You are on page 1of 30

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
DISTRICT OF CALACA
SENIOR HIGH SCHOOL IN CALACA
MADALUNOT, CALACA, BATANGAS

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

GERALDINE D. MAULLON
GURO II
MAGANDANG
BUHAY 
PANALANGIN

ATTENDANC
E
LAYUNIN:
NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING
PAKAHULUGAN SA WIKA.
NAUUNAWAAN ANG UNIBERSAL NA
KATANGIAN NG WIKA.
NATUTUKOY ANG KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN, AT KALIKASAN NG WIKA.
BALIK-
ARAL

K R I S M M
N G U S A O
O B Z A B N
L F S G E T
I M E L L U
M I K E G L
M R J B A F
G A S A S O
Sa anong antas kaya ng wika
nabibilang ang mga personalidad
na nakita sa palaisipan?
G AT IN G LE K S Y O N ?
ANO AN G KAALAMAN)
(PAGPAPAYAMAN N
Paano n y o b a b ib i g y a n g
k ah ul u g a n a n g sa l it a n g
A N T A S ?
Ang antas ng wikang madalas na
ginagamit ng isang tao ay isang
mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao siya at kung sa aling
antas-panlipunan siya kabilang.
ANU-ANO BA ANG
ANTAS NG WIKA?
1. PORMAL
Ito ay ang mga salitang istandard dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng mga
nakapag-aral ng wika.
1.1 PAMBANSA/ LINGUA FRANCA
*Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa
lahat ng mga paaralan.
*Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga paaralan.
*Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
*Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at
kalakalan.
MGA HALIMBAWA
AKLAT DALAGA
 INA /AMA MASAYA
1.2 PAMPANITIKAN/PANRETORIKA

*Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa


kanilang mga akdang pampanitikan.
*Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim,
makulay, talinghaga at masining.
*Madalas itong gumagamit ng mga tayutay/idyoma.
MGA HALIMBAWA
PAMBANSA PAMPANITIKAN

INA ILAW NG TAHANAN

BALIW NASISIRAAN NG BAIT

MAGNANAKAW MALIKOT ANG KAMAY


2. IMPORMAL

Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at


pang-araw-araw na madalas nating gamitin
sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
2.1 LALAWIGANIN
*Ito ang mga bokabularyong pandayalekto.
* Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay
magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong
naibubulalas.
*Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang
tinatawag ng marami na punto*
MGA HALIMBAWA
PAMBANSA LALAWIGANIN
UPO TABAYAG

KALAMANSI KALAMUNDING

TALUKBONG PANDONG/TAKLOB

ABA NGA NAMAN ALA EH NAMAN

GABI GAB-I
2.2 KOLOKYAL
Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita sa
pagkakataong impormal. Maaring may kagaspangan at
pagkabulgar ang mga salitang ito, ngunit maari din
naman maging repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
MGA HALIMBAWA
PAMBANSA KOLOKYAL
SAAN NAROON SANARON
NASAAN NASAN
TAYO NA TANA/TAYNA
AYWAN EWAN
TARA NA TARA/TANA
2.3 BALBAL
*Ang mga salitang ito’y tinatawag sa ingles na SLANG. Ang mga salitang ito noong
una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinagaralan dahil masagwa raw
pakinggan.
*Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, nang sa
gayon, para nga namang “code” na kung saan hindi maiintindihan ng iba ang kanilang
pinaguusapan. Pabagu-bago ang mga salitang balbal. Mababang antas ito ng wika.
*Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ito ay
tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-age
lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak.
MGA HALIMBAWA
PAMBANSA BALBAL
MATANDA GURANG
KAPATID UTOL
INOM TOMA/TAGAY
SECURITY GUARD SIKYO
AMERIKANA KANA
PULIS LESPU
KOTSE TSIKOT
IBA PANG HALIMBAWA
PAMBANSA BALBAL
INA ERMAT
AMA ERPAT
HIYA DYAHI
SIGARILYO YOSI
NOBYA JOWA/CHUVACHUCHU
ASAWA WASWAS
PANGKATANG GAWAIN
MAGBIGAY NG HANGGANG
TIG-LIMANG MGA SALITANG
GINAGAMIT AYON SA HINIHINGI NG
KOLUM.
Mas maganda kung makakapagbigay ng mga salitang pambansa at
maibibigay ang katumbas nito sa iba pang antas ng wika

PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL

ILAW NG
INA INANG NANAY ERMAT/MUDRA
TAHANAN
PORMAL IMPORMAL
PAMPANITIKA
PAMBANSA LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL
N
ISAHANG GAWAIN
ISULAT KUNG SAANG ANTAS NG WIKA NABIBILANG
ANG MGA SALITA.
1. PANGINOON 6. KWARTA
2. LODI 7. TAKOT
3. AMA8. MABANAS
4. NAMUMULA ANG PISNGI 9. TEKA
5. PETMALU 10. PAGMAMAHAL
TAKDANG ARALIN

Pag-aralan ang iba pang konsepto ng wika.


MARAMING
SALAMAT

You might also like