You are on page 1of 4

BULIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bulihan, Malolos, Bulacan

SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL SA GULAYAN SA PAARALAN

POSISYON DESKRIPSYON NG TUNGKULIN

PANGULO MAGSILBING PINUNO NG SAMAHAN NA SIYANG


MANGUNGUNA SA PAGSASAGAWA NG MGA PROYEKTONG
PANGKALIKASANG INILUNSAD NG SAMAHAN PARTIKULAR SA LUGAR-
TANIMAN NG MGA GULAY AT HALAMANG KINAKAILANGAN DITO.
PANG. PANGULO MAGING KATUWANG NG PANGULO NG SAMAHA SA ADHIKAIN NG
SAMAHANG MAKAPAGTANIM AT MAKAPAG-ANI NG MGA BUNGANG
GULAY UPANG MAGAMIT SA KAPAKIPAKINABANG NA PARAAN NG MGA
MAG-AARAL.
KALIHIM TAGATALA NG MGA DATOS NG NAPAG-USAPAN SA PAGPUPULONG AT
TAGASINOP NG MGA DOKUMENTONG MAY KAUGNAYAN SA LAYUNIN
AT GAWAIN NG SAMAHAN
TIYAKING NAISASAKATUPARAN NG BAWAT KASAPI ANG MGA NAPAG-
USAPANG GAWAIN/TUNGKULIN NG BAWAT ISA.
TAPAGBALITA TAGAPAGHATID NG IMPORMASYON KAUGNAY NG MGA MAGAGANAP
NA GAWAING MAY KINALAMAN SA SAMAHAN SA LAHAT NG KASAPI
NANG MAY PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING BAHAGI NG ADHIKAIN NG
SAMAHAN.
KINATAWAN NG PANGKAT MAGING TAGAPAMUNO SA MAS MALIIT NA PANGKAT NG MGA KASAPI
NG SAMAHAN.
MAG-ISIP AT MAGSAGAWA NG MGA PROYEKTONG MAKATUTULONG
SA PAGLINANG NG PAGHAHALAMAN.
KASAPI MAGSAGAWA NG PAGLILINIS AT PAGPAPANATILING MAAYOS ANG
LUGAR NG TANIMAN AT IBA PANG MAKATUTULONG NA PARAAN NA
MAKAPAGPAPAUNLAD O LILINANG SA TANIMANG SAKOP SA LOOB NG
PAARALAN.

Inihanda ni:

Rodelia S. Bueno
Koordineytor- Gulayan sa Paaralan

Binigyang-pansin:

Alberto P. Caparas
Head Teacher II

Nabatid:

Benilda B. Angeles
Punong Guro II
BULIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Bulihan, Malolos, Bulacan

ULAT-PASALAYSAY SA PULONG NG MGA GURO AT MAGULANG NG SENIOR HIGH SCHOOL

Setyembre 26, 2019,nang minsan pang nagpatawag ng pulong ang mga guro ng senior high school ng BNHS. Tulad ng
inaasahan, nagsidalo ang mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing pangkat ang SHS -11- GAS at 11, 12- GAS at
TVL.
Ganap na alas 2:00 ng hapon, nang magsipagpatala ang mga magulang na nagsidalo sa silid-aralan ng 11-GAS.Sinimulan
ang pulong sa pamamagitan ng isang panalangin na pinagunahan ni Gng. Manylyn Valmadrid, Guidance Counselor at guro
sa DRRM at PPG. Sinundan ito ng bating-pagtanggap ni Bb. Jasmine Comendador,gurong-tagapayo ng 12- GAS at guro sa
O.M,Science at Entrepreneurship. Sumunod na nagsalita si Gng. Rodelia S. Bueno, gurong-tagapayo ng 11- GAS at guro sa
Filipino. Nagbahagi rin ng kanyang ulat at payo si Gng. Lolita Faronilo, gurong-tagapayo ng 12-TVL. Sinundan ito ng
pananalita ni G. Rustom Mateo, koordineytor ng SHS at guro sa M.I.L., Mathematics at Research. Kabilang din sa mga
nagsipagsalita si G. Shago dela Cruz, guro sa English at M.I.L.

Kabilang sa mga isyu at paksang tinalakay sa pulong ang mga sumusunod :

1. Scouting (BSP/GSP) ( 70.00 Registration, 170.00 scarf)


2. GPTA Project/ Voluntary contribution (50.00)
3. Completion of Requirements per subject (assignment, reports,activities, projects, researches,etc.)
4. Immersion/ insurance/medical (grade 12)
5. Absenteism and Tardiness (based on official class schedule)
6. Other matters/ concerns (uniform, packed-lunch, excuse letter,etc.)

Layunin ng nasabing pulong ang maiulat at maipabatid ng mga guro sa mga magulang ng mga mag-aaral ang kalagayang
pang-akademik ng kanilang mga anak na nabibilang sa nasabing mga pangkat Gayun din, upang maipaabot sa mga
magulang ang hinihinging tulong at suporta ng mga guro kaugnay ng pag-aaral ng kani-kanilang mga anak. Hiniling ng mga
guro ang pagsubaybay at paggabay ng mga magulang sa bawat mag-aaral lalo na ang mga may pagkukulang sa kahingian
ng bawat asignatura gaya ng regular na pagpasok sa klase sa tamang oras at hindi pagliban, mga proyekto at awtput ng
mga gawaing may kaugnayan sa lahat ng asignatura. Ito ay upang maiwasan ang anumang di kanais-nais na pangyayari sa
mga mag-aaral gaya ng pagkakaroon ng mababang o kaya ay baksak na marka sa nalalapit na pagsusulit at gayun din
pagtatapos ng unang semestre.

Nagkasundo ang mga guro at magulang sa mga napag-usapang isyu gaya ng nauna nang ilahad. Nangako ang mga
magulang na gagawin nila ang kanilang tungkulin sa kanilang mga anak gaya ng hiniling ng mga guro upang magkatuwang
nilang maalinang ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral.
Natapos ang pulong ganap na alas 4:00 ng hapon,kung saan naging malinaw sa lahat ang mga dapat isagawang hakbang
upang makatulong sa pag-aaral ng mga ma-aaral ng senior high school.

Inihanda nina:

Rodelia S. Bueno Jasmine Comendador Lolita Faronilo Rustom Mateo


Gurong-tagapayo Gurong-tagapayo Gurong-tagapayo Koordineytor
11-GAS 2-GAS 12- TVL SHS

Binigyang-pansin: Nabatid:

Alberto P. Caparas Benilda B. Angeles


Pang-ulong Guro II Punong-Guro II
KASUNDUAN

Pinatutunayan nito na ako _________________________________bilang magulang/tagapangalaga ni


(Buong pangalan)
_____________________________(pangalan at pangkat ng mag-aaral) ay may responsibilidad na gabayan at tiyaking
nasa maayos na kalagayan ang aking anak/kaanak lalo na sa aspekto ng pagbibigay ng patnubay sa kanyang pag-aaral.
Batid ko na ang hindi pagtalima/pagtugon sa mga kailanganin ng bawat asignatura ay maaaring maging dahilan ng
pagbaba ng marka o ng tuluyang pagbagsak na maaaring mauwi sa pag-uulit at/o di pag-graduate sa inaasahang
pagkakataon.

Dahil dito,ipinangangako ko na tutulungan at titiyakin kong maipapasa niya ang lahat ng kailanganin o kahingian ng
bawat asignatura sa takdang oras na inilaan at pinag-usapan sa klase.

Pangalan at lagda ng magulang/ tagapangalaga Pangalan at lagda ng tagapayo

KASUNDUAN

Pinatutunayan nito na ako _________________________________bilang magulang/tagapangalaga ni


(Buong pangalan)
_____________________________(pangalan at pangkat ng mag-aaral) ay may responsibilidad na gabayan at tiyaking
nasa maayos na kalagayan ang aking anak/kaanak lalo na sa aspekto ng pagbibigay ng patnubay sa kanyang pag-aaral.
Batid ko na ang hindi pagtalima/pagtugon sa mga kailanganin ng bawat asignatura ay maaaring maging dahilan ng
pagbaba ng marka o ng tuluyang pagbagsak na maaaring mauwi sa pag-uulit at/o di pag-graduate sa inaasahang
pagkakataon.

Dahil dito,ipinangangako ko na tutulungan at titiyakin kong maipapasa niya ang lahat ng kailanganin o kahingian ng
bawat asignatura sa takdang oras na inilaan at pinag-usapan sa klase.

Pangalan at lagda ng magulang/ tagapangalaga Pangalan at lagda ng tagapayo


Setyembre 27, 2019

Mahal na mga Magulang/Tagapangalaga:

Magandang araw po!

Nalalapit na naman po ang mga araw ng pagsususlit pagtatapos ng ikalawang markahan ngayong taon sa buhay –mag-aaral ng inyong anak.

Kaugnay po nito, malugod po namin kayong inaanyayahan sa ating paaralan bukas, Setyembre 26, 2019 ganap na 2:00 ng hapon sa SHS Room.
Layunin po nito na maipabatid naming sa inyo ang kalagayang pang- akademiko ng inyong anak at matalakay ang iba pang mahahalagang usapin
na nakaaapekto sa kanilang pag-aaral. Mahalaga pong tayo ay magkita at magkausap tungkol sa mga nabanggit na talakayin.

Umaasa po kami na inyong mapaglalaanan kahit kaunting panahon ang nabanggit na mahalagang araw para sa kapakanan ng inyong anak.

Maraming salamat po!

Gumagalang,

Rodelia S. Bueno Jasmine C. Comendador Lolita C. Faronilo


Guro/ Tagapayo Guro/ Tagapayo Guro/ Tagapayo
11-G.A.S 12-G.A.S 12- TVL

You might also like