan
Noong bata palang daw siya ay pangarap Niya daw talaga maging Isang pulis.kaya
naman Criminology ang kanyang kinuhang kurso Gusto Niya daw kasi mag silbi sa
ating bansa at maipagtanggol ang mga tao sa masasama at naikwento Niya run kung
gaano kahirap ang maging Isang pulis.
LIMANG DAAN

Mula sa simula, wika na ang nagsisilbing tulay upang magkaroon ng interaksyon ang
bawat indibiduwal sa isang komunidad. Ayon nga kay Bienvinido Lumbera, parang
hininga ang wika. Dahil ito ang ginagamit ng tao para mabuhay at makasabay sa daloy
ng paligid saan man siya naroroon kagaya ng isang tulad ko

Ako ay napabilang sa komunidad na hindi gaano kalapit sa sibilisasyon at ang pag-


unlad ay mahina dahil literal na walang kuryente at napapalibotan ng bukid ang boung
paligid. Ang tanging meron lang sa amin noon ay radyo na siyang nagsisilbing daan
upang aming malaman ang mga kaganapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbabalita
ng mga ito sa kalawakan. Gamit ang mga wikang Sinugboanong Bisaya ay mas
yumaman ang aking kaalaman tungkol sa wikang Cebuano sa pamamagitan ng
pakikinig sa radyo araw-araw na malimit naming ginagamit sa kumunidad na aking
kinabibilangan. Dati, sobrang limitado lang ang aking kaalaman tungkol sa wika ng
bansa dahil nga ang aming lugar ay di kaagad nakasabay sa daloy ng panahon.
Naaalala ko nga dati, masaya na ako kung makapagtagalog ng kahit isang salita
lamang sapagkat sa aking pagkakaalam, mga galing Maynila lamang ang nakakagawa
ng mga ganoong bagay.

Sa aking paglaki ay dahan-dahan ding lumawak ang aking kaalaman at unti-unti


ring lumalim ang lebel ng aking kakayahan sa pag-iintindi ng mga bagay-bagay. Sa
pamamagitan ng pag-aaral at pag-usbong ng teknolohiya sa bansa ay mas naging
madali para sa akin na makaangkop sa mundong aking kinabibilangan o kahit saan
man ako naparoon dahil madali nalang para sa akin ang makakuha ng mga
mahahalagang impormasyon mula sa internet kung may gusto akong malaman. Ayon
nga sa pag-aaral, ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng
impormasyon ng mga magaaral sa panahon ngayon (FilipinoBlog, 2019). Na isa sa mga
dahilan upang lalong yumabong ang aking kaalaman sa wika.

Dahil din sa pagtuloy ko sa aking pag-aaral at pakikihalubilo o pakikipag-usap sa ibat-


ibang taong aking mga nakakasalamuha ay dahan-dahan kong napagtanto na marami
pa pala akong dapat matututunan sa wika mula sa pagsulat, pagbigkas, pagbaybay,
pagpapantig, at ang tamang paggamit ng mga ito na siyang isa sa pinakaimportante ng
lahat.

Naging daan din ang panonood ko ng telebisyon partikular na ang telenobela,


Dokumentaryo, mga balita, at mga diskusyon sa loob ng silid-aralan upang mas lalo ko
pang mapayaman ang aking bokabolaryo at pagkatuto sa wika upang sa ganun ay
magiging malikot din ang aking imahinasyon sa paggawa ng mga akdaing
pampanitikan. Ayon nga kay Ponciano Penida, Ang Wika ang kasangkapan ng isang
manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwa'y di totoong mahalaga kung ano
man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga'y kung paano ginagamit ng maguni-
guning manunulat ang wikang kasangkapan. Katunayan, may mga literaturang
nailimbag mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa na nagtataglay ng mga iba’t-ibang
tradisyon at kulturang Pinoy dahil sa Wika na naging daan din upang mas mapadali at
maging mabisa ang pagtuturo ng wika sa bawat indibiduwal partikular na sa mga mag-
aaral sa pamamagitan ng Limang Makrong Kasanayan.

Sa pag-ikot ng panahon at dahil na rin sa Globalisasyon ay mas umunlad at


patuloy na nagbabago ang wika hanggang sa umangkop ito sa pangkalahatan. Bunga
na rin sa malikot na pag-iisip ng iilan ay mas marami pang wika ang napauso mula sa
kanilang mga nabasa, napanood, at narinig. Mas dumami rin ang mga wikang hiram o
wikang banyaga na tinumbasan ng pagbabaybay sa wikang Filipino at mga wikang
palasak na ginagamit sa agham.

Kaya, ang Limang Makrong kasanayan (Pakikinig, Panonood, Pagsasalita,


Pagbasa, at Pagsulat) ay ang mga mabisang paraan sa pagkatuto at pagtuklas ng mga
bagong kaalaman lalo na sa pagpapaintindi na ang wikang Filipino ay umuunlad at
patuloy na yumayabong at hindi ito kailanman mamamatay. Aking napagtanto na ito ay
epektibong paraan upang mas maibigay o mailahad nang maayos ng mga magtuturo
ang kanilang mga tunguhin lalo na sa pagpapaintindi ng wika. Magagamit ang mga ito
upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral na ang wika kailanman ay hindi
humakbang paurong kundi ito ay humakbang pasulong para makaangkop sa daloy ng
panahon. Gamit ang mga ito, mas madali para sa bawat indibiduwal na matuto at mas
mapaunlad pa ang pagkatuto ng wika. Ang lima ang naging daan ng kaunlaran at
pagkakaintindihan sa pangkalahatan.

You might also like